Chapter 2

15.1K 623 47
                                    

Scian Matthe "Sci" Lunchavez on multimedia.

Enjoy.


Sam

Nagpatuloy ang pagdiriwang ng kaarawan ni Senyora Mathilde. May dumating pang iilang bisita ni Senyora at karamihan sa kanila ay ka-edad lang din niya. May mga kabataan rin na kasama ng mga matanda.

Syempre silang lahat ay mayayaman. May ari-arian at may mga bagay na maipagmamalaki. Tindig at awra palang nila ay masasabi mong angat sila sa buhay.

Ngayon ay naghahatid ako ng mga inumin sa mga bisita. Mga pagkain na gusto nilang kainin, bale ay nagsisilbing waiter ako ngayong gabi. Habang ako ay naghahatid ng mga gusto nila ay nakikita ko ang mga apo ni Senyora na may mga babaeng nakalingkis pero naiiba si Sci sapagkat ay wala siyang kasamang babae habang umiinom. May girlfriend siguro si Sci at loyal siya dito dahil sa hindi niya pinapansin ang mga babaeng tumitingin sa kanya at nagbibigay ng motibo.

Nadapo ang tingin ko kay Sci at nagulat ako nang nakatingin rin ito sa akin habang may tinutungang wine. Tinawag ako nito at agad naman akong lumapit dito.

"Bakit Sci?" Tanong ko dito pero imbes na sumagot ay tinignan lang ako nito ng masama na nagbigay sa akin ng takot.

"Don't you dare call me Sci, your not one of my relatives." Matigas nitong sabi. Na mas nagpalala sa takot ko.

"Sorry Sc-Sir. Ano po ba ang gusto niyo?" Tanong ko ulit dito.

"Ikaw." Direkta nitong sagot sa akin. Nagulat naman ako sa naging sagot niya pero baka ibig sabihin niya ay ako na ang bahala.

"May kare-kare po, beef mechado, calde-" pero pinutol niya ang sasabihin ko.

"I said, you! I want you!" Sigaw niya dahilan para makuha namin ang atensyon ng iba sa paligid.

Nilukob ako ng hiya dahil sa pagsigaw ni Sci pero itong taong 'to ay nanatili lang nakatingin sa akin ng masama. Hindi ko alam ang gagawin ko sa sitwasyong ito mabuti nalang dumating si Senyora.

"Sci, apo, tama na. Lasing kana punta ka na sa kwarto mo. Tama na yang inom. Brux samahan mo naman si Sci sa kwarto niya." At dinala na nga siya ng isa sa mga bodyguard ni Senyora.

Pagkaalis ni Sci ay kinausap ni Senyora ang mga bisita niya na bumalik sa ginagawa at huwag nang isipin ang nangyari. Pagkatapos ay kinausap ako nito.

"Sorry Sam, may problema lang talaga si Sci. Sana patawarin mo si Sci." Paghingi ng paumanhin ni Senyora sa ginawa ni Sci.

"Wala po yun. Naiintindihan ko po." Tugon ko.

"Sige, tama na yang ginagawa mo. Magpahinga ka na." Ang sabi ni Senyora at tumango naman ako.

Bumalik ako sa kusina at naabutan ko si Mama na naghuhugas ng pinggan. Tutulungan ko sana si Mama pero tumanggi ito. Kahit anong pilit ko ay ayaw talaga ni Mama at magpahinga nalang daw ako. Wala na akong nagawa kaya pumunta nalang ako sa bahay namin na nasa likod lang ng mansion ng Lunchavez.

Habang naglalakad ako ay may napansin akong dalawang tao sa may sulok ng mansion. Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang isa sa apo ni Senyora na hinahalikan ang girlfriend nito. My Gosh, ba't dito pa.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now