Chapter 34

8.2K 384 35
                                    

Sam

Nakarating kami sa mansion nila Donya Mathilde. Akala ko ay ipapasok ang sinasakyan namin sa loob ng malaking gate pero mukhang hindi.

"Sam dito nalang kita ibababa kasi bigla kong naalala na may pupuntahan pa pala ako. Magdoorbell ka nalang para papasukin ka ng mga maid. Pwede ba?" Sabi ni Donya.

Tumango naman ako at lumabas sa kanyang kotse. Nagdoorbell ako at hindi naman nagtagal ay pinagbuksan ako ng isang maid. Nagtaka naman ako kasi hindi ako tinanong kong sino ako bigla nalang akong sinabihan na pasok daw ako.

Nang naglalakad na ako papunta sa malaking pinto ng mansion ay bigla nalang itong bumukas at doon niluwa ang bistidang-bistida na ina ni Sci. Napahinto ako dahil baka magalit ito sa akin lalo na nang makalapit ito.

"Mabuti naman ay nandito ka na. Kanina ka pa hinihintay ng anak ko na si Sci." Nakangiting sabi nito. Nagulat naman ako sa pinapakita niya.

"Salamat po Ma'am." Ang tanging nabigkas ko. Mas lalo namang lumapad ang kanyang ngiti sa sinabi ko.

"Hindi. Dapat ako ang magpasalamat sayo. Salamat kasi minahal mo si Sci. Salamat kasi ipinaramdam mo sa kanya kung paano magmahal at mahalin. Kung wala ka baka hindi ko na makilala ang anak ko at baka hindi niya rin ako tanggapin na ina niya. Tanggap ko na mahal niyo ang isa't isa at wala na akong problema dun. Ang tanging hiling ko lang ay sana damayan niyo ang isa't isa at huwag sumuko sa lahat ng problema. At isa pa huwag mo na akong tawaging ma'am, Mommy nalang." Ang sabi niya sabay tapik sa balikat ko bago siya maglakad.

Sa narinig ko ay para akong nakahinga nang maluwag. Ang sarap sa pakiramdam na tanggap na ako—kami ni Sci ng pamilya niya bilang magkasintahan na nagmamahalan. Lumingon ako sa direksyon ni Mommy Valerie at hindi ko inaasahan na pabalik siya sa direksyon ko.

"Nakalimutan kong ibigay to sayo. Alam ko kasing may mangyayari mamaya pero kung ayaw nyong gamitin okay lang, in case lang naman." Hindi ako makapaniwala na inabutan ako ng condom ng Mommy ni Sci. Ngumiti pa ito ng makahulugan bago lumabas sa gate kung saan ako kanina pumasok.

Binulsa ko nalang yung condom at pumasok nalang sa pintuan nilang malaki. Hindi na ako nagulat sa bubungad sa akin sa loob dahil alam ko namang mayaman sila pero pinagtataka ko lang ay walang isang vase o painting sa dingding aking nakikita. Mga upuan lang at mesa. Tumingin-tingin pa ako sa paligid hanggang sa makarinig ako ng yapak ng tao mula sa taas na pababa.

Si Sci.

Nanlaki ang mata niya ng makita niya ako. Hindi ba niya ako inaasahan? Pero ng nabawi niya ang kanyang gulat ay mabilis siyang bumaba ng hagdanan at pumunta sa direksyon ko.

Nagtitigan kami at mukhang walang gustong mauna sa amin. Walang namang nagbago sa kanya pwera nalang sa mata niyang lumalim at nagka-eye bags. Gwapo pa rin naman siya at alam kong always siyang gwapo.

"Hindi mo ba ako yayakapin." Ang sabi ko sa kanya dahilan para maiyak siya at mapatakbo sa akin. Niyakap niya ako.

"Sorry Sam." Ang nasambit niya habang niyayakap ako. Hindi nalang muna ako tumugon at niyakap ko nalang siya.

"Bakit ka ba nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan." Sabi ko sa kanya nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Malaki ang kasalanan ko sayo Sam. Sinaktan kita pati na rin ang Mama mo. Napakahayop at napakawalang kwenta kong tao dahil ginawa ko yun sa inyo." Umiiyak na sabi ni Sci. Ngumiti naman ako.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now