Chapter 21

8.7K 386 19
                                    


Enjoy.

Sam

Nang maisahan ko si Sci ay agad akong lumabas ng campus. Nag-abang ako ng jeep at mabuti nalang ay meron agad na dumaan kaya nakasakay agad ako.

Habang nasa biyahe ako pauwi ay bigla kong naalala na may gamit akong naiwan sa locker room ng basketball team. Yung PE uniform ko at tsaka yung underwear ko. Bakit ko yun nakalimutan.

Nakatakas nga ako kay Sci pero naiwan ko naman ang bagay na dapat ako lang nakakakita, yung underwear ko.

Paano nalang kung hanapin nila ako para isauli yun pero sa katunayan pala ay ipapahiya nila ako dahil sa kulay ng brief ko na kulay pink.

Para iwasan ang mangyari yun ay dapat maging tahimik lang ako at dapat walang ibang makakaalam na ako ang nakaiwan ng brief sa locker room na yun.

Tumingin ako sa bintana ng jeep at napagtanto ko nalang na lumagpas na pala ako sa bukana ng subdivision namin. Pumara nalang ako para makababa at lalakarin ko nalang ang papunta sa bahay namin. Alangan naman na pabalikin ko yung jeep para ihatid ako.

Hindi rin naman masyadong malayo ang nilagpasan ng jeep. Habang naglalakad ako ay biglang may nagtext sa akin.

Demonyo
I found your underwear here at our locker room. I know it's yours because of the sweet smell, same smell like your ass. Don't worry I'll keep it and consider this as a sex toy from you. And your PE uniform is also on my hand, get it by your own. I love you my wife😘.

Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko. Maging masaya dahil si Sci ang nakikita nun o mas lalong kabahan dahil hindi ko alam ang maaaring gawin nun, baka i-blackmail niya ako. Pero sabi naman niya na itatago niya ito at ikokonsidera itong sex toy. Sex toy? Ano yun? Manyak talaga ang lalaking yun.

Ang hawak-hawak kong cellphone ay bigla nalang lumipad sa ere at bumulusok sa semento. Bumangga pala ako sa isang tao dahilan para matumba ako. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh. Mabuti naman hindi nagkapira-piraso ang cellphone ko. Sayang naman.

Tumayo ako mula sa pagkakatumba at humarap sa taong nabangga ko. Pagkaharap ko sa kanya ay bigla akong natulala. Kumurap-kurap ako ng ilang beses bago ako makapagsalita.

"Marco?" Sambit ko.

Pinupulot ni Sci ang sigarilyong nakakalat sa sidewalk. Nang tumingin ito sa akin ay nababakas sa kanyang mukha ang inis pero siguro yung napagtanto niya na ako yun ay biglang lumaki ang kanyang mata.

"Marco?" Pagtawag ko sa kanya. Lumiwanag ang buong mukha niya nang tinawag ko siya.

"Sam ikaw ba yan?" Nag-aalangan niyang tanong sa akin. Tumango naman ako at bigla siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Miss na miss na miss kita Sam." Ang umiiyak nitong sabi habang yakap ako. Ramdam ko pa ang luha na tumutulo sa aking balikat. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Ako rin Marco, miss na miss kita." Tugon ko habang pinipigilan kong maiyak.

Nakita kong may mga taong nakatingin sa amin pero wala kaming pakialam. Ngayon lang kami ulit nagkita simula nung umalis siya at nagpunta dito sa Maynila. Hindi ko akalain na magkikita kami ngayon.

"Kamusta ka na Marco? Wala na akong balita sayo simula nung umalis ka." Ang sabi ko nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Okay lang ako Sam pero hindi ko maiwasan na ikumpara ang buhay ko dito sa buhay ko sa probinsya na kasama ka. Namiss talaga kita." Ang sagot nito sabay yakap ulit sa akin.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now