Chapter 14

10.1K 437 36
                                    


Say Hi to Jacob Manalo on Multimedia.

Enjoy.

Sam

"Huwag na huwag mong hahawakan ang Sam ko."

Galit na sabi ni Jacob. Masama rin itong nakatingin kay Matt na nakahandusay pa rin sa sahig.

Bumangon naman agad si Matt at akala ko ay susugurin niya si Jacob pero hindi. Masama lang itong tinignan si Jacob na parang pinapatay na niya sa kanyang utak. Mabuti nalang walang tao ngayon dito sa building na ito.

"Sam mo?" Seryoso at matalim na tanong ni Matt kay Jacob.

"Oo Sam ko. Ikaw sino ka ba? Balak mo bang gahasain ang Sam ko?" Si Jacob sabay tago sa akin sa likod niya.

"Sino ako? Baka magpakamatay ka 'pag nalaman mong sino ako. Isa pa, huwag mong inaangkin ang isang tao na may nagmamay-ari na. Kung may balak man akong gahasain siya ay wala ka dun."  Sagot ni Matt. Tinignan ako ni Matt at ngumisi siya. Anong binabalak niya?

"Magpapakamatay lang ako 'pag nawala si Sam ko. At sino ang sinasabi mong may nagmamay-ari na? Si Sam ko ba? Ako nakauna sa kanya kaya ako lang ang pwedeng umari sa kanya." Tugon ni Jacob sa sinabi ni Matt.

Bigla namang tumawa si Matt sa sinabi ni Jacob. Parang nainis naman si Jacob sa pagtawa ni Matt. May naaamoy akong hindi maganda.

"Jacob, alis na tayo. Huwag mo na siyang patulan. Tayo na."  Pag-aaya ko sa kanya na umalis sabay hatak sa kamay nito pero nagmatigas ito dahil sa sinabi ni Matt.

"Bakit Sam natatakot ka bang malaman niya ang sekreto mo? Ang sekreto natin?" Nakangisi niyang sabi sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama. Balak ba talaga niyang sirain ang reputasyon ko kay Jacob.

"Tumigil ka Sci. Kinalimutan ko na ang kung anuman nangyari sa atin kaya tumahimik ka na." Ang sabi kong ganyan sa kanya pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. Binaling ko ang atensyon ko kay Jacob.

"Jacob, tayo na. Huwag kang makinig sa sasabihin niya. Hindi yun totoo." Ang sabi ko pero hinatak na naman ako ni Sci palapit sa kanya. Nagpupumiglas ko pero malakas talaga siya.


"You don't want me to tell that Jerk our little secret then I'll show him what it is." Ang sabi niya bago ako sinunggaban ng halik. Niyakap niya ang katawan ko ng mahigpit dahilan para hindi ako makapalag.

Bago pa tumagal ang halikan namin ni Sci ay muli na naman itong tumilapon sa sahig. Nanggagalaiti si Jacob at namumula pa ang mukha dahil sa galit.

Hindi ko napigilan si Jacob at pumaibabaw ito kay Sci at pinagsusuntok ito sa mukha. Nakatulala ako sa nangyayari, hindi ako makakilos para pigilan sila.

Pero nang makita ko na dumaloy ang dugo sa mukha ni Sci ay mabilis na bumalik ako sa katinuan. Mabilis kong naitulak si Jacob palayo kay Sci.

"Tama na Jacob. Tama na." Pag-aawat ko kay Jacob. Nakinig naman si Jacob sa sinabi ko dahil hindi na siya sumugod pa.

Lumapit ako kay Sci at naawa talaga ako dahil sa sinapit niya kay Jacob. Dumudugo ang ilong niya at putok rin yung labi niya.

"Sinabi ko naman sayo diba? Huwag mong sabihin, ayan tuloy." Ang pagsesermon ko pa sa kanya. Hindi siya nagsalita, sinagot niya lang ako ng isang tagumpay na ngiti.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon