Chapter 22

8.3K 418 46
                                    


Enjoy.

Sam

Mabilis na pinatakbo ni Sci ang kanyang sasakyan. Hindi na niya ako pinakabit ng seatbelt bago man lang niya ito patakbuhin. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa traffic sa ganitong tulin ang takbo ng sasakyan. Naramdaman ko nalang na huminto kami at mabilis na lumabas si Sci mula sa  driver's seat.

Hindi pa nga humuhupa ang kaba sa puso ko nang bigla nalang bumukas ang pinto at mabilis akong hinablot ni Sci mula sa loob. Marahas ang pagkakahablot niya sa aking bisig na walang kalaman-laman at kinaladkad sa kung saan.

Doon ko lang nalaman na nasa isang condominium pala kami ng nasa loob na kami nito. Kita ko at pansin ko na pinagtitinginan kami ng mga tao na papalabas at papasok palang sa condominium dahil sa pagkakaladkad sa akin ni Sci.

"Sci bitawan mo ko, nasasaktan ako." Daing ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Manahimik ka dyan, kulang pa yan sa gagawin ko sayo." Sabi nito sabay tulak sa akin sa loob ng elevator.

Mabuti nalang ay nakabalanse ako kaya nakatayo ako. Kami lang ngayon ang nasa loob ng elevator at sa tingin ko ay hindi ito maganda. Pinindot niya ang 23 at nagsimula nang umandar yung elevator.

Nakatayo lang kaming dalawa habang hawak niya pa rin ang braso ko. Tinignan ko siya mula sa gilid at nakita ko sa mukha niya na galit siya dahil sa paggalaw ng kanyang panga. Alam ko kung bakit siya nagagalit dahil sa nakita niya ako na kasama si Marco at alam ko ring may iniisip siya na haka-haka. Sa tingin ko ay dapat ko siyang kausapin para linawin sa kanya ang nakita niya.

"Sci—" Magsisimula palang ako nang bigla niya akong pinatahimik.

"I don't need your damn explanation." Matigas na sabi niya sa akin. Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng elevator at nakita kong may nakatayo na lalaki sa harap nito. Papasok na sana siya nang napatingin siya kay Sci at biglang bumalik ito sa kanyang kinatatayuan kanina. Ngumiti ito nang pilit at napalunok pa ito dahil sa kaba. Tumingin naman ito sa akin at ako na mismo ang humingi ng pasensya sa masamang tingin ni Sci at ngumiti ako dito bago sumarado ang pinto ng elevator.

Nang sumarado ang pinto ay nakaramdam ako nang isang tao na masamang nakatitig sa akin. Walang iba kundi si Sci. Nagseselos na naman siya

"Sadya bang pinanganak kang malandi at hindi mo kayang bumalewa ng mga lalaki? O sadyang hindi ka talaga marunong makuntento sa kung ano ang maibibigay ko at sa laki ng ari ko kaya ka naghahanap ng iba." Ang sabi niya habang nakatingin ng masama sa akin.

Ganon pala ang tingin niya sa akin, isang malandi na hindi makuntento sa isa. Na araw-araw ay iba-ibang putahe ng tinikman.

"Kung ganon nalang pala ang tingin mo sa akin, bakit mo pa ako sinama dito? Hindi mo ba naisip na marami pa akong lalaking titikman at ikakama. Na marami pang hahalik at gagamit sa butas ko. Panira ka naman." Ang tugon ko sa sinabi niya. Dahil sa sinabi ko ay napaharap siya sa akin at tinignan ako ng masama. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat na sobrang higpit.

"Bakit kita sinama dito? Simple, dahil gusto kong ako lang ang titikim at kakama sayo. Gusto ko na ako lang ang hahalik at gagamit sa butas mo dahil akin ka lang Sam, akin ka lang. Kung gusto mo ng bayad then state your price and be exclusively mine. Mine alone." Mariin niyang sabi sa akin.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now