End

5K 102 0
                                    

I can’t seem to forget the night where I can call her mine again. Matagal ko rin hinintay ang pagkakataong ‘yun. I’m dumb enough to let her go.

I hesitated many times if I should confess or not. Takot kasi akong masaktan ko siya ulit. I can’t afford to see her cry. Takot rin akong hindi na niya ako ulit matanggap.

I can still remember the first time I saw her. It was late afternoon and our practice just ended. I saw Pie and Kate walking toward us. Sanay na ako sa ganitong eksena. Halos hindi sila mapaghiwalay e.

Aalis na sana ako para magpunta ng locker room. It’s not like I want to be their 5th wheel. Nang mapahinto ako dahil nahagip ng paningin ko ang nakasimangot na babae na kasunod nila. Nakakunot pa ang noo nito dahil parang init na init siya kahit na wala nang masyadong araw.

Nililipad ang mahaba niyang buhok and I say that she’s really pretty kahit na nakasimangot. I bet she’s prettier when she is smiling. Damn, why didn’t I notice her before?

Simula non ay palagi ko siyang nakikita sa campus with her friends.

There was even a time when sinungitan niya ako nang mahuli ang pagtitig na ginawa ko.

The moment I laid my eyes on her dineklara ko na na akin siya. No one could take her away from me.

"May boyfriend ba 'yung isang kaibigan ni Pie?" Pasimple kong tanong kay Kirk habang nagbibilliards kami sa bahay niya.

"Si Vivien? Ang alam ko wala. Bakit, type mo?" Binigyan niya ako ng ngiting makahulugan bago tumira.

"Hindi!" Tanggi ko, "Ang sungit bro, e!"

Natawa siya, "Masungit talaga 'yun! Hindi ko alam kung bakit palaging galit 'yun sakin! Ang sarap tuloy asarin lalo na pag namumula na sa galit." 

Aaminin kong nakaramdam ako ng inggit nung sandaling 'yun dahil buti pa siya nakakausap niya 'yun. Hindi nga kami magkakilala pero kung makairap sakin wagas. 

Then one Friday night habang busy ako sa pagbibigay ng orders ng mga costumers ay nakita ko siyang nakaupo sa bar habang umorder ng alak. Hindi ko inakala na nandito siya dahil ang alam ko ay hindi siya sumasama kanila Pie. Ngayon ko lang siya nakita dito. Agad ko siyang nilapitan at ako ang nagbigay ng order niya.

Kabado ako nung mga panahong 'yun dahil baka mayabangan siya sa pag approach ko sa kanya at ayaw na niya agad sakin. Nagisip ako agad ng pwede kong sabihin sa kanya at tamang tama ay nakita ko si Pie doon sa dance floor.

Nagpakilala ako expecting that sasabihin rin niya ang pangalan niya sa akin but she never told me. Right there, I immediately realized that she is a tough girl. She is really something that makes me like her more.

Pero napangiwi ako nang nakita kong napapadami siya ng inom. I hate girls who drinks.

Simula nun ay palagi kaming nagaaway. Madalas ay kasalanan ko. Why, I love annoying her. I don't know why but I love fighting with her. She's really beautiful especially when she's mad at me. Ang sarap tuloy niyang asarin minsan. 

The Love Project (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ