Chapter 24

8.6K 380 46
                                    

Enjoy.

Sam

Uwian na at ngayon ay papalabas na ako campus ng University nang makita ko si Marco sa labas ng gate na parang may hinihintay.

Nang mapatingin ito sa akin ay bigla itong ngumiti at kumaway sa akin. Humakbang siya papunta sa direksyon ko at sinalubong niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong sa kanya.

"Ano...ahm...Gusto ko kasing ayain ka na lumabas, kung gusto mo lang naman." Ang nahihiya nitong sagot habang kinakamot niya ang kanyang batok.

Napangiti naman ako dahil inasta niya. Ang cute lang.

"Nahiya ka pa talaga ha. Oo na sasamahan na kita." Pagsang-ayon ko na kinangiti niya ng malaki.

"Talaga? So tara na?" Paanyaya niya.

"Tara." Tugon ko naman.

Inabot niya ang aking kamay at sabay kaming naglakad. Holding hands while walking ang peg namin hanggang sa nasa harap na kami ng isang Montero sport na sasakyan.

"Sayo to? Paano ka nagkaganito?" Takang tanong ko sa kanya. Bigla namang nalungkot ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"Dahil ba sa estado ng buhay ko ay bawal na akong magkaganito? Dahil ba sa mahirap lang ako ay nakapagtataka na may ganito akong kagara na sasakyan. Oo akin yan, bigay yan sa akin ng Tito ko na isang businessman." Malungkot nitong sabi. Nataranta naman ako dahil sa pinakita niyang kalungkutan kaya hinarap ko siya sa akin kahit siya ay nakayuko.

"Hindi naman ganon ang ibig sabihin ko Marco eh. Nagulat lang ako dahil hindi ka naman mahilig sa ganito at wala kang nababanggit sa akin na gusto mo magkasasakyan. Isa pa, napaisip ako na mas dadami na ang babaeng magkakagusto sayo dahil sa mas lalo kang pumogi at mas naging cool sa dating mo dahil dyan." Umangat ang kanyang mukha at nakangiti na itong nakatingin sa akin.

"Talaga? Eh ikaw napupogian ka ba sa akin?" Tanong nito. Sinadya ko namang hindi magsalita agad at nakikita ko sa mata niya na excited siya sa isasagot ko.

"Hindi..." Ang paunang sabi ko at bigla na naman itong nalungkot. Mukhang importante talaga sa kanya ang opinion ko.

"Ganon ba? Sige, tara na." Matamlay nitong sabi at aakmang pupunta sa driver seat pero pinigilan ko siya.

"Hindi ka gwapo sa akin ngayon dahil matagal ka ng gwapo sa paningin ko. Sobrang gwapo mo para sa akin, hindi dahil lang sa mukha mo pati na rin ang ugali at presensya mo. Mabait at mapagmahal ka na kaibigan at anak, maasahan at matalino pa. Kahit wala kang magarang kotse hindi ka magiging pangit sa paningin ko. Masasabi kong napakaswerte ng babaeng mamahalin mo." Ang turan ko.

"Totoo ba yan? Hindi mo ko binubola?" Paninigurado niya.

"Oo naman, ikaw ang pinakagwapong lalaking aking nakilala." Ang nakangiti kong sagot. Puminta sa kanyang mukha ang sobrang saya na nakakahawa kaya hindi ko rin mapigilang hindi pa lalong ngumiti.

"Tama na nga ang pagpapakilig mo sa akin. Tara na baka gabihin pa tayo." Anyaya niya. Sumakay nalang din ako sa sasakyan niya.

Habang nasa biyahe ay nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa buksan ni Marco ang stereo ng sasakyan ay isang pamilyar na kanta ang aming narinig. Ang kantang aming kinanta noong JS Prom namin sa paaralan sa probinsya.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now