Chapter 23

8.4K 381 9
                                    

Enjoy

Sam

Nakaupo kami ni Mama habang nanonood ng telebisyon nang biglang bumukas ang pinto at niluwa si Papa. Hindi namin inaasahan ang pagdating ng aking ama sapagkat biyernes palang at Sabado ang uwi niya galing sa trabaho kay Don Frollo.

Tumayo si Mama at agad sinalubong si Papa nang yakap at halik pero ngumiti lamang si Papa ng pilit. Napansin kong may hindi magandang nangyari dahil sa malungkot ang mukha ni Papa at alam kong napansin din yun ni Mama.

"Bakit ang aga mo yata ngayon Hon. Pinauwi ka ba ng maaga ni Don Frollo?" Tanong ni Mama nang makaupo si Papa sa isang single couch.

Hindi sumagot si Papa sa tanong ni Mama at doon palang ay naisip ko na tama ang hinala ko na may problema ito.

Lumapit si Mama kay Papa at hinagod ang likod nito.

"May problema ba, Hon? Sabihin mo sa amin ang dinadala mo baka matulungan ka namin ng anak mo." Si Mama.

Bumuntong hininga muna si Papa bago siya magsalita.

"Wala na akong trabaho." Direktang sabi ni Papa.

Natigilan naman kami ni Mama sa sinabi ni Papa. Paano siya mawalan ng trabaho? Sa pagkakaalam ko kasi ay si Papa ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Don Frollo sa lahat ng trabahador nito.

"Pa-paano ka nawalan ng trabaho hon? May nagawa ka ba para sisantihin ka ni Don Frollo?" Takang tanong ni Mama.

Hindi agad nakasagot si Papa sa tanong ni Mama. Sa tingin ko nagdadalawang isip siya na sabihin ito sa amin.

"Wala. Hindi rin si Don Frollo ang nagsisante sa akin kundi...si Ma'am Valerie." Ang sagot ni Papa. Lumaki naman ang mata ko sa sinabi ni Papa. Si Ma'am Valerie, ang Mommy ni Sci? Pero bakit?

"Si Valerie na ina ni Sci ang nagsisante sayo? Hindi naman mo naman siya amo ha, so ibig sabihin nyan ay wala siyang karapatan na alisin ka sa trabaho dahil kay Don Frollo ka nagtatrabaho, maliban nalang kung may ginawa kang mali." Si Mama.

Tama si Mama. Walang karapatan ang Mommy ni Sci na alisin sa trabaho si Papa dahil hindi namin siya ang nagpapasweldo dito kundi si Don Frollo at si Don Frollo lang din ang may karapatan na tanggalin si Papa sa trabaho. Maliban nalang kung may ginawa si Papa na pagkakamali sa kanya.


"Hindi ko alam kung bakit humantong ito sa ganito. Ang alam ko lang noon ay naglilinis ako ng kotse ni Don Frollo nang bigla akong sugurin ni Ma'am Valerie at sigawan ako na magnanakaw. Binibintang niya sa akin na ninakaw ko raw ang kwintas niya. Tinanggi ko naman na hindi ako magnanakaw pero hindi siya naniwala. Hinalughog niya ang bag ko at doon nakita nila ang kwintas na sinasabi ni Ma'am Valerie. Hindi ko alam kong  bakit nandon yun eh hindi ko naman talaga yun ninakaw. Tatawag na sana si Ma'am ng pulis pero pinigilan ko siya. Pinapili niya ako kung aalis ba ako ng kusa o ipapakulong niya ako. Kaya ako ngayon nandito dahil sa pinili kong makasama kayo." Ang pagsasalaysay ni Papa sa dahilan kung bakit siya malungkot ngayon

"Pero hindi mo ba naisip na ang pag-alis mo don ay nangangahulugan na guilty ka." Si Mama.

"Alam ko hon, pero natatakot ako na makulong at malayo sa inyo. Mahal ko kayo at alam nyong kayo lang ang mayroon ako. Di bale nang mawalan ng trabaho wag lang malayo sa inyo."  Ang maluha-luhang sabi ni Papa. Sa pagkakataong ito ay lumapit na ako sa kanila at niyakap si Papa.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now