Chapter 39

5.2K 272 15
                                    


Marco

Hindi ako makakibo o makagalaw man lang. Tila naparalisa ang aking katawan at parang nawalan ako ng control dito. Tulala ako habang nakatingin lang sa duguang si Sam, ayaw gumalaw ang katawan ko.

Nakapikit si Sam na parang wala ng buhay habang may dugong lumalabas sa kanyang bibig. May pulang likido rin sa kanyang tyan at dibdib. Unti-unting umukit sa akin kung ano ang nangyari at doon lang ako natauhan ng lumapit sa katawan niya si Greg.

"S-Sam? Sam?! Gising Sam, h-hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya. Sorry. Sam! Gising! Gumising ka." Ang impit na iyak ni Greg.

Bumalik sa akin ang nangyari kanina kung bakit nasa ganoong posisyon ngayon si Sam. Siya ang may dahilan nun, siya ang bumaril kay Sam.

Binalot ako ng galit at poot at walang pagdadalawang isip ko siyang sinuntok sa mukha. Dinig na dinig ang tunog ng buto ko nang ito ay tumama sa kanyang mukha.

Napahiga siya sa may semento at pinaibabawan ko siya at inulanan ng mga suntok. Hindi ako tumigil sa panunutok sa mukha niyang parang demonyo at naging madali lang sa akin na gawin yun sa kanya dahil hindi man lang siya nanlaban. Hinayaan lang niya ako hanggang sa mapagod ako.

"Putangin* mo! Mamatay ka na! Mamatay ka na!" Sigaw ko habang sinusuntok ang gagong Greg na to.

"Magbabayad ka! Papatayin kita! Putangin* mo! Putangin* mo!" Wala akong tigil sa pagsuntok sa kanya hanggang sa napagod na ako.

Puno ng dugo ang kanyang mukha at parang hindi ko na siya nakilala pero kahit na ganoon ay hindi ako nakaramdam ng pagkakonsensya sa aking ginawa. Bagay yan sa kanya.

Napaubo siya ng dugo bago siya napatingin sa akin. Hindi na rin maaaninag ang kanyang ang mga mata nang tumingin ito sa akin.

"M-mas g-ga-go k-ka. I-inu-na mm-o p-a a-ako-ng b-bug-b-bug-in kay-sa i-tak-takbo s-sa o-spit-al s-si S-Sam." Ang putol-putol niyang sabi.

Bigla akong napasampal sa aking isip nang marinig ko ang sinabi niya.

Mabilis akong tumayo mula sa ibabaw niya at pinuntahan si Sam na parang wala ng buhay. Mas dumami na ang dugo sa kanyang damit na halos buong damit na niya ang naging kulay dugo.

Gusto kong bugbugin ang sarili ko dahil ako ang magiging dahilan ng kamatayan ni Sam. Inuna ko pa ang galit ko kaysa itakbo sa ospital si Sam para siya ay iligtas.

Mabilis ko siyang kinarga at tumayo para itakbo siya sa pinakamalapit na ospital. Hindi na ako lumingon pa sa direksyon ni Greg. Hahayaan ko siyang mamatay dyan at sana ay mamatay siya.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis akong tumakbo papunta sa kalsada. Walang ano o sino man ang humarang sa dinadaan ko. Hindi ko alam kung nasaan ang mga alagad ko o ang mga kasapi ni Greg pero wala na akong pakialam.

Matiyaga akong naghintay ng masasakyan habang karga ko sa bisig si Sam. Habang lumilipas ang mga segundo ay mas kinakabahan ako para sa buhay ni Sam.

Hindi ko alam ang gagawin kapag nawala si Sam na alam ko na ako ang may dahilan. Hindi ko kakayanin na may mangyaring masama kay Sam dahil sa katangahan ko.

Sa aking paghihintay ay naaninag ko ang paparating na taxi ay wala na akong sinayang na oras at agad ko itong pinara.

Nagulat pa ang driber nito nang makita ang karga-karga kong duguan na si Sam pero hindi na ako nag-aksaya ng oras pa para ipaliwanag ko sa kanya.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon