Chapter 16

9.5K 432 8
                                    

Enjoy.




Sam

Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa maaaring gawin ni Sci. Kung ano ang pwedeng niyang magawa para masunod lang ang gusto niya. Alam kong lahat ng sinabi ni Sci ay magagawa niya, hindi siya marunong magbiro. Mas natatakot ako sa maaari niyang gawin kay Jacob. Walang sinasanto si Sci at wala siyang kinakatakutan. Maaari niya ipabugbog si Jacob o mas malala pa kung ipapatay niya. Hindi malabong mangyari yun dahil sa estado niya sa buhay, kaya niyang mag-utos ng mga tao kapalit ng limpak-limpak na pera.

Ako. Hindi ako natatakot sa mangyayari sa akin ang mas kinakabahala ko talaga ay ang pwedeng sapitin ni Jacob. Lalo pa't ngayon ay iniisip ni Sci na boyfriend ko si Jacob at babawiin niya raw ako sa kanya at alam kong desperado siya.

Paano ko ba maililigtas si Jacob sa pwede niyang sapitin nya sa kamay ni Sci? Siguro kailangan ko lang kausapin si Sci ng masinsinan at linawin sa kanya ang lahat. Madadaan naman siguro siya sa ganong istratehiya. At pakiusapan siya na itigil na niya ito at maging magkaibigan nalang kami. Yun nalang siguro ang gagawin ko.

Dahil sa hindi nga ako nakatulog ay napagpasyahan ko nalang na maligo. Alas kwatro na rin naman ng madaling araw at seven yun pasok ko. Mabuti na rin 'to para makatulong ako kay Mama sa paghahanda ng almusal. Siguradong dito na naman mag-aalmusal si Jacob.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng pambahay dahil tutulong pa ako sa kusina. Pagkababa ko ay agad bumungad sa akin si Mama sa kusina na nagsisimula ng magluto.

Nagulat si Mama ng makita ako. Nagtaka siya kung bakit daw ako maagang nagising at syempre sinagot ko sya na maaga rin kasi akong natulog. Hindi ko sinabi na hindi ako natulog. Hinayaan niya akong tulungan siya hanggang sa bumaba si Papa.

Kahit na may mga sugat pa rin si Mama na hindi masyadong naghihilom ay ginagawa niya pa rin ang mga tungkulin niya bilang isang ina. Hindi nagpapigil sa amin si Mama dahil sa ok naman daw siya at magaling na ang karamihan sa sugat niya. Wala kaming nagawa ni Papa kundi hayaan nalang pero inaalalayan pa rin namin siya.

Matapos naming magluto ni Mama ay tamang tama rin ang pagdating ni Jacob. Napakagwapo nito sa kanyang suot na uniform ng school at sobrang bango pa na umaalingasaw sa buong bahay.

"Jacob, nanliligaw ka ba sa anak ko?" Biglang tanong ni Papa habang kami ay kumakain. Nagulat ako sa naging tanong ni Papa at nahiya rin dahil sa alam kong kaibigan lang ang turing sa akin ni Jacob.

"Paano po kong Oo, papayagan niyo po ba ako." May panghahamon sa boses ni Jacob. Kinakabahan na naman ako sa magiging tugon ni Papa ngayon.

"Bakit hindi kung mahal na mahal niyo naman ang isa't-isa. Wala namang kaso sa akin na maging bakla ang unico iho ko at pareho kayong lalaki basta totoo ang inyong pag-ibig." Ang tugon ni Papa. Hindi ko inaasahan na ganon ang magiging tugon niya.

"Ako nga rin eh boto ako sayo Jacob eh para sa anak ko. Kita ko kasi sayo na mabait at mabuti kang tao at bunos na yung pagiging gwapo mo." Sabat naman ni Mama. Sinaway ko si Mama dahil sa nakakahiya kay Jacob.

Matapos ang sinabi nina Mama at Papa ay biglang tumingin sa akin si Jacob na may ngisi sa kanyang mukha.

"Mukhang wala tayong magiging problema Sam ko. May basbas na tayo ng pamilya mo. Mukhang tayo na talaga sa hinaharap." Ang nakangising sabi ni Jacob. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at tinuon nalang ang aking atensyon sa pagkain.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now