Chapter 33

7.8K 395 27
                                    

Sam

Kinaumagahan, pagkatapos namin mag-almusal ay agad kaming nagpasalamat kina Tito Jack at Tita Zandra pati na rin kay Jacob sa lahat ng tulong nila.

This time ay kaming dalawa na ni Mama ang umiyak dahil sa tuwa at sa taos pusong pasasalamat sa lahat ng kabutihan nila. Medyo may dramang naganap pero natapos pa rin yun sa masayang yakapan.

Hinatid muna kami ni Jacob sa bagong bahay namin na bigay niya bago siya umalis papunta sa eskwelahan. Wala kasi akong klase ngayon kaya tutulong ako kina Mama at Papa para maglinis ng bagong bahay namin.

Hindi gaano kalaki o kaliit ang bahay. Kasya lang siya sa tulad naming pamilya na tatlo lang. Kung gaano naman kalaki ang bahay ay mas malaki pa rin ang bakuran nito na kinasaya ni Papa at Mama.

Mahilig kasing magtanim at ngayon ay may naiisip na silang itatanim sa malaking bakuran namin na sa tingin ko ay malaking tulong sa amin at kalilibangan namin magpamilya.

Pagpasok namin ay nandon na nga talaga ang lahat ng gamit namin. Agad kaming naglinis nila Mama at Papa sa buong bahay. Hindi naman masyadong madumi ang buong bahay kaya mabilis lang din kaming natapos.

Organize na ang buong bahay pagdating ng hapon. Sa pagpatak ng alas 3 ay bigla akong nagutom kahit kumain naman ako ng tanghalian. Nagpaalam ako kina Mama na ngayon ay nakaupo sa sofa kaharap ang TV na magmemeryenda lang ako sa labas. Inalok ko pa sila na baka ay ipabibili sila pero tumanggi lang sila at sinabing busog pa sila at magpapahinga nalang.

Sa di-kalayuan ay may nagtitinda ng toron  at inuming malamig na gaya ng gulaman at buko juice meron ding halo-halo. Bumili ako ng tatlong toron at isang buko juice at kinain ko ito habang naglalakad ako pabalik sa amin.

Sa aking paglalakad ay bigla nalang may humintong sasakyan na malapit sa akin. Napahinto naman ako at napatingin don. Nagulat nalang ako ng tumambad sa akin ang mukha ni Donya Mathilde.

"Sam, pwede ba tayong mag-usap?"

•••

Donya Mathilde

"Ano po ba ang pag-uusapan natin?" Pagbubukas ni Sam ng usapan nang makuha ng waiter ang order namin.

"It's about Scian." Mukhang nagulat siya ng malaman na si Scian ang pag-uusapan namin base na rin sa kanyang reaksyon. Yumuko pa ito.

"Magagalit din po ba kayo sa akin? Susumbatan nyo po ba ako? Pandidirihan? Hindi ko naman po pinilit si Sci na gawin ang mga bagay na yun sa akin, at mas lalong hindi ko po pinilit si Sci  na mahalin ako. Hindi ko naman po ginusto ang nangyari kay Sci eh at kaya nga iniiwasan ko na siya dahil ayaw ko na pong gumawa ng gulo. Hinding-hindi na po ako lalapit sa kanya." Turan niya sa akin. Ramdam ko yung sakit sa salita niya na nagpapakita lang na mahal nya rin si Scian. Hinawakan ko yung kamay niya na nakapatong sa mesa at ngumiti sa kanya.

"Hindi Sam, hindi ko yun gagawin. Hindi mo yata alam na matagal ko ng alam ang tungkol sa inyo ni Scian sa simula palang at sinasabi ko sayo na hindi ako tutol sa pagmamahalan ninyo. Ang pagmamahalan ninyo ay dapat pinagmamalaki dahil buo ito at wala itong takot. Ang pagmamahalan ninyo ay hindi dapat ipagbawal o maliitin dahil ito ay matatag at totoo pero hindi natin mapipilit ang iba na gawin yun. Ang pag-ibig ay para sa lahat, kahit ano pa ang kasarian at dapat hindi ito hinuhusgahan. Nasa panig ninyo ako ni Scian, Sam." Inangat niya ang kanyang mukha at maluha-luhang tumingin sa akin.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now