Chapter 20

8.8K 416 44
                                    

Enjoy.

Sam

Lumipas ang araw pagkatapos ang nangyari sa mall. Napag-isip-isip ko na iwasan na mula ngayon si Sci. Wala naman siyang mabuting naidulot sa akin at wala rin siyang mabuting maidudulot sa akin. Puro nalang sakit ng katawan at stress ang binibigay niya sa akin.

Lalo na ngayon na may ina siya na napaka-matapobre at ang arte. Ang sama ng ugali na kahit kasalanan niya ay itinuturo niya sa iba. Halatang nilamon siya ng kanilang yaman at luho. Malayong malayo ang ugali ni Sci sa ina niya na kahit ganon siya ay hindi naman siya maarte at matapobre, masyado lang syang seloso at maliit lang ang pasensya.

Isa pa may girlfriend na rin pala si Sci na hindi niya man lang sinabi sa akin. Si Sandra yata ang pangalan nun. Maldita pa naman ang nobya niya at parang patay na patay siya kay Sci. Sinabihan pa niya ako na layuan si Sci eh si Sci naman ang lumalapit sa akin. Wala siyang kaalam-alam na patay na patay sa akin ang boyfriend niya.

Ayaw ko rin na mapahamak kung lalapit pa ako kay Sci. Makapangyarihan ang pamilya nila at kung may isa sa pamilya niya ang makakaalam sa kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ni Sci ay baka ipadispatsya ako at itapon lang bangkay sa dagat.

Hindi malabong may gumawa nun at ipalabas na suicide ang nangyari o di kaya'y ituro sa iba ang krimen. Sa isang kisapmata lang ay pwede ng mangyari ang ganon.

"Class kahit four push ups lang ay hindi niyo pa nagawa. Ang hina pala talaga ng mga katawan ninyo. Sige, iba nalang ipagagawa ko sa inyo." Nasa Field pala kami ngayon at kasalukuyan kaming nasa PE class namin. Ngayon ay sinisermunan kami ni Sir Manda dahil sa hindi namin magawa ang push ups.

"Dahil sa hindi niyo magawa ang pinaggagawa ko sa inyo ay ito nalang ang ipagagawa ko, jogging." Ang sabi ni Sir. Bigla namang nagsitalunan ang mga classmates ko sa narinig. Madali lang kasi.

"Pero may twist, and this is also serve as your punishment. Girls you will jog around barefooted." Ang patwist ni Sir. Nanlumo naman ang mga babae sa narinig. Masyadong mainit ngayon at magjojogging sila na nakapaa. Good luck nalang sa kanila.

"And boys, you will going to show your abs now. You will do jogging with topless. No sando, you should be topless, so take off your shirt." Lumaki naman ang mata ko sa narinig. Wala akong abs, ano ang maipapakita ko? Baby fats? Well meron ako nun pero abs daw eh. Bahala na nga.

Nagsitilian naman yung mga babae nang magsimula ng subarin ng mga lalaki ang kanilang damit. Nagsilabasan ang kanilang abs at mukhang may mangyayari ngayong bentahan ng pandesal. Karamihan sa mga classmates ko ay hunk at sila lang yung nakakagawa ng push ups pero kasali pa rin sila sa punishment. Ang iba ay lean pero may abs. Ako? Lean lang at wala pang abs.

"Mr. Villatá, are you not going to take off your shirt?" Tanong sa akin ni Sir. Ako nalang pala ang hindi nakahubad ng damit. Kahit na nahihiya ay naghubad na lang rin ako.

"Ah...ang cute ng katawan mo Samuel. Ang cute ng baby fats mo at ang pinkish mong nipples sa katawan mong makinis at maputi. Ang sarap laparutin." Ang sabi ni Bea na isa sa mga classmates ko. Mas lalo tuloy akong nahiya dahil sa narinig ko.  

Napansin ko rin kasi na nakatingin sa akin ang mga lalaki kong classmates habang binabasa nila ang kanilang labi. Pangit talaga ang katawan ko.

"Ok, sige, magsimula na kayo. Kailangan nyong makaapat na ikot sa field bago kayo magpahinga kapag tumigil kayo na hindi pa natatapos ang pagjojogging ay babalik kayo sa simula. Ok? Go." Ang sabi ni Sir bago kami pinatakbo.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon