Project 39

2.4K 50 2
                                    

At that time, nagblanko bigla ang utak ko hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Should I run? Should I hide? Hindi ko alam!

Pinanlakihan ko ng mata si Allen pero wala siyang pakialam at prenteng nakaupo siya sa pwesto niya habang nakaakbay sa akin.

Naalala ko ang step 1 niya. Make him jealous.

Ang tanong, magseselos nga ba si Jace?

"Shit! Bakit sila nandito? They are not suppose to be here." Kate cursed.

"That's not the problem Kate. The problem is, Jace is actually walking towards here." Natatarantang bulong ni Pie.

Hindi ko nakikita ang itsura ni Jace dahil nakatalikod ako sa kanya pero dahil nakikita ko silang natataranta ay nahahawa na rin ako.

Ano ang una kong gagawin? Aalisin ang kamay ni Allen o makisakay sa trip niya?

Abala ako sa pagkataranta kaya hanggang sa makalapit si Jace ay wala akong nagawa. Ang tanging nagawa ko lang ay titigan ang gwapo niyang mukha.

"Alis lang kami ni Kate," Ani Pie at agad na hinila ni Kate patayo.

Great! Now, there's only the 3 of us left. Hindi pa rin natinag si Allen sa titig na ginawa ni Jace. Pag nagkataon ay 6 vs 1 sila.

No, I won't let that happen. Pilit kong inaalis ang kamay niya pero mas malakas siya sa akin, nakuha pa niya akong bulungan, "Easy, babe."

Hindi ko nga dapat iconsider na bulong 'yun dahil malakas ang pagkakasabi niya na parang sinasadyang iparinig kay Jace lalo na 'yung babe. Siniko ko siya pero parang wala siyang naramdaman. Damn!

Malalim ang hininga ni Jace at alam kong kahit anong oras ay handa na siyang manuntok ng isang lalaking nakaakbay sa akin ngayon.

Kaya bago pa mangyari 'yun ay malakas kong tinulak si Allen para lumayo which he obliged pero humalakhak pa siya ng malakas bago niya 'yun inalis.

Ikaw, what will you do if two of your exes are standing in front of you pero galit ang isa samantalng nakangisi naman ang isa. Nakakabaliw 'di ba?

"Jace." I warned him before his fist might land on Allen's face. "Let's talk."

Palagi nalang kami usap ng usap pero wala naman nangyayari sa sitwasyon namin. Pang-ilan talk na ba namin ito? Hindi ko na mabilang.

Progress: 0%

Isa pa 'tong si Allen, e. Mapangasar talaga!

I hissed at him before I left with Jace. Ang hirap pang hilain ni Jace dahil ayaw niyang umalis sa kinatatayuan niya habang masama ang tingin kay Allen.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon