Chapter 13

10K 492 25
                                    


Enjoy.



Sam

Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay ang pagsisimula ng klase. Kalalabas ko palang sa banyo dito sa kwarto ko nang bigla akong tinawag ni Mama.

"Anak bumaba ka na dito. Nandito na si Jacob." Sigaw ni Mama mula sa baba.

Hindi ako sumagot bagkus ay binilisan ko nalang ang galaw ko. Mabilis akong nagbihis ng uniform, suot ng sapatos at konting suklay sa buhok. Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba papunta sa kusina.

Pagdating ko sa kusina ay nandon na nga si Jacob na kumamakain ng almusal kasama si Papa at si Mama. Wala bang almusal dun sa bahay nila Jacob?

"Anak antagal mo naman. Kain ka na para makapunta na tayo ni Jacob sa University at baka malate pa kayo, first day of school pa naman." Si Mama.

"Kain ka na Sam. Gusto mo kape? Pagtitimpla kita." Pag-aalok ni Jacob sa akin.

"Hindi na, hindi ako mahilig sa kape eh." Pagtanggi ko sabay upo sa tabi niya.

"Eh, gatas gusto mo?" Alok niya ulit.

"Hindi na rin. Huwag ka nang mag-abala." Pagtanggi ko ulit.

Sumandok nalang ako ng kanin at kumuha ng hotdog at sunny side egg. Kumain ako at hindi ako nagpaabala sa kanila. Nang matapos ay agad din akong inaya ni Jacob na aalis na kami.

Dala niya ngayon ang kanyang sasakyan so wala akong magagatos na pera sa pamasahe. Napakaswerte ko talaga kay Jacob.

Sumakay kami sa kotse niya at habang nasa biyahe papuntang University ay wala kami ibang ginawa kundi magkantahan sabay sa tugtog ng stereo sa sasakyan niya.

Mabilis kaming nakarating sa school dahil wala masyadong traffic. Pagkarating sa University ay nagsisimula na rin akong kabahan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay hindi magiging madali ang buhay ko dito.

"Huwag kang kabahan Sam ko. Nandito lang ako sa likod mo." Napansin pala ni Jacob ang pagiging kabado ko.

"Hindi ko mapigilan eh. Baka kasi mahirapan ako dito." Ang sabi ko sa kanya.

"Hindi naman madali mag-aral eh. Araw-araw ay may problem tayong kinakaharap, projects, assignments, quiz and etc. Lalo pa kung may mga classmate kang hindi mabuti ang turing sayo. Tayong lahat mahihirapan talaga lalo na college na tayo." Hindi naman ako nakasagot sa sinabi ni Jacob.

Tama nga naman siya. Hindi madali mag-aral, minsan nga ay napaghihinaan na tayo ng loob dahil dito eh. Baka ganon rin kaya ako ngayon kinakabahan, sana nga ganon.

"Huwag ka ng kabahan Sam ko. Relax lang, i-enjoy nalang natin 'tong college life natin. Tara na malalate na tayo o." Anyaya niya sa akin. Tumango nalang ako at lumabas na sa kanyang sasakyan.

Kanya-kanya na kaming punta sa mga aming mga first subject. Sasamahan pa sana niya ako  pero tumanggi ako.

Medyo natagalan ako sa paghahanap sa room ko hanggang sa natagpuan ko rin ito. Building 3, 3rd floor and Room 3 lang pala ito. Nasa schedule ko naman ito hindi ko lang nabasa kanina.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now