Chapter 30

8.2K 351 32
                                    


Sam

Nakatingin lang ako kay Sci habang tahimik itong natutulog. Napakapayapa nito. Para siyang anghel kapag nasa ganito siyang sitwasyon. Matangos na ilong, mapulang labi, medyo makapal na kilay at makinis na balat.

May features na nag-iba sa kanya pero hindi yun nakabawas sa pagkagandang lalaki niya. Napaisip tuloy ako kung bakit ba ang lalaking to ay nahulog sa akin? Wala namang maganda sa akin. Wala naman akong maipagmamayabang.

Lahat yata ay kaya niyang gawin para sa akin kahit hindi na ito maganda at nakakasakit na siya ng iba. Hindi niya iniintindi ang iba basta ako ay mapasakanya lang. Ganyan niya ako kamahal at kagusto.

Ako? Hindi ko alam kung gusto ko ba siya o hindi pero nung nangyari kanina ay naging daan para masagot ko ang mga katanungan sa isip ko.




Mahal ko siya.




Nilukob ako ng takot kanina nang tangkain niyang patayin ang sarili ng dahil sa akin. Triple ang bilis ng tibok ng puso ko dahil akala ko ay mawawala na siya sa akin. Natakot ako. Sobrang takot ko. Gusto kong bawiin ang sinabi ko sa kanya para kumalma siya at hindi niya matuloy ang gagawin niya.

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa itinuloy niya, mabuti nalang ay dumating si Greg at agad niyang nahawakan ang bote sa kamay ni Sci at naagaw ito. Nakipag-agawan pa si Sci kaya hindi na napigilan ni Greg na suntukin siya sa mukha dahilan para mawalan siya ng malay.

Mabilis naming dinala si Sci sa pinakamalapit na ospital dahil sa may sugat ito sa kamay at sa leeg. Kasama rin si Greg dahil sa sugat niya sa kamay bunga ng pagpigil niya kay Sci. Hanggang ngayon ay tulong pa siya dala ng pagod at puyat.

"Sam okay ka lang ba?" Napabaling ang atensyon ko kay Greg nang tanungin niya ako.

"Oo okay lang ako." Simple kong sagot ko sabay baling ulit ng aking paningin kay Sci.

"Gusto mo lunch muna tayo? Tanghali na rin eh." Aya niya sa akin.

"Hindi pa ako gutom. Ikaw nalang baka gutom ka na." Tugon ko na hindi man lang tumitingin sa kanya.

Kaunting katahimikan ang namayani hanggang sa nagsalita ulit si Greg.

"May nanliligaw raw sayo Sam? Totoo ba yun?" Nagulat ako sa tanong ni Greg dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Huh? B-bakit mo naitanong?" Takang tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay walang may alam na kahit na sino na may nanliligaw sa akin.

"Wala. Narinig ko lang. Totoo ba?" Seryoso niyang tanong. Hindi ako naging komportable sa sa tingin niya sa akin pero pinili ko nalang sumagot ng totoo.

"O-oo, meron nga." Mahina kong sabi. Hindi ko alam pero may nakita aking dumaan sa mata niya nang marinig niya ang sagot ko. Galit.

"Sino?" Mas naging seryoso pa ang boses niya dahilan para hindi ako makapagsinungaling. Para kasing sinasabi ng awra niya ngayon na kapag hindi ako magsasalita ng totoo ay lagot ako.

"Si Marco at Jacob. S-si Marco na ka-kaibigan k-ko sa probinsya at si Ja-Jacob." Nauutal pa ako habang sinasabi ko yun. Hindi ko alam pero nakakatakot ang awra niya at hindi ako sanay na ganito ka seryoso si Greg na ngayon ko lang nakita.

Submissive Much [(BxB)]Место, где живут истории. Откройте их для себя