Chapter 9

10.5K 483 16
                                    


Sam

Nakatulala ako ngayon habang nakahiga dito sa aking kwarto. Iniisip ko kung paano kausapin si Matt na hindi malalagay sa kapahamakan ang aking buhay.

Natatakot kasi akong puntahan siya sa kanyang kwarto at doon siya kausapin. Alam ko namang kasi kung ano ang pwedeng mangyari. Hindi kasi nadadala sa pakiusap yan si Matt. Siguradong may mangyayari sa akin kapag naglakas loob akong harapin siya sa kanyang kwarto.

Kasalanan ko rin kasi eh. Hindi ako nag-iisip bago ako magsalita. Inilagay ko ang aking sarili sa kapahamakan.

Paano ko ba siya haharapin?

Tawagan ko kaya siya at sa cellphone nalang ako magpaliwanag. Ay, wala pa anong number niya. O di kaya'y makiusap ako kay Senyora na kausapin si Matt at siya na mismo ang magpaliwanag. Pero nakakahiya naman kay Senyora, dadamayin ko pa siya sa katangahan ko.

Hay, paano ba 'to? Tulong naman dyan o.

Naputol lang aking iniisip nang may tumawag sa cellphone ko. Kinuha ko agad ito at si Marco pala ang tumatawag.

"Hello Marco, napatawag ka?" Bungad kong tanong sa kanya. Naghintay ako ng sagot pero putol-putol ang sinasabi niya. Mahina yung signal. Lumabas ako ng bahay para maghanap ng malakas na signal.

Pagkalabas ko ay doon ko lang nalaman na gabi na pala at hindi pa ako naghahapunan. Naglakad-lakad ako habang nasa ere yung cellphone ko.

Naakahanap naman ako ng pwesto kung saan malakas ang signal. Agad ko namang sinagot si Marco.

"Hello Marco, sorry ha wala kasing signal dito eh, naghanap pa ako." Sabi ko sa kanya sa kabilang linya.

"Ok lang, ikaw maayos ka ba? Hindi ka tumawag sa akin matapos yung nangyari kahapon. Ano, sinaktan ka ba niya?" Tanong niya.

"Hindi, wala. Wala siyang ginawa sa akin." Pagsisinungaling ko. Kapag nandito lang si Marco ay agad nyang mahahalata na nagsisinungaling lang ako.

"Huwag mo kong niluluko Sam. Kilala ko kung anong klaseng tao yang si Sci. Hindi ako naniniwala na wala siyang ginawa sayo. Sabihin mo ang totoo Sam." Seryosong sabi ni Marco sa kabilang linya.

Natahimik naman ako. Nag-iisip ako ng pwedeng sabihin sa kanya. Sabihin ko kaya ang totoo pero baka sumugod yun dito at magkagulo pa.

"Marco, wala nga siyang ginawa sa akin. Nandito kasi si Senyora kaya hindi siya makakagawa ng hindi maganda dahil kung hindi ay lagot siya kay Senyora." Pagsisinungaling ko ulit. Mukha namang naniwala siya dahil tumahimik yung sa kabilang linya.

"Mabuti naman kung ganon. I miss you Sam." Pag-iiba niya.

"Miss you too. Nakaalis na ba kayo?" Tugon ko.

"Oo, kakarating lang namin. Sobrang tahimik dito, mas lalo tuloy kitang namiss." Malungkot niyang sabi.

"Ngayon lang yan. Sa susunod ay magkakaroon ka rin ng kaibigan dyan o baka nga kalimutan mo ko eh." Ang sabi ko para pagaanin ang loob niya.

"Malabong mangyari yun. Mahal na mahal kaya kita." Ang sabi niya. Bigla namang kaming natahimik.

"Kumain ka na ba?" Pagbasag ko ng katahimikan.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now