Chapter 10

10.4K 479 31
                                    

Enjoy.

Sam

"Nasa ospital ang Mama mo Sam."

Natigil bigla ang aking mundo nang marinig ang sinabi ni Lola Maring. Hindi pa naaabsorb ng utak ko ang narinig, hindi alam ng katawan ko ang irereact at hindi ko rin alam ang aking gagawin.

Bigla akong sinampal ng aking utak kung nasaan ngayon si Mama. Mabilis akong tumakbo palabas ng mansion at naghanap ng tricycle.

Hindi na ako nagtanong kay Lola Maring kung saang hospital dinala si Mama dahil iisa lang naman ang hospital dito, ang St. John Hospital.

Habang nasa loob ako ng tricycle ay aligaga ako, gusto ko ng makita si Mama ngayon kung okay lang ba siya. Sinabihan ko pa si Kuyang Driber na pakibilisan. Kung pwede lang paliparin 'tong sasakyan na 'to eh ginawa ko na o di kaya'y magteleport nalang to para agad kaming makarating sa hospital.

Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa hospital. Pagkatapos kong makabayad ay mabilis akong tumakbo papasok sa dito.

Tumakbo-takbo ako sa loob para hanapin kung nasaan si Mama at nang makadaan ako sa Emergency room ay nakita ko si Ate Maria Fe sa labas nito na naghihintay.

Agad akong lumapit kay Ate Maria Fe dahil alam kung si Mama ang hinihintay nya. Pagkalapit ko sa kanya ay nakita ko ang kanyang mata na sobrang pula dahil sa kaiiyak.

"Ate ano po ba ang nangyari?" Tanong ko kay Ate Maria Fe at hindi ko mapigilang mapaiyak.

"Yung Mama mo Sam...natapunan ng kumukulong mantika." Sagot ni Ate sabay iyak.

Nagulat ako sa sagot ni Ate dahil sa akala ko ay sinugod siya dito dahil sa sakit niya sa puso. Anong nangyari?

"Bakit Ate? Ano bang nangyari? Paano siya natapunan ng mantika?" Sunod-sunod kong tanong.

"Si Senyorito Sci kasi eh..." Putol na sabi ni Ate. Ano naman ang kinalaman ni Sci dito?

"Bakit? Anong kinalaman ni Sci sa nangyari kay Mama? Ate ipaliwanag mo naman oh." Pagsusumamo ko kay Ate.

"Nasa kusina kami nun, ako ay nag-aayos ng pinggan at yung Mama mo ay nagluluto ng turon nang biglang bumaba si Senyorito Sci na hindi maganda ang gising. Hindi namin yun pinansin pero bigla nalang nitong itinapon ang mga pagkaing hinanda ng Mama mo. Sumisigaw siya at hinahanap ka. Gusto niyang ikaw magluto para sa kanya. Sinabi ng Mama mo na natutulog ka pa at siya nalang daw ang magluto pero mapilit si Senyorito. Tinapon niya ang mga bagay na pwedeng itapon hanggang sa nahawakan niya ang kawali na nakasalang pa at may mantika at itinapon ito kay Ate Gretchen, sa Mama mo." Mahabang paliwanag ni Ate sa nangyari.

Sa aking narinig ay masasabi kong ako ang may kasalanan. Kung hindi ko lang ginalit at pinarinig kay Matt ang usapan namin ni Marco kagabi ay sana hindi niya nagawa yun. Pero hindi yun sapat na dahilan para saktan niya si Mama at ngayon ay nasa loob siya at ginagamot.

"Matapos ang nangyari ay hindi niya tinulungan ang Mama mo sa halip ay sinabihan pa niya ito na 'mabuti nga' at bumalik sa kwarto niya. Napaso Ang kaliwang kamay at braso ni Ate Gretchen nadamay rin ang kalahati ng leeg nito at pisngi. Baliw ang lalaking yun." Ang dugtong ni Ate na siyang nagpasiklab sa galit ko kay Sci.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now