Chapter 1

17.5K 724 83
                                    

Samuel "Sam" Villatá on multimedia.

Enjoy!

Sam

10 years later...

"Nak, paki-abot naman ng kalabasa na nandyan sa may refrigerator." Utos sa akin ni Mama. Sumunod naman agad ako at mabilis itong inabot sa kanya.

Busy ang lahat dito sa Mansion ng Lunchavez dahil sa darating ngayong araw ang buong pamilya ng Lunchavez. Birthday kasi ngayon ni Senyora Mathilde na 81 na ngayong araw. Dito idadaos ang kaarawan ng matanda sapagkat ito ang gusto nito. Makalipas kasi ng ilang taon ay sa ibang bansa sila nagdiriwang dahil yun ang kagustuhan ng kanyang mga anak pero ngayon ay siya na ang nasunod.

"Samuel pinapatawag ka ng Senyora sa sala." Ang sabi sa akin ni Ate Maria na siyang taga-linis ng buong bahay.

Tumango naman ako at agad na nagtungo sa sala kung saan ang Senyora Mathilde. Pagdating ko ay naabutan ko pa ang matanda na nagkakape habang nakapatong sa kanyang hita ang aso nyang si Bugs.

"Senyora pinatawag niyo po raw ako?" Nadapo ang atensyon ng Senyora sa akin at ito ay ngumiti ng napakaganda.

"Oo Sam, may hihingin sana ako sayong pabor, kung maaari lang." Ang saad ng Senyora. Napakabait ng Senyora sa amin lalo na sa akin. Siya ang nagpapaaral sa akin at gumagastos sa lahat ng kailangan ko sa school kaya wala akong dahilan para tumanggi.

"Pwede po. Ano po ba yung gusto nitong gawin ko?" Sabi ko. Hinaplos naman ng matanda ang kanyang aso bago ito nagsalita.

"Pwede bang ikaw ang magbantay sa apo kong si Sci habang siya ay naririto. Hindi mo naman kailangan siya bantayan buong oras, siguraduhin mo lang na wala siyang gagawing masama na magpapahamak sa kanya." Ang sagot ni Senyora.

Sa totoo lang ay hindi ko kilala ang mga apo ni Senyora pero malakas ang kutob ko na mabait sila na tulad ni Senyora.

"Oo naman po. Para po sa inyo ay gagawin ko ang lahat para bantayan ang Sci na yan." Pangako ko sa kanya.

"Aasahan ko yan Sam. Siguradong magkakasundo kayong dalawa ni Sci dahil sa hindi naman nagkakalayo ang mga edad ninyo. Huwag kang mag-alala dahil mabait naman yung apo ko." Ang sabi ni Senyora Mathilde.

"Sana nga po."

"Maaari ka ng bumalik sa ginagawa mo kanina. Salamat Sam." Nakangiting sabi ni Senyora Mathilde. Tumango ako at agad bumalik sa kusina.

Sana nga mabait yung Sci na yun para kahit papano ay hindi ako mahirapan at sana din maging magkaibigan kami. Mahaba-haba rin siguro ang pamamalagi ng pamilya Lunchavez dito lalo na ang mga apo ni Senyora Mathilde dahil sa Abril pa naman, Summer.

Tinulungan ko si Mama sa paghahanda ng pagkain. Tulad ni Mama ay marunong din akong magluto dahil sa mula pagkabata ay tinuruan na ako nito. Habang nasa kalagitnaan ako sa pagluluto ay biglang tumunog yung cellphone ko. Si Marco tumatawag. Isa sa mga kaibigan ko dito. Sinagot ko naman ito baka kasi importante.

"Hello, Marco, napatawag ka?" Sagot ko sa tawag.

"Pwede ka bang pumunta dito sa tambayan natin. Kailangan kita." Isang malungkot na Marco ang sumagot. Ano na naman kaya problema nito.

Submissive Much [(BxB)]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora