Project 19

3.2K 61 3
                                    

Change is the only thing that is constant in life.

Sinabi yan ng prof ko before. Funny how I still managed to remember it! I don't know how many days had passed since my life is back to normal again. Those days na wala pang Jace sa buhay ko. Nandyan siya pero parang wala din kasi ganun pa rin ang set up namin!

Parang isang magandang panaginip lang ang lahat ng 'yun para sa amin.

Sobrang takot ako na baka isang araw ay magising nalang ako na 'yung mga nakasanayan ko ay bigla nalang magbabago lahat. 'Yung akala mo nung una okay na, kasi nag settle kayo dun sa thought na 'okay lang, friends kami'. 

But it is not..

Yung mga bagay na pinakaiingatan mo ng sobra ay 'di mo namalayan na unti unti na palang nawawala sayo. 'Yung hindi mo namalayan na unti unti na pala siyang nawawala sayo kasi ang akala mo 'okay lang' because we're friends.

I guess masyado akong naging kampante na alam kong ako ang mahal niya. He said it right? I thought he can wait, but then he never really said that he'll wait. Akala ko lang 'yun.

At this moment, alam kong unti unti nang nawawala ang pinakaiingatan ko, si Jace, sa buhay ko. 

Ang sakit isipin na lahat ng sinimulan niyo noon sa iba niya na ipagpapatuloy kasi wala ka na, kasi ayaw mo. Gets ko naman, e. Tao lang siya, nagsasawa at napapagod. Hindi naman pwedeng siya lang palaging habol ng habol sa akin 'di ba?

Ang sakit isipin na 'yung mga pinangarap mong scene kasama siya ay sa iba mo na nakikita. Ginawa ko lang naman ang tingin kong tama para sa amin ah.

I can only watch him from afar na may kasamang babae. Nakaakbay siya doon sa babae at ang saya saya nilang tignan dalawa. They look so...perfect. It makes me think na sila talaga ang bagay sa isa't isa and not me and him. Isa lang akong chapter sa story nila.

The first time I saw them together parang gumuho ang mundo ko, I'm not overreacting but it really felt like that. Ang sakit pala talaga. He didn't even see me looking at them dahil nasa babae ang buong atensyon niya and that's the time I realized I really lost him because of my kaartehan!

This time ginulo niya ang buhok ng babae at nairita naman ang babae sa kanya pero makikita mo pa rin ang ngiti sa mukha niya. Ilan days lang ba ang nakalipas? May bago na agad siya and worse, it's the same girl in the party! What happened to 3 month rule ni Popoy at Basha?

I don't know if napanood ba niya 'yun pero it's a rule! Basic rule 'yun! But then kung iisipin, hindi ko rin sila masisi dahil wala naman kami. There was never an us so, yeah.

"Tapos ngayon titingin ka nalang dyan!" Napatalon ako sa gulat nang magsalita si Pie sa tabi ko. Agad kong iniwas ang tingin ko. Bigla akong nahiya dahil nakita niyang pinapanood ko sila Jace.

"Ikaw naman kasi, e. Mahal mo naman pero pinapatagal mo pa!" Dagdag ni Kate.

Sige lang guys, can't you see I'm hurting here?

Bakit ko nga ba pinapatagal? Ahh, kasi nagiinarte pa ako na hindi ako ready and so on. Ang dami kong narealize kanina habang pinagmamasdan ko sila. First, is that I really love him. Second, I think i'm ready for this but it's too late. And third, nasa huli talaga ang pagsisi.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now