Chapter 18

9K 396 24
                                    

Enjoy.

Sam

"Sinagad mo na ako Sam."

Matalim na sabi ni Sci sa akin. Natatakot ako sa kanya ngayon. Ang Sci na kaharap ko ay nababalot ng itim na aura, nakakamatay ang kanyang tingin na pinupukol sa akin at nababakas ang nag-iisang emosyon sa kanyang mukha, ang galit.

Lumakad siya papalapit sa akin at ako naman ay humahakbang paatras, papalayo sa kanya.

"Noon pa lang ay sinabi ko na sayo na huwag kang lalapit sa pinsan ko, huwag na huwag kang lalapit kay Greg pero sinuway mo ko. Ginamit mo pa siya para maibalik sayo ang scholarship mo. Ibabalik ko naman talaga yun eh  dahil ayaw ko rin na umalis ka sa University ko." Ang matalim niyang sabi. Bigla ko naman naramdaman ang malamig na dingding sa likod ko. Wala na.

Nasa harap ko na siya ngayon at sa hindi inaasahan ay mabilis niya akong sinakal.

"Anong ginawa mo para tulungan ka ni Greg? Pinatikim mo ba siya ng katawan mo? Hinayaan mo ba siyang halikan ka? O pinapasok mo siya sa lagusan mo na dapat ay ako lang? Sumagot ka!" Sigaw niya sa akin habang sinasakal niya pa rin ako.

Sa ginawa niya ay hindi ako makahinga ng maayos kaya nagpupumiglas ako.

"Hi-hi-hindi a-a-ako maka-makahinga." Putol-putol kong sabi.

Bigla naman niya akong tinapon sa malaking couch na para bang isa lang akong bag. Hinabol ko naman ang hininga ko pagkalapag ko sa couch.

Hindi pa ako nakakabawi sa hanging nawala sa akin nang pumaibabaw sa akin si Sci dahilan para mahiga ako. Hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko.

"Alam mong ayaw na ayaw ko na may kahati sayo lalo na kung may gumagalaw sayo. Ako lang ang pwedeng humalik sayo. Ako lang pwedeng makakita sa katawan mo at lalo nang ako lang dapat ang kumakantot sayo. Ako lang Sam, ako lang. Akin ka lang." Ang matigas niyang sabi.

Natatakot ako sa kanya pero dapat ko siyang labanan. Hindi dapat ako magpadala sa takot dahil kung hindi ay mauulit ng mauulit ito.

Kahit na nasasaktan sa estilo ng paghawak niya sa akin ay pinilit ko pa rin magsalita.

"Hindi mo ko pagmamay-ari Sci. Hindi-hindi ako magiging sayo hanggang sa huling hininga ko. At wala kang magagawa kung may ibang tao na humalik, humawak o kahit kumantot sa akin dahil katawan ko 'to. Hindi 'to sayo." Matigas ko ring sabi sa kanya.

Hindi ko naman inaasahan ang kanyang sunod na ginawa. Sinampal niya ako ng napakalakas. Naramdaman ko agad ang hapdi at sakit sa pisngi ko. Tila nabingi ako sa lakas ng sampal niya sa akin.

"Sagad na sagad na ako sayo Sam, kahit mahal kita kaya kitang saktan. Ipapakita ko sayo ngayon kung sino nagmamay-ari sayo." Ang sabi niya sabay marahas na halik sa akin.

Kinain niya ang buong labi ko. Kinagat niya ito hanggang sa dumugo. Walang sawa niya niyang inaaking ang aking labi na parang sinasabi niya na sa kanya lang ito. Sinabunutan ko siya at pinipilit kong inilalayo ang kanyang mukha sa akin. Tumigil naman siya at tinignan ako.

"Diba mas masarap akong humalik kaysa kay Greg? Aminin mo!" Sigaw niya sa akin. Tumawa naman ako na mas nagpasiglab pa lalo sa galit niya.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon