Chapter 26

7.7K 388 42
                                    

Enjoy.


Sam

Dinala namin si Marco sa pinakamalapit na ospital. Pagkarating namin ay mabilis siyang inasikaso ng mga nurse. Sa ngayon ay kakatapos lang ng nurse na gamutin ang kanyang mga sugat. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Sam. Sorry." Ang paghingi ng sorry ni Marco sa akin habang nakahiga. Malungkot siyang nakatingin sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

"Huwag kang humingi ng patawad dahil hindi mo naman kasalanan, siguro." Sagot ko na may alinlangan.

"Hindi, kasalanan ko naman eh. Kung hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari sa atin kahapon ay sana hindi siya nagselos at nagalit. At isa pa, I provoked him, sinabi ko sa kanya na kusang loob mong pinatikim sa akin ang labi mo kaya mas lalo siyang nagalit. Sorry talaga, Sam." Paliwanag niya.

"Ok lang talaga yun Marco, alam kung hindi mo intensyon na galitin si Sci at tsaka wala rin namang karapatan si Sci na magalit at magselos dahil hindi naman kami, walang kami. Kaya hindi mo yun kasalanan." Ang sabi ko sa kanya. Bigla naman niyang inabot ang aking kamay at pinisil ito.

"Salamat Sam. Pangako ko sayo na hindi na ako magsisimula ng gulo sa pagitan namin ni Sci, hindi na ako magiging sakit ng ulo mo at magiging mabuti na akong manliligaw sayo, pangako." Sabi niya pero ang huli ang siyang nagpagulat sa akin at mukhang napansin niya yun.

"Ahm, ano, hindi pa pala ko nakapagpaalam sayo. Sam, gusto kong ligawan ka, sana payagan mo ako." Wala na talaga, nagulantang na talaga ako. Aware naman ako na may gusto siya sa akin dahil sa sinabi na niya yun sa akin pero hindi ko akalain na hihingi siya ng permiso sa akin na ligawan ako.

"Marco, ayaw kong bigyan kita ng false hope kapag pinayagan kita, hindi ko naman sinabi sayo na wala kang pag-asa sa akin pero ayaw kong masaktan ka. Ayaw kong umasa ka lang sa wala kaya hindi ako pumapayag na ligawan mo ako." Ang hindi ko pagsang-ayon sa kanyang panliligaw.

"Wala akong pakialam Sam kung umasa man ako sa wala dahil disesyon ko naman to eh, ang akin lang ay gusto kong hayaan mo akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Kaya please, hayaan mo ko na ligawan ka." Ang pagsusumamo niya. Napabuntong hininga ako bago ako sumagot.

"Ikaw bahala." At nang marinig niya yun ay sumilay sa kanyang mukha ang saya. Tama naman siguro tong disesyon ko.

"Ehem..." Isang pekeng pag-ubo ang nagpatigil sa amin ni Marco. Nandito pala si Jacob, nakalimutan ko na nandito pala to.

"Tapos na ba kayo? Pwede ko bang hiramin si Sam?" Ang tanong ni Jacob kay Marco pero kahit hindi pa nakakasagot si Marco ay hinatak na ako ni Jacob palayo kay Marco. Nang makalayo na kami ay hinarap niya ako sa kanya.

"Totoo ha yung narinig ko na pinayagan mo ang lalaking yun na ligawan ka?" Pagkukomperma ni Jacob sa kanyang narinig.

"Oo, wala na akong magawa eh kasi ang kulit. Kahit ayaw ko ay napa-oo naman ako dahil sa mabuti naman ang intensyon niya at mukhang tatanggapin niya ang magiging resulta ng panliligaw niya." Ang sabi ko.

"May gusto ka ba sa kanya?" Biglang naging seryoso ang boses ni Jacob. What's with him.

Hindi naman agad ako nakasagot dahil hindi ko rin kasi alam kung may gusto ba talaga ako sa kanya o wala. Hindi pa masasagot ng puso ko yan, naguguluhan ako.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon