Project 11

3.4K 67 1
                                    

They ordered a bottle of Blue Label and buckets of beer. Nagtalo pa si Kirk at si Jace kung sino ang magbabayad. Apparently, Jace won kaya tuwang tuwa sakanya ang mga loko.

That's why hindi sila nagsasawa kahit na every week sila nandito. Their friend don't let them pay pag nandito sila palaging on the house. Siya na ang mayaman!

"Here! Congrats to the team!" Sabay taas ng baso ni Pie, "And of course to my Kirk!"

Ayaw nila ng may tawagan katulad nila Kate na baby ang tawag sa isa't isa. Too mainstream daw and corny. Okay na sila sa Pie and Kirk. They find it sweet to call each other by names, maganda daw kasi ang names nila.

"And to you.." Narinig kong sabi ni Kate kay Ivan bago hinalikan.

Napangiti ako sa kasweetan nitong dalawa! I am happy for them kasi nakikita kong mahal na mahal sila ng boyfriends nila.

"Where's mine? Gusto ko rin." Nakangusong sabi ni Jace. "Never." I grinned.

I don't know to why am I so happy. Is it because I'm allowed to drink or because of the effect of the alcohol in my body or maybe..just maybe kasi bati na kami ni Jace. Nakakaapat na shots na ako dahil panay ang cheers nila and one thing that I realized, ang hilig nilang magcheers at magpabottoms up! Kahit babae ay hindi nila pinatawad.

Nakakapagtaka nga nung una dahil si Jace pa ang unang nagpashot sa akin which is super odd.

"You are not Jace! Ilabas mo si Jace!" Natatawa kong sabi. Mahina niya akong binatukan, "Wag ka ngang OA! Just for tonight."

"Ay just for tonight lang? Akala ko pa naman void na 'yung deal!" Bulong ko.

Hindi ako sigurado kung narinig ba niya pero narinig ko pa ang sabi niya bago nagbottoms up.

"And only if you're with me that you are allowed.."

Malakas ang tugtog sa loob at mas lumakas dahil sa ingay ng mga teammates niya na mukhang pinagtritripan nanaman ang iilan sa mga kasama, kasama na dito si Ron. Pinanood ko kung paano nila dinadaya sa bottoms up ang kaibigan.

Mapula pula na ang mukha niya dahil dito. Natatawa nalang ako sa mga pinaggagawa nila.

Nakaupo kami sa isang paikot na sofa kung saan ako at iilan lang ang mga nakaupo at may malaking table sa harap. Nagsalin pa ako sa baso ko nang may tumabi sa akin.

"Quite a drinker. Nakakadami ka na, ah." Damang dama ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil ang lapit niya sakin at sinasabi 'yun malapit sa tenga ko dahil sa ingay.

"Minsan lang 'to! Might as well sulitin. 'Di ba?" At chineers ko siya.

Tumayo ako sa upuan ko since ako nalang ang nakaupo dahil lahat ay nasa dance floor na, ang iba ay nakikita kong may kausap na babae. Boys..

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now