Chapter 25

7.8K 401 24
                                    

Enjoy.

Sam

Alas-sais palang ng umaga ay nandito na ako sa University. Ako palang yata ang estudyante sa mga oras na ito.

Wala naman talaga akong balak na pumasok ng maaga at dahil sa maaga akong nagising at hindi ko na ulit magawang makatulog ay pumasok nalang ako.

Mula nung nangyari sa amin ni Marco kahapon ay hindi na ako makapag-isip ng maayos at makatulog ng mahimbing dahil sa paulit-ulit na bumabalik sa akin ang paghalik niya sa akin

Hindi ko alam pero parang inuusig ako ng konsensya ko. Na parang may ginawa akong kasalanan. Lalo na kapag naiisip ko si Sci.

Parang may kung ano sa puso ko na isang pakiramdam na ayaw na ayaw kung maramdaman.

Guilty.

Sa tuwing naiisip ko si Sci ay pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa kanya. Na parang nangangaliwa ako. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman eh wala naman akong gusto sa kanya.

Wala nga ba?

Ewan.

Habang nakaupo ako dito at malalim ang iniisip ay may boses na kumuha sa atensyon ko at nagpabalik sa akin sa ulirat.

"Nandito ka lang pala." Nang marinig ko ang boses ay mabilis akong napalingon sa likod ko.

Si Jacob.

Mabilis akong tumayo at sinalubong ko siya ng yakap. Namiss ko rin tong si Jacob eh.

"Huwag mo namang ipahalata na namiss mo ako Sam ko." Pagbibiro nito habang yakap na yakap ako.

"Eh bakit ba? Eh namiss talaga kita eh." Ang sabi ko sa kanya habang yakap ko pa rin siya.

"Talaga? Ang saya naman. Ako rin Sam ko miss na rin kita. Sorry hindi na ako nakapupunta sa inyo, magkaiba na kasi ang schedule natin. Sorry rin hindi na kita nahahatid at nasusundo. Sorry talaga Sam ko." Paghingi niya ng sorry. Kumalas ako sa yakap niya at tinignan siya.

"Naiintindihan ko Jacob. Tsaka okay lang sa akin na hindi mo na ako sinusundo at hinahatid sa school dahil hindi mo naman ako obligasyon. Wala ka dapat ikahingi ng kapatawaran." Ang sabi kong ganyan. Tinignan ko siya ng maigi at napansin ko na parang pumapayat siya kaya nagtanong ako.

"Jacob hindi ka ba kumakain? Bakit parang pumapayat ka?" Nag-aalala kong tanong.

"Hi-hindi, ano... stress lang talaga ako dahil sa schoolwork. Huwag mo ng pansinin." Ang sagot niya.

"Ganon ba? Dapat kumain ka pa rin ng marami at masustansya para hindi ka mangayayat. Baka magkasakit ka niyan." Payo ko.

"Ang saya naman na concern ka sa akin. Huwag kang mag-alala, susundin ko ang sinabi mo." Si Jacob.

"Dapat lang. Sa susunod natin pagkikita dapat bumalik na ang katawan mo o di kaya ay mataba ka na." Ako.

"Opo, nasusundo po." At nagbow pa ito.

Nag-usap pa kami ni Jacob tungkol sa nangyari sa aming mga buhay syempre sa akin hindi ko sinabi ang pinggagawa sa akin ni Sci hanggang sa abutin kami ng time. Nagpaalam kami sa isa't isa bago kami pumunta sa kanya-kanya naming room.

•••

Naglalakad ako ngayon papunta sana ng canteen nang makita ko ang mga estudyante na nagsisitakbuhan papunta sa main gate ng school. Nagtaka naman ako kung anong meron pero hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin iyon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may biglang tumawag sa akin. Isang lalaki na humahangos ang biglang lumapit sa akin.

"Sam, tulungan mo kaibigan mo mapapatay siya." Ang hinihingal na sabi ng lalaki. Kinabahan naman ako sa sinabi niya, sinong kaibigan?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa lalaki.

"Si Sci binubugbog ngayon ang kaibigan mo." Lumaki ang mata ko sa narinig. Kinabahan ako.

Dahil sa narinig ko ay mabilis akong tumakbo papunta sa main gate. Hindi ako makaraan dahil sa dami ng estudyante. Nakisiksik ako at nang makaraan ay bumulaga sa akin si Sci na nakapatong kay Marco at walang habas itong binubugbog.

Mabilis akong nagtungo sa kanila para patigilin si Sci.

"Sci Tama na. Itigil mo na yan." Ang sabi ko habang pilit na hinihiwalay si Sci kay Marco pero tinulak lang niya ako kaya ako natumba.

Tumayo ako at pinigilan ko ulit si Sci at sa pagkakataong ito ay wala akong naisip na paraan kaya ang ginawa ko ay sinuntok ko si Sci sa mukha dahilan para siya ay tumigil at mapalayo kay Marco.

Agad kong nilapitan si Marco at nakita kong bugbog sarado ang mukha nito na halos pumikit na ang mata nito at halos pasa lahat ng mukha niya.

Inilalayan ko ang ulo niya at marahan kong pinunasan ang dugo gamit ang aking hinlalaki. Awang-awa ako sa kanya-kanya ngayon.

Bigla namang may humablot sa akin kaya nabitawan ko ang ulo ni Marco.

"Tumabi ka dyan Sam, hindi pa ako tapos." Ang gigil na sabi ni Sci pero bago pa siya makalapit kay Marco ay hinawakan ko siya at tinulak.

"Tama na Sci! Tama na!" Sigaw ko sa kanya.

"Anong ba ang problema mo,ha? Sabihin mo, ano? Kung may galit ka kay Marco sa akin mo nalang ibunton, maawa ka lang sa kanya." Ang sabi ko na umiiyak na. Wala akong pakialam sa mga estudyanteng nanonood sa amin ngayon.

"Alam mo ba kung bakit ko siya binugbog dahil sabi niya naghalikan kayo kagabi. Totoo ba yun?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. Para akong isang babae na nahuling nangangaliwa ng kanyang asawa.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Totoo ba Yun?!" Sigaw niya sa akin.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Kinakain ako ng kaba at takot.

"So totoo nga ang sinabi ng lalaking yan na naghalikan kayo, tapos ano pa, ha? May nangyari na sa inyo at kaya siya ngayon nandito para sunduin ka. Ha, tama ako diba? Diba?!" Gigil na gigil niyang sabi habang hawak ang dalawang braso ko nang mahigpit.

Hindi pa rin ako makapagsalita, napipi ako. Titig na titig sa akin si Sci at ang mata na ay parang nagsasabi na hindi yun totoo. Nakikita ko rin ang sakit at selos sa kanyang mga mata.

Napabaling naman ang atensyon ko kay Marco nang bigla itong umungol na parang nasasaktan. Hinawi ko ang kamay ni Sci mula sa pagkakahawak niya.

Bigla namang dumating si Jacob at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Sam anong nangyari?" Tanong niya. Hindi ako sumagot at napatingin siya kay Sci. Mukhang nakuha niya kung ano ang nangyari dahil nakaramdam ako na susugurin ni Jacob si Sci ngunit pinigilan ko siya agad.

"Jacob huwag na. Tulungan mo nalang ako na ihatid si Marco sa ospital, please." Sabi ko at mabuti nalang sumunod siya sa akin.

Kinarga niya si Marco papunta sa kotse niya na nasa tabi lang ng daan. Habang naglalakad kami ay bigla akong napatigil nang magsalita si Sci.

"Sige, umalis ka Sam, ibig sabihin lang nyan ay pinili mo siya kaysa sa akin. At sisiguraduhin ko na mali ang pagpili mo sa kanya, pagsisihan mo ang gagawin ko Sam. Tandaan mo yan." Seryoso niyang sabi, ramdan ko ang sakit at galit sa boses niya.

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa naglalakad.

Sorry Sci.

Vote.

Comment.

Share.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon