Project 4

5.2K 79 0
                                    

Ang bilis talaga ng oras pag bakasyon or when you are enjoying. Pag ayaw mo naman parang ang bagal bagal ng oras. Just like that back to school nanaman. Bye parties and hello paper works! Oh, how I hate it.

That also means na balik tambay nanaman ako sa pav while waiting for the girls. Ngayon, inaantay ko si Pie dito, si Kate naman may class pa kahit first week pa lang! Minsan talaga KJ mga profs.

"I hate this sem! Imagine Ma'am G and Sir Tim sa isang araw? Killer combo! Gusto ko nalang magdrop!" Binagsak ni Pie ang mga gamit sa mesa bago umupo sa tapat ko.

Lihim akong ngumiti nang mapatingin ako sa makakapal na libro na hiniram niya sa library. Gagamitin siguro kay ma'am G.

Ang sabi nila pag naging prof mo daw si sir, patay ka talaga. Halos buong class ang binabagsak niya per sem at wala siyang pakialam kahit na graduating ka pa. And si ma'am G, she's nice pag nasa mood pero madalas moody dahil siguro matanda na and well kasi single.

Kailangan sobrang talino mo or sobrang sipag kung sabay mo silang magiging prof kasi kung hindi mababaliw ka talaga.

"Bakit hindi? Drop the subject." Hamon ko. Alam kong hindi niya kaya kasi isa siyang cheerleader at bawal magdrop ang mga cheerleaders or bumagsak ng kahit na anong subject dahil matatanggal sila.

Inirapan lang niya ako at nagsimulang buklatin ang mga libro niya.

"Been there, Pie." Sabi ko tsaka ko siya pinagtawanan. Naging profs ko na sila at gaya ng ginawa ko tinawanan lang din niya ako kasi puro daw ako aral and papers. Now let's see.

"Saan si Kirk?" Tanong ko.

"On the way. Let's have lunch together while waiting for Kate." Sabi niya habang hindi inaalis ang mata sa libro.

"No thanks." Ayaw ko na maging third wheel nila noh. Mas okay pa sakin magisa at tumambay dito tutal sanay na din naman ako.

"Beb kasama naman teammates niya. So, sama ka na ah." Pumayag nalang din ako kasi mapilit siya.

Malayo pa lang nakikita ko na si Kirk at ang kasama niya. Inabangan ko pa ang mga iba pang darating pero isang Jace lang talaga ang nakita ko.

Oh great! Akala ko teammates? Bakit mukhang teammate lang 'to? Naisahan nanaman ako ni Pie.

"Mali ata ako ng rinig. Teammate lang pala." Bulong niya sa tabi ko sabay hagikhik.

Hindi ko alam kung anong trip nitong babaeng 'to pero hindi ko gusto ang naiisip ko. Tatayo na sana ako para umalis nalang. I swear hindi ako sasama sa kanila maglunch. Hindi rin ako makakakain.

Kaya lang bago pa man ako makaalis, nakalapit na sila. "Oh alis ka na?" Salubong sa akin ni Jace na hindi ko pinansin.

Kahit na gustong gusto kong sabihin sa kanya na wala siyang pakialam kung aalis na ako at kung saan ako pupunta.

Nagkunyari akong 'di narinig ang sinabi niya nang bigla akong higitin ni Pie. Muntik pa ako maout of balance at matumba sa lakas ng paghila niya sa akin.

"Sasama siya maglunch. Ano, let's go? Gutom na kami ni Viv!" Ngiti niya tapos hinila na niya ako bago pa ako makapagreact.

I swear patay sakin 'tong si Pie mamaya!

"Diba 'yun 'yung sinasabi mo sa akin nung isang araw? 'Yung gusto mong puntahan?" Sabi ko kay Pie tinutukoy ang party.

Naramdaman kong may sumipa sa paa ko at nararamdaman ko din na pinanlalakihan niya ako ng mata pero nagpatuloy pa rin ako, "Ano nga ulit meron dun?"

"Ah, yeah. Nagyaya kasi si Kate!" Pagpapalusot niya.

"Ganun ba? Tara, punta tayo." Ngiti ni Kirk kay Pie bago umakbay sa girlfriend niya.

The Love Project (Completed)Where stories live. Discover now