Chapter 12

10.2K 455 11
                                    


Enjoy.




Sam

"Ano, kamusta ang pag-aapply mo bilang scholar? Tanggap ka ba?" Agad na tanong sa akin ni Jacob pagkalabas ko mula sa office ng Dean.

"Oo naman. Nagtapos naman kasi ako ng may Highest Honor sa High School eh. Salamat Jacob ha, kung hindi dahil sayo baka sa ibang school ako nagpa-enroll ngayon at gumastos pa ako dahil walang scholarship don. Hulog ka talaga ng langit." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"Wala yun. Syempre gusto ko rin kasama ang Sam ko dito sa school na 'to para mabantayan kita at palagi kitang kasama." Tugon niya.

"Oo na tama na ang usapang ito. Gutom na ako Jacob, kain naman tayo o, libre mo ko."

"Makakahindi ba ako sa Sam ko. Tara, saan mo ba gustong kumain?" Pagpayag nito.

"Sa kahit saan basta libre mo." Ang sabi ko sa kanya.

"OK tara na." Sabay lakad namin sa kahabaan ng lobby.

Habang naglalakad kami ay napapansin ko rin ang mga estudyante na nagpapaenroll rin.  Hindi gaano karami ang estudyante ngayon kaya mabilis lang kami natapos ni Jacob.

Hindi ko naman nilalahat pero sa aking nakikita ay masasabi kong mayayaman talaga ang nag-aaral dito at sa tingin ko ay maraming matapobre dito.

Marami kasi sa nadadaanan namin ay pinagmamayabang ang mga bagay na meron sila at ang iba ay nagrereklamo pa dahil sa pinaghihintay sila. Hindi dapat daw sila pinaghihintay ng matagal, dapat pina-priority sila dahil sa mayaman sila.

Kapag nagsimula na ang klase ay hindi malabong may mambully sa akin dahil sa tingin ko ay ako lang yata ang mahirap at scholar dito. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin dito pero sabi nga nila 'think positive'.

Nakarating kami sa parking lot ni Jacob. May dala siyang sasakyan, isang Red na Chevrolet. Bigay daw ng Daddy niya nung birthday niya last March. Mayaman talaga 'tong si Jacob eh.

"Sakay ka na. O baka, gusto mong ikaw sakyan ko." Nakakalokong sabi nito sa akin. Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya at tumawa lang si Jacob.

Pumasok nalang ako sa kotse niya at sumunod agad siya at pumasok sa driver's seat. Nagsimula na siyang magdrive at nang nasa highway na kami at paliko sana sa kaliwa ay may biglang sasakyan na huminto sa harap namin at umandar ulit. Muntik na namin itong mabangga, mabuti nalang ay nakabreak agad si Jacob. Nauntog tuloy ako.

"G*go yun ha. Lasing yata ang driver nun ha." Ang nasabi ni Jacob.

"Mabuti nalang maagap ka. Kung hindi baka nabangga mo yun." Ang sabi ko sabay himas sa parte ng noo ko na nauntog.

"OK ka lang ba Sam ko? Masakit ba? Gusto mo dalhin kita sa hospital?" Sunod-sunod  niyang tanong.

"OK lang ako. OA mo naman nauntog lang naman ako. Sige na paandarin mo na ang sasakyan nakakaabala na tayo dito o." Ang sabi ko dahil nasa gitna pa rin kami ng kalsada.

"Pasalamat talaga ang driver ng sasakyang yun na walang nangyari sayo dahil kung dumugo lang ng kaunti yang noo mo ay sisiguraduhin ko talagang paduduguin ko ang buong katawan niya." Ang inis niyang sabi habang pinapatakbo na ang sasakyan.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon