Project 6

3.7K 84 0
                                    

 "Watch your mouth." Seryosong sabi niya sa akin.

Hindi ko 'yun pinansin at patuloy lang sa pagpindot ko sa phone ko.

Damn phone! Kanina pa ako tawag ng tawag pero puro unavailable at kung hindi naman walang sumasagot!

"Isa pa. Isa pa talaga." Banta niya sa akin kaya tumigil na ako at inirapan siya.

"Well, I don't mind kung hindi ka magsasalita." Sabi ko kay Jace.

Dagdag lang 'yung mga sinasabi niya sa inis ko. He is like my dad kung makapagsermon!

For the nth time tinry ko ulit tawagan ang mga kaibigan ko pero wala pa rin talaga. At 20% nalang ang battery ko!

I appreciate Jace's silence habang pinapanood ako sa ginagawa ko when I finally gave up tsaka siya nagsalita.

"Umuwi na." Siko niya sa akin.

"Ano?" Tapos tinuro niya sa akin 'yung parking space.

Napamura ako nang makitang wala na nga ang kotse nila Ivan sa tapat. Pati 'yung kay Kirk.

"What? Bakit hindi mo sinabi agad!" Inis kong sabi.

Alam na pala niyang umuwi na tapos pinalow battery lang niya ang phone ko kakatawag!

"Nagtanong ka ba? Besides, I thought you want me to stay quiet? Sinunod ko lang naman ang gusto mo." At binigyan pa ako ng isang nakakaasar na ngiti.

Tinaasan ko nalang siya ng kilay habang iniisip ko kung paano ako uuwi. Cab or maghahanap ng kasabay?

Kasi naman! Tama bang iwan ako?

Habang nagiisip ako kung kanino ako makikisabay bigla siyang nagsalita,

"So friends?" Aniya habang nakasandal sa may railings ng second floor. Nandito kami kasi masyadong masikip sa baba at mausok.

Ang gwapo niyang tignan pag ganyan! Lalo na at medyo hinahangin pa 'yung buhok niya. Parang sumasabay sa kanta. Nakikiwiggle din 'yung buhok niya.

"Ayaw ko."

"Hindi pwede. Tsaka nahalikan na kita, tatanggi ka pa? Ako na nga ang nakikipagkaibigan sayo ang arte mo pa!" Pangaasar niya sa akin.

"Edi 'wag! Epal ka kasi! Just so you know, hindi pa rin ako makikipagkaibigan sayo!"

"Okay. I think someone is going home alone tonight. Nako, mahirap pa naman umuwi ng ganitong oras." Tinignan niya ako sabay pumipito pito.

Ako pa tinakot niya! Kaya ko naman magcab magisa.

"Gago talaga!" Bulong ko.

"'Yung bibig mo nanaman! Baka gusto mong.." Nakita ko ang pagngisi niya sa sinabi niya.

Well, naisip ko na mas convenient nga kung magpapahatid ako sa kanya kaysa magcab. Nakakatakot pa naman magcab dahil sa mga news lately.

"Oo na! Edi friends. Bwisit!" Nagdabog pa ako. Ang galing lang mangblackmail.

"Napipilitan ka lang ata, eh. May bwisit pa."

Buti alam mo! Iniisip ko nalang kung kailan ba matatapos 'tong oras na kasama ko siya. Ang tagal naman ata ng 2 hours? Pinagtritripan nalang ata kami nito eh.

Mas mabuti pa kung 'yung lalaking nakausap ko kanina 'yung makakasama ko ng 2 hours kaysa kay Jace. Hmm, pero pwede na rin naman pagtyagaan 'tong si Jace. Gwapo naman eh, tsaka ihahatid naman niya ako pauwi. Medyo nakakainis nga lang talaga paminsan minsan.

"Bakit ba palagi kang galit sakin?" Narinig kong sabi niya. Hindi ko alam kung kausap ba niya ang sarili niya o ako ang tinatanong niya but watever sinagot ko pa rin siya.

"Kasalanan mo kasi." Sisi ko sa kanya.

Totoo naman na siya. Hindi naman ako magagalit sa kanya kung hindi siya epal. Naisip ko nga mabuti pa 'yung iba niyang kaibigan hindi katulad niya. I wonder kung pati ba sa kaibigan niya ganyan siya? I'll ask Kirk.

"Ikaw din kaya! Ako pa sinisi mo."

Kahit wala akong makitang dahilan na kasalanan ko hinayaan ko siya.

"Edi sige tayo na. Oo na." Sabi ko sabay kumunot ang noo niya sa sinabi ko at biglang tumawa ng malakas. Nakita ko nanaman tuloy 'yung dimple niya, may mali ba sa sinabi ko?

"Ang bilis naman! Hindi pa nga ako nanliligaw." Sabi niya sa gitna ng pagtawa.

Automatic na tumaas ang kilay ko tsaka ko lang narealize na parang mali nga ang pagkasabi ko.

"Nakakainis ka talaga noh? Bwisit!" Hinampas ko pa siya ng ilang beses.

Hamalakhak lang siya habang umiiwas sa hampas ko. Ayan! Nakikita ko nanaman ang paglabas ng dimple niya!

Pauwi na kaming dalawa nang biglang nagtext sakin si Kate.

We're home. Where are you?

Hindi ko nga nireplyan. Pagkatapos nila akong iwan itatanong nila na saan ako! Bahala siya.

Nakita kong pinadaan ni Jace ang sasakyan sa isang fastfood chain. Drive thru!

Tumikhim siya kaya napatingin ako sa kanya. Nandito kami sa kotse niya habang kumakain ng fries at sundae na binili niya kanina. Nagaway pa kami dahil ayaw niyang dito kami kumain sa loob ng kotse niya. Ang arte, hindi naman ako makalat kumain. In the end, ako ang nasunod.

"Actually, I-"

Biglang tumunog ang phone ko kaya pinahinto ko siya.

"Kate."

"Girl! Where are you?"

"You left me and you're going to ask me nasaan ako?"

"Wait, are you with Jace?"

By the mention of his name napatingin ako sa kanya. Nagiwas siya ng tingin sa akin. Paano nalaman ni Kate? Teka, parang alam ko na..don't tell me tama ang hinala ko. Masasapak ko 'tong katabi ko!

"Low batt na ako, Kate. Don't wait for me. Good night!" At binaba ko na 'yung phone.

Matalim kong tinignan ang katabi kong nagiwas ng tingin. Pinasingkit ko ang mata ko at tinawag ko siya para mapatingin siya sa akin.

"You planned this. Kaya pala paice cream ice cream ka pa!"

"Teka lang! I was about to tell you before you asked me to stop. Pie is drunk kaya sabi ko mauna na sila at ako nang bahala sayo and they agreed!" Paliwanag niya.

Naisip ko ang pangblablackmail na ginawa niya sa akin. "You blackmailed them!"

"Grabe ka naman makapagbintang. I thought we're friends?"

"Who is your friend?" 

"Wala nang bawian! Iwan kita dito sige ka!" Sabi niya at tumingin sa kalsadang wala nang tao.

"Now, what kind of friend are you na iiwan ang kaibigan sa gitna ng madilim at walang taong kalsada?" Irap ko.

Kung iiwan man niya ako dito hindi talaga ako bababa. Never. Nakakatakot kaya!

"Friends." Ngisi niya bago inistart ang engine ng kotse at nagdrive habang nakangisi pa rin.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon