Chapter 38

7.2K 312 44
                                    


Scian

Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse papunta sa bahay nila Sam. Mabuti nalang ay kabisado ko na ang bagong bahay nila kung saan sila nakatira.

Nang makarating ako sa harap ng bahay nila ay agad akong tumakbo papasok dito. Hindi sarado ang gate nila at nakita ko rin ang kotse na gamit ni Lola sa labas.

Pagpasok ko sa kanilang pinto ay bumungad sa akin ang mga magulang ni Sam at si Lola na ngayon ay pinapakalma ang ina ni Sam na walang tigil sa pag-iyak.

"La, ano po ang nangyari? Nasaan po si Sam?" Ang pag-agaw ko sa atensyon nila.

Nang mapatingin sa akin ang ina ni Sam ay bigla nalang itong tumayo at mabilis akong hinarap.

"Nasaan ang anak ko? Ibalik mo sa akin ang anak ko? Ibalik mo!" Ang sigaw nito sa akin.

"H-hindi ko po alam. Hindi po ako ang kumuha sa kanya." Ang pagtanggi ko sa paratang niya.

"Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo? Pagkatapos ng ginawa mo kay Sam, sa akin, sa buong pamilya ko ay sa tingin mo ay paniniwalaan pa kita? Ibalik mo na sa akin ang anak ko Sci. Ibalik mo na." Puno ng hinanakit na pagkakasabi  niya sa akin.

Hindi ko naman siya masisisi kung ganyan siya sa akin dahil alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanila.

"Maniwala po kayo sa akin, wala po akong alam sa pagkawala ni Sam. Hindi ko po yun gagawin sa kanya. Mahal ko siya at hindi ko kayang ilayo siya sa inyo. Maniwala naman po kayo." Ako.

"Sinungaling ka talaga Sci. Sinungaling. Mahal mo si Sam pero hindi mo ipinaramdam sa kanya ang totoong pagmamahal. Pasakit at problema lang ang idinulot mo sa kanya. Ganyan ka ba magmahal? Ha?" Singal niya sa akin.

"Alam ko po. Alam kong marami akong nagawang hindi maganda sa inyo at kay Sam pero maniwala po kayo, mahal ko po si Sam, mahal na mahal." Sambit ko.

"Hindi. Hindi ako makakapayag na mapunta sayo ang anak ko. Wala kang mabuting maidudulot sa kanya. Ayaw kong pagsisisihan ni Sam ang mapunta siya sayo. Hindi ako papayag."

Nakaramdam ako nang takot sa sinabi ng Mama ni Sam. Natatakot ako sa mga gagawin niya. Pwede niyang sulsulan si Sam na iwan ako at hindi malabong sundin yun ni Sam.

"Gretchen, nagbago na ang apo ko para kay Sam. Hindi na siya ang Scian na nakilala mo. Naliwanagan na siya. Bigyan mo naman siya ang isang pagkakataon na ipakita sayo na worth it siya para kay Sam." Sabat ni Lola.

"Hindi Senyora. Hindi. Dahil lahat ng nangyayari ngayon ay kasalanan niya. Kung bakit nawala si Sam ay kasalanan niya. Isa siyang problema sa buhay namin na nagkatawang tao at hindi ko hahayaan na guluhin pa niya ang pamilya ko. Hindi."

Nilukob ng pagsisisi at sakit ang aking pagkatao ngayon. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit humantong sa ganito. Nagsisisi ako kung bakit ko nagawa ang mga bagay na yun sa kanila.

Nasasaktan din ako dahil isa sa mahalagang tao sa buhay ni Sam ay ayaw sa akin. Masasaktan ako kung paghiwalayin niya kami ni Sam. Alam kong kaya niya yung gawin dahil siya ang ina si Sam at susundin at susundin niya ang kanyang ina kahit ayaw niya.

"Gretchen, lahat ng tao ay nakakagawa ng kasalanan, minsan naiisip nila na kasalanan yun pero kadalasan ay hindi, dala ng takot at galit sa kanilang puso at sigurado akong hindi naisip ni Sci ang kanyang ginawa at naging padalos-dalos lang siya. Hayaan natin siyang ipakita na siya ay nagbago na, wala namang mawawala kung bibigyan natin siya ng pagkakataon. Kung mahal niya si Sam ay gagawin niya ang lahat kahit pahirapan pa natin siya." Ang Papa ni Sam ang nagsalita.

Hindi naka-imik ang ina si Sam. Tila pinag-iisipan niya ng sinabi ng kanyang asawa. Sana nga mabigyan niya akong pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa kanila na para ako kay Sam. Kahit pahirapan pa nila ako ay kakayanin ko mapatunayan ko lang ang sarili ko.

Submissive Much [(BxB)]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ