Chapter 8

11.9K 527 40
                                    

Sam

Maaga akong nagising. Alas singko palang ay gising na ang buong diwa ko. Nandito ako ngayon sa ilalim ng punong mangga kung saan kami unang nagkakilala ni Greg.

Simula nung nangyari sa bahay namin ay hindi ko na nakita si Greg at sa tingin ko ay umuwi na siya sa Maynila. Nakakalungkot man ay hanggang doon nalang siguro ang aming pagkakaibigan. Kung hindi lang dahil kay Matt ay sana nagpatuloy ang pagkakaibigan namin ni Greg.

Speaking of Matt ay nasa bahay siya ngayon at tulog pa. Grabe din siya makahilik at sobra kung makayapos na halos hindi na ako makahinga. Nahirapan nga ako makawala sa kanya eh mabuti nalang ay nagawa ko.

Naghihintay ako ngayon sa pagsikat ng araw. Gusto kong makita ang pagpapaalis nito sa dilim at ipakalat ang liwanag. Dahil sa madaling araw pa ay malamig ang ihip ng hangin tulad ng dati pero sa pagkakataong ito ay may suot na akong jacket.

Habang nag-aabang ako sa pagsikat ng araw ay bigla akong nakaramdam ng kamay na yumapos sa aking bewang at pagsulpot ng mukha sa gilid na kadikit sa aking pisngi.

"Can we stay like this kahit ngayon lang please?" Wala na akong nagawa dahil nakiusap ang isang Matt. Pero paano niya ako nasundan dito?

"Pa-paano mo ko nasundan dito, Matt?" Curious kong tanong sa kanya.

Nakatingin siya ngayon sa malawak na palayan habang nakangiti na parang aso.

"Sa tingin mo ba papakawalan kita ng ganon-ganon lang? Syempre hindi. Hinayaan lang kitang umalis para masundan kita kung saan ka pupunta. Nung lumabas ka ng bahay niyo ay kinutuban ako na baka makikipagkita ka kay Greg or kay Marco so sinundan kita. Gusto kong makita ka sa akto na nangangaliwa pero mali pala ako. Nagpunta ka lang pala dito and I think it looks romantic na ganito tayo ngayon." Mahabang sagot niya.

Kaya pala nakapagtataka kung bakit mabilis akong nakaalis sa yakap niya dahil sa gusto niya malaman kung may kikitain ako.

Tumingin nalang din ako sa malawak na palayan na ngayon ay natatamaan na ng liwanag galing sa araw. Nagsisimula ng simikat ang araw. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang pag-agaw ng liwanag sa kadiliman. Napakaganda.

Sabay namin sinalubong ang bagong araw ni Matt. Hinalikan ni Matt ang aking ulo ng ilang beses at hinigpitan ng pagkakayakap niya sa akin sabay bulong niya na nagpagulat sa akin.

"Mahal na mahal kita Sam. Mahal na Mahal."

***

"Sci saan ka ba natulog kagabi? Wala ka sa kwarto mo. Katok ako nang katok walang sumasagot." Tanong ni Senyora Mathilde kay Matt.

Nasa hapag kainan kami ngayon. Wala na ang ibang apo ni Senyora dahil sa umuwi na silang lahat maliban nalang kay Matt.

Tama ang nabasa niyo 'kami' dahil inimbitahan ako ni Matt at Senyora na dito nalang mag-almusal at dahil sa hindi nga ako makatanggi kaya napaupo nalang ako dito.

"Sa bahay po nila Sam La." Sagot naman nito sa kanyang lola.

"Ganon ba, nag-enjoy ka naman?" Nagtanong ulit ito.

Tumingin muna sa akin si Matt bago sumagot. Nakangisi pa ito na alam ko kung ano ang ibig sabihin.

"Oo naman Lola, sobra." Sagot nito na sobra kong makangiti. Hindi ko nalang ito pinansin at kumain nalang.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now