Chapter 29

8K 383 69
                                    

Sam

Sumabay ako kay Jacob papuntang University. Pinahiram niya ako ng uniform dahil sa hindi ko pa nakukuha ang mga gamit namin sa tinitirhan namin noon. Mabuti nalang may kasya sa akin, pati nga underwear ay pinahiram niya ako. May mga underwear naman siyang hindi pa nya nagagamit.

Kanina lang din napag-alaman namin na mag-bestfriend pala sina Mama at si Tita Zandra. Yes, tita na ang tawag ko sa kanya. Sabay kaming nag-almusal kanina at naikwento nila na noong elementary palang ay mag-bestfriend na talaga sila hanggang nag-highschool.

Marami silang naikwento tungkol sa kabulastugan nila at sa mga kakatihan nila. Hindi ko nga lubos maisip na may ganong side pala si Mama at si Tita Zandra. Tawa kami nang tawa habang kumakain dahil sa mga kwento nila.

Nagkahiwalay lang sila nung pumunta dito si Tita Zandra para magcollege. Dito na rin nakapagtapos si Tita Zandra at nakilala si Tito Jack.

Naging masaya ang pagsalo-salo namin. Para sa amin ni Mama ay naging mas masaya pa ito nang sinabi ni Tito Jack na siya ang bahala sa kaso ni Papa at wala na daw kaming iintindihin dahil libre na daw yun.

Ngayon ay kakapark pa lang ni Jacob sa kanyang kotse. Pagkababa ko ay nagulat ako nang biglang sumulpot si Marco sa harap ko.

"Hi Sam, good morning. Good Morning din sayo pare." Mabilis na bati ni Marco sa aming dalawa ni Jacob.

"Marco,bakit nandito ka? Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya. May benda pa kasi sa kanyang mukha pero hindi na masyadong marami.

"Oo okay na ako. Ah, siya nga pala, ito o." Sabay abot niya sa akin ng isang bouquet ng white roses. "Pasasalamat ko sa pagtulong mo at pagbabantay mo sa akin sa hospital." Nakangiti niyang sabi. Tinaggap ko naman ito.

"Salamat pero si Jacob ang nagdala sayo sa hospital." Ang sabi ko sa kanya.

"Ah, ganon ba. Salamat pare ha." Ang sincere na sabi ni Marco kay Jacob.

"Wala yun pare." Tugon ni Jacob. Binaling ulit ni Marco ang atensyon niya sa akin.

"Yan lang ang pinunta ko dito. Sige, aalis na ako baka makaabala pa ako sa inyo may klase pa naman kayo. Sige una ako." Ang paalam ni Marco pero bago pa ito umalis ay nagnakaw pa ito ng halik sa aking pisngi bago tumakbo na nakangiti. Nagulat man ay hinayaan ko nalang.

Tumingin ako kay Jacob pero nagulat ako nang nauna na pala ito sa akin. Hinabol ko siya at sumabay sa kanya. Tinignan ko siya sa mukha at seryoso lang siya habang naglalakad. Hindi naman ako insensitive para hindi malaman kung bakit ganyan ang itsura niya.

"Ahm...Jacob, sorry." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Huminto naman siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Wala kang dapat ikahingi ng sorry Sam. Hindi naman ikaw ang humalik sa kanya at hindi mo rin inaasahan na hahalikan ka niya. Sadyang hindi ko lang mapigilang magselos. Ayaw ko rin naman na pagbawalan ka na magkipagkita sa kanya o kahit na sino dahil manliligaw mo lang naman ako. Pero kahit na maging tayo ay hindi rin kita pagbabawalan na makipagkaibigan sa kahit na sino, mapa-lalaki man o babae. I don't want to interfere with your social life dahil mahal kita at may tiwala ako sayo." Nakatitig siya sa akin mga mata habang sinasabi yun. Ramdam ko ang sincerity niya sa bawat salitang sinasabi niya. Napangiti ako.

"Sige na, hanggang dito nalang kita maihahatid. Malapit na rin ang time para sa first period baka malate pa tayo." Ang sabi niya bago niya ako hinalikan sa noo at naglakad.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now