Chapter 35

8.3K 299 13
                                    

Greg

"Boss kailan pa po ba natin sisimulan ang plano?" Naiinip na tanong ni Bulldog, isa sa mga tao ko.

"Kaya nga pinatawag ko kayo para pag-usapan ang plano. Iibahin natin ang una nating napag-usapan. Hindi na natin dudukutin isa-isa ang mga karibal ko." Pagsisimula ko.

Nandito kaming lahat sa isang silid dito sa hideout. Ngayon ay pag-uusapan namin ang lahat ng gagawin namin. Nagpupulong kami kasama ang mga pinagkakatiwalaan kong tauhan.

"Ano po ba ang plano boss?" Tanong ulit ni Bulldog. Napangisi ako.

"Papahirapan natin si Scian. Isang pagpapahirap na hindi niya kakayanin. Pipilitin natin siyang gumawa ng isang napakalaking desisyon sa buhay niya. Isang desisyon na siguradong ikamamatay niya kapag siya ay nagkamali." Tugon ko. Naguluhan naman silang lahat sa sinabi ko.

"Boss diretsuhin niyo nalang po kami. Huwag na po kayo gumawa pa ng introduction, hindi naman po kayo nagtatalumpati." Walang kagatol-gatol na sabi ni Pitbull. Pinagsingkitan ko siya ng mata dahilan para iyuko niya ang ulo niya.

"Sige, lilinawin ko na sa inyo. Isa sa mga importanteng tao sa buhay ni Scian ay ang Mama niya at si Sam. Sila ang bumubuhay ngayon sa kanya at kapag pinapili natin siya kung sino sa dalawa ng pipiliin niya ay siguradong hindi siya agad makakapagsalita." Ang sabi ko sa kanila.

"Ibig sabihin niyo boss ay sila ang dudukutin namin tapos pagpipiliin natin si Scian kung sino sa kanila ang ililigtas niya, ganon po ba boss?" Napangisi ako sa sinabi ni Askal.

"Natumbok mo Askal. Ikukulong natin ang dalawa sa magkahiwalay na lugar at sa kaparehong araw ay bibigyan lang natin ng ilang oras si Scian na iligtas ang isa sa kanila. Ang isa na hindi niya maililigtas ay mamamatay." Hindi mawala sa mukha ko ang ngisi dahil sa naiisip ko kung paano kaya susulosyunan ni Sci ang gagawin namin.

"Mamamatay talaga boss? Pati yung Sam na yun?" Tanong ni Bulldog.

"Syempre hindi. Mahal na mahal ko yung si Sam kaya ko ginagawa to para mapasaakin siya. Sakali man hindi siya piliin ni Scian ay sa akin na siya mapupunta." Tugon ko sa sinabi niya.

"Paano kami boss? Baka wala kang maibayad sa serbisyo namin." Pag-aalala ni Pitbull. Mga mukhang pera talaga.

"Syempre huhuthutan muna natin yung matanda na Lola ni Scian. Di ba mayaman yun? Kaya huwag kayong mag-alala mas malaki ang ibabayad ko sa inyo kapag naging successful ito." Tugon ko sa kanila. Matapos kong sabihin yun ay nag-apir ang mga gonggong.

Tinapos ko ang aming pagpupulong. Nang makalabas na ang lahat ay siya namang pagdating ng hindi ko inaasahang bisita.

"Boss, nagpupumilit na pumasok po eh. Kakausapin daw kayo." Isa sa mga tauhan ko ang naghatid o should I say na napilitang maghatid sa kanya.

"It's okay. Umalis ka na." Sabay nito ang pagkawala ng tauhan ko. Binaling ko ang tingin ko sa taong nasa harap ko.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang pinunta niya dito.

"Pumapayag na ako sa alok mo. Kakampi na ako sayo." Mabilis niyang sagot. Kita ko sa mga mata niyang namumula ang galit. Isang emosyon na kailangan ko ngayon.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now