Project 12

3.7K 71 1
                                    

"Magkasama nanaman kayo?" Sigaw ni Kate nang makitang kasama ko si Jace dito sa pav habang naghihintay ako sa next class ko.

"Nagsasawa na ako sa mukha mo, Jace. Halos araw araw na kitang nakikita!" Ngumuso si Pie kay Jace.

Nagkatinginan kami ni Jace saglit at tumawa siya sa inasta ng mga kaibigan ko.

"Napadaan lang naman siya dito! Issue niyo.." Sagot ko. Totoo naman, dumaan lang siya dito tapos nakita niya ako kaya tumambay siya saglit para samahan ako.

Hindi nila pinansin ang sinabi ko, their whole attention is at Jace's. "Hoy jace! Baka nililigawan mo na ang kaibigan namin, ah?" Hampas skanya ni Pie.

Natawa siya bigla, tsaka sinabing "Tsaka na girls pag nagrereply na siya.."

Hindi ko mapigilan hindi matawa sa sinagot niya. Yes, until now hindi ko pa rin siya nirereplayan. Wala naman kasing sense ang mga sinasabi niya sa text. Isa pa, palagi ko naman siyang nakikita at tamad akong magtext. Alam yan ng mga kaibigan ko kaya minsan tinatawagan nalang nila ako instead of text.

Tapos umalis na rin sila dahil may practice pa si Pie sa cheering at maglilibrary naman si Kate. Bumaling sa akin si jace at binalik ang usapan namin kanina bago dumaan sila Kate.

"Bilis na. Para 'yun lang, eh!" Sabay labas niya ng cellphone galing sa pantalon niya.

Tinignan ko lang ang Iphone niya na inaabot niya sa akin, "'Yun lang pala e. Edi wag na! Sus.." Sagot ko.

Ang gusto niya kasi ilog-in ko ang Facebook ko sa phone niya at iadd ko siya as friend. Seriously, parang bata 'to! Kailangan pa ba nun eh friends naman kami in real life and I don't really open my facebook. Minsan lang so I don't see any reason bakit kailangan namin maging friends doon.

At talagang ako pa talaga ang magaadd imbes na siya nalang at iaaccept ko nalang!

"Dali na, magtatime na, o!" Sabay tingin niya sa wrist watch niya at iniinsist pa rin na iadd ko siya. "Ayaw ko! Ikaw magadd kung gusto mo!"

Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin, "Gusto mo lang pala ako ang magadd, sige na nga babe. Accept mo, ah?" Siko niya pa sa akin.

Tapos nagpipipindot na siya sa Iphone niya. Hay nako! ang sabi ko magaaral ako sa break ko eh. May test kasi ako mamaya pero hindi na ako nakaaral dahil sknya. Mabuti nalang nakapagreview na ako kagabi!

"Ano ba, ang kulit mo!" Medyo naiirita ko nang sabi. Ang init kasi tapos ang kulit pa niya! Pinakaayoko pa naman sa lahat 'yung kinukulit ako.

"Accept mo na ako.." Sabi niya nang nagangat siya ng ulo, umastang 'di narinig ang sinabi ko. Inirapan ko siya sa sobrang kulit niya.

"Ipapahack ko kay Ron ang account mo pag hindi mo inaccept. Try me.." Takot niya sa akin bago binalik ang phone sa bulsa.

Palagi nalang niya ako binablackmail sa mga bagay bagay. Wala naman akong sinabing hindi ko 'yon iaaccept, okay lang sa akin dahil wala naman siyang makikita sa profile ko.

The Love Project (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon