Project 30

3K 61 0
                                    

"Are you sure that's what you're going to wear?" Taas kilay na tanong sakin ni Pie pagkakita sakin na para bang weird na weird ang suot ko. Can't she just say maganda ang suot ko at bagay na bagay sakin?

Napatingin ako sa suot ko. Okay naman, a. I can't see what's their problem is. Isa pa, palagi naman ganito ang get up sa tuwing paparty kami so anong problema ngayon sa suot ko? Don't tell me natutulad na siya kay Jace.

Black dress and heels! Perfect for tonight's party!

"Um, yeah?" Taas kilay ko din sagot.

"Baby.." Tawag sakin ni Jace.

Don't even start, Jace. Hindi ko siya pinatapos magsalita, sa baby pa lang ay alam na alam ko na ang kasunod.

"What? Do you want me to wear long sleeves and pants there? You know that there is no way that I'm going to wear that!" Maarte kong sabi, halos gusto ko nang sumigaw. I hate wearing pants the most. It makes me feel uncomfortable, ang sikip kasi.

"No, no of course not!" Mabilis niyang tanggi. "Then we're good. Tara na?" Tango ko.

Wala tumayo sa kanila kaya nilingon ko ulit sila. Nakita kong napabuntong hininga si Kate.

"Viv, I don't know if you're not informed na foam party ang pupuntahan natin or kami ang mali?" May pagaalinlangan na sabi ni Kate sakin habang nakakunot ang noo.

Wait, did she just say foam party? Foam party! Tinignan ko sila at ngayon ko lang napansin na nakashorts lang sila and slippers!

Nakita kong nagpigil nang tawa sina Jace, Ivan at Kirk nang nakita ang itsura ko. Oh God! I hate them all. And I hate it more dahil napapahiya nanaman ako! Oh well, dapat pala masanay na ako. This is not even the first time na napahiya ako sa kanila.

Right. Naalala ko na. The invitation says 'get ready to get wet and wild!' Nakasulat pa ito sa harap at nakabold so bakit ko nakalimutan 'yun? Bakit ba kasi hindi ko tinignan mabuti 'yung invitation na 'yun! Kaasar.

Hindi pa naman ako ready mabasa! Sayang ang pagkulot ko ng buhok kanina. But at the same time naeexcite ako dahil first time kong aattend ng foam party! I maybe a party girl but never ako nagpunta sa mga pool parties.

"So..are you going to change or tatayo ka nalang dyan?" Ani Pie.

Dinabog ko pa ang paa ko bago bumalik ng kwarto para magbihis. Narinig ko ang tawa nila sa living room bago ko isara ang pinto.

Ilan araw ko ring pinlano ang susuotin ko tapos mali naman pala ako! Sa sobrang inis ko, I just grabbed anything from my closet na pwede kong masuot. I settled for a white shorts and a dark blue racer back then slippers!

"Better.."

Nagpaparty ang mga event organizers ng school before magchristmas break and we were invited of course, party goers like us pa!

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now