Chapter 31

8K 324 43
                                    

Sam

Humihingal ako nang makarating ako sa isang street light. Napalingon-lingon pa ako kung may nakasunod ba sa akin at mabuti nalang ay mukhang wala.

Naabutan ako nang gabi dahil sa pagtatago ko doon sa abandonadong building na yun. Gusto ko mang umalis dun ay hindi ko magawa dahil sa matagal nanatili doon sila Greg kasama ang mga lalaking yun.

Muntik na nga ako mahuli kanina kung hindi lang dahil sa daga na hinuli ko at itinapon dun sa latang natapakan ko. Mabuti nalang ay naniwala sila na daga ang may gawa nung ingay.

Nagtago nalang ako dun sa isang kwarto dun at hinintay sila makaalis. Hindi ko na rin narinig pa ang kanilang pinag-usapan dahil nasa itaas na palapag na ako ng building.

Nangangamba ako dun sa taong gustong ipapatay ni Greg. Nag-aalala ako sa kaligtasan ng taong yun. Hindi niya alam na bilang na ang araw niya, na may gustong pumatay sa kanya. Kung kaya ko lang balaan ang taong yun ay gagawin ko pero yun nga lang ay hindi ko kilala ang taong pinupuntirya nila Greg.

Ngayon ay puro takot at pagkadismaya nalang ang nararamdaman ko kay Greg. Hindi ko akalain na ganon pala siyang tao na kayang pumatay o magpapatay. Ibang iba sa pagkakakilala ko sa kanya. Wala siyang bahid ng kasamaan o kagaspangan ng ugali nung una kaming nagkita.

Sa akala ko noon ay siya lang ang matinong apo na lalaki ni Donya Mathilde pero yun pala, siya ang pinakawalang puso at nakakatakot. Akala ko ay si Sci na ang pinakasuwail at napakawalang kwenta sa lahat ng Lunchavez pero si Greg pala yun. Mali ang pagkakakilala ko sa kanya. Maling-mali.

Malalim ang naging paghinga ko habang nakatingin sa daang tinahak ko kanina. Sa akala ko na walang nakasunod sa akin ay mali pala ako.

May kamay na dumapo sa balikat ko dahilan para manginig ako sa takot. Tatakbo na sana ako nang mabilis akong pigilan ng isang kamay. Pagtingin ko sa taong yun ay si Jacob lang pala.

"Sam saan ka nagsususuot? Kanina pa kita hinahanap?" Agad niyang tanong pero hindi ko yun sinagot bagkus ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko pa na nanginginig ang aking katawan at ramdam ko rin ang puso ni Jacob na sobrang bilis ang tibok.

"Bakit ka nanginginig? May humahabol ba sayo? Tumatakot?" Nag-aalalang tanong ni Jacob.

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay Greg o hindi. Pagsinabi ko kasi ay sigurado akong magsusumbong siya sa Daddy niya o di kaya'y kukumprontahin niya si Greg tungkol dito. Kapag nangyari yun ay sigurado ring patatahimikin ni Greg si Jacob. Mabuti sigurong huwag ko nalang sabihin.

"Wa-wala naman. Gu-gusto ko lang na yakapin ka." Pagsisinungaling ko sabay kalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Kung ganon, ipunin mo muna yang yakap mo para sa akin dahil may sopresa ako sayo." Ang nakangiti niyang sabi. Nagtaka naman ako kung ano yun.

"Ha? Ano naman yun?" Nagtataka kong tanong.

"Tara sa bahay, nandon ang sopresa ko." Excited niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.

Nagpatangay nalang ako sa kanya. Hindi naman malayo ang nilakad namin para makarating kami sa bahay nila. Pagkaharap namin sa pinto ng bahay nila ay hinarap niya muna ako bago ito buksan.

"Handa ka na ba?" Excited pa rin niyang tanong. Tumango naman ako.

Binuksan na niya ang pinto at nakita ko ang apat na tao na nag-uusap habang nakaupo sa couch. Si Tito Jack, Tita Zandra, si Mama at..si Papa!

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now