Chapter 19

9.1K 401 14
                                    

Author's Note:

Ito po yung totoong update. Nagloloko kasi kanina si Wattpad. Sorry din sa wrong grammar and typos ha. Enjoy guys.

Sam

Ngayong araw ay wala akong pasok. Alam yun ni Jacob pero kahit na ganon ay pumunta pa rin siya sa bahay para mag-almusal.

Araw-araw na talagang dito nag-aalmusal si Jacob. Minsan natanong ko siya kung bakit siya dito nag-aalmusal at ang sagot niya ay masarap raw kasi magluto si Mama. Hindi naman ako nagtanong ulit dahil totoo naman kasing masarap magluto si Mama.


Bigla namang pumasok sa isip ko si Sci. Kagabi ay nagtext siya sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nakuha number ko pero alam ko naman na makoneksyon siyang tao. Marami siyang galamay para kumilos para sa kanya.

Lahat ng ginagawa niya sa akin ay dahil sa nararamdaman niya sa akin. Ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan para makuha ako sa madaling paraan. Alam kung alam niya na wala akong nararamdaman sa kanya pero imbes na hayaan na ako at magmove on siya ay naging dahilan pa ito para gawin niya ang mga bagay na magpapalapit sa akin sa kanya.

Halata namang desperado siya na maging sa kanya ako. Nakakatakot siyang magmahal. Hindi pa lang nagiging kami ay masyado na siyang seloso at possessive. Paano kaya kung may mabuo akong pagtingin sa kanya at maging kami? Ikukulong niya ako sa bahay nila, sa kwarto niya at gawin akong private property na kahit sino ay hindi pwedeng lumapit at kumausap sa akin pwera siya.

Tatanggalan niya ako ng social life at gawin ko siyang mundo. Paano kung magsawa siya? Itatapon nalang niya ako na parang isang laruan sa isang tabi tapos maghahanap siya ng iba. Iiwan niya ako sa tabi at hahayaan kung may pumulot man sa akin. Napakasakit isipin kung ganon pero bakit ko ba ito iniisip? Uh. Erase. Erase.

Napatingin naman sa akin ang mga tao sakay rin ng escalator dahil sa inalog-alog ko na pala ang ulo ko. Nandito kasi ako ngayon sa mall para bumili ng mga gamit sa school. Nagbigay na kasi ng requirements ang ibang subject ko.

Napayuko nalang ako sa kahihiyaan ko. Pagkatapak ko sa third floor ay agad akong naglakad ng mabilis. Hinanap ko yung book store at agad pumasok dito. Diretso ako sa may book binder para pumili ng gusto ko.

Pupunta na sana ako sa cashier nang napadaan ako sa may isang stall don na puro magazine at nahagip ng mata ko ang isang magazine na ang cover ay si Sci. Lumapit ako dito para tingnan, hahawakan ko na sana ang magazine nang may kamay na kumuha nito.

"This is Scian, right? My Gee, he's so handsome. He's the man that every girls dream. And he's my dream." Isang babae na kaedad ko lang ang may ari ng kamay. May kasama siyang isa pang babae na mukhang best friend niya.

"Hanggang panaginip mo nalang siya Ram dahil sa may girlfriend na yan, si Sandra. Wala ka rin namang pag-asa sa kanya." Tugon ng kaibigan niya.

"Talaga? Sandra, yung babaeng itinanghal na Best Dancer nung Inter-University Dance Competition? Kung ganon...Hindi sila bagay, mas bagay kami ni Scian ko." Sabi naman nung Ram. Umikot naman ang mata ng kaibigan niya nang narinig nito ang sinabi ng kanyang kaibigan.

Umalis nalang sila at dinala nila ang magazine at mukhang bibilhin nila ito. Binaling ko ulit ang atensyon ko sa another copy ng magazine. Tinignan ko dun si Sci, nakasuit siya dito at kahit na ganon ay bakat na bakat pa rin ang hubog ng kanyang katawan. Seryoso ang kanyang mukha dito na siyang nakikita ko lang kung nagseselos siya o galit.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon