Chapter 27

7.4K 368 9
                                    

Sam

Nang makaalis ako ng bahay na yun at iwan ang demonyo dun ay agad akong kumilos para hanapin si Mama.

Takbo at lakad ang ginawa ko para hanapin si Mama at baka nandito pa siya sa subdivision. Lumingon-lingon ako para hanapin si Mama pero wala pa rin. Maghahating gabi pero hindi pa rin nahahanap si Mama. Kinakabahan na ako na baka may mangyari sa kanya. Sana lang talaga ay kasama niya si Papa ngayon.

Nasaan ka na ba Ma?

Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa makalabas na ako ng subdivision. Nagtanong-tanong ako kung nakita ba nila si Mama sabay pakita ng litrato niya sa aking cellphone pero ang sagot nilang lahat ay hindi o kaya'y hindi ko napansin.

Hindi ako napaghinaan ng loob at patuloy ko pa ring hinanap si Mama hanggang sa tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito mula sa aking bulsa at isang unregistered number ang tumatawag. Hindi naman ako nagdalawang isip na sagutin ito.

"Hello. Sino po ito?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Anak, ang Mama mo ito." Ang sagot ni Mama sa kabilang linya. Parang nabunutan ako ng tinik ng marinig kong si Mama pala to pero bakit parang umiiyak siya, may nangyari ba?

"Ma, nasaan ka? Bakit parang umiiyak ka? Okay lang po ba kayo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Anak, pumunta ka dito sa prisento, nandito kami ng Papa mo." Sagot ni Mama.

Ang kaninang naramdaman kong pagbunot ng tinik ay biglang bumalik pero sa ngayon ay parang mga karayom na ang tumutusok.

"Ma-Ma, bakit nandyan kayo? Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong. May tumatakbo sa isip ko kung ano ang nangyayari.

"Ang Papa mo dinakip ng mga pulis. Anak, pumunta ka dito kailangan ka ng Papa mo." Ang sabi ni Mama. Hindi nga ako nagkamali, ito na nga yung sinasabi ng Mommy ni Sci.

"Oo, Ma. Papunta na po ako, maghintay lang po kayo dyan." Ang huling sabi ko sabay baba ng cellphone.

Mabilis akong naghanap ng masasakyan at hindi naman ako nagtagal dahil may dumaang taxi.

Habang lulan ng taxi ay napapa-isip ako kung paano ko lulutasin ang problemang ito. Alam kung ang Mommy ni Sci na si Valerie ang may kagagawan sa pagkakakulong ng Papa ko. Minsan na niya akong binantaan na kapag hindi ko lalayuan si Sci ay sisiguraduhin niyang mabubulok sa bilangguan si Papa.

Walang kasalanan si Papa at alam yun ni Valerie dahil siya ang nagset-up kay Papa at alam kung plano niya yun para makulong ito. Gusto niyang layuan ko si Sci pero paano kung si Sci ang gumagawa ng paraan para mapalapit sa akin.

Anak niya si Sci at dapat siya ang unang nakakaalam na hindi basta-bastang iwasan si Sci lalo na't kung ano ang gusto niya ay nakukuha niya. Mapabagay man o atensyon ng tao o mismo yung tao. Walang makakapigil kay Sci kahit anong gawin ng humahadlang pwera nalang kung...

Naputol ang aking pag-iisip nang biglang huminto ang taxi. Nandito na pala kami sa harap ng police station. Bumaba ako agad pagkatapos kong magbayad kay Manong Driver.

Pumasok ako sa loob at naabutan ko dun si Mama na umiiyak habang si Papa ay pinapapasok na sa selda. Mabilis kong pinigilan ang mga pulis sa pagpasok kay Papa sa selda. Lumapit ako kay Papa at niyakap ito ng mahigpit.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now