Chapter 4

13.9K 567 112
                                    

Meet Greg Lunchavez on multimedia.

Enjoy

Sam

Sumapit ang gabi na hindi ako lumalabas ng bahay. Sinabi ko kay Mama na masama ang pakiramdam ko pero sa totoo lang ay nahihiya akong lumabas dahil wala akong mukhang maihaharap kay Greg.

Nakokonsensya ako sa ginawa ko kanina. Kung hindi lang ako binantaan ni Sci kanina ay hindi ko gagawin ang pag-iwas sa kanya.

Bakit ba kasi ang init ng dugo sa akin ng Sci na yun. Wala naman akong nagawa sa kanya para magalit siya sa akin. Kagabi pa sya nung sinigawan niya ako. Tapos kanina sinuntok pa ako sa tyan. Kapag napuno talaga ako sa kanya ay naku, hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya.

Napagpasyahan ko nalang na lumabas ng bahay ay pumunta sa mansion para tulungan si Mama. Nagtataka ba kayo kung nasaan si Papa? Isinama siya ni Don Frollo sa Spain, ang asawa ni Senyora Mathilde. Hindi ko alam kung kailan ang uwi nila pero alam kong malapit na.

Pagkadating sa mansion ay naghahanda na si Lola Maring ng pinggan dahil sa maghahapunan na ang mga Lunchavez.

Tinulungan ko si Lola Maring sa pagdadala ng mga pinggan sa mesa. Bumalik ako sa kusina at kinuha ang mga putahe na hinanda ni Mama.

Nagsimula nang nagsidatingan ang mga apo ni Senyora at iilan lang sa kanila ang kasama pa ng girlfriend nito. Lahat ng apo ni Senyora na nandidito ngayon ay mga lalaki noong kaarawan niya nandito yung dalawang babaeng apo ni Senyora pero umuwi ito kinaumagahan.

Nang dumating sa hapag si Greg ay napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makita siya dahil sa inasta ko kanina. Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Senyora.

"Sam pwede tawagin mo si Sci sa kwarto niya para sabihan na bumaba at kakain na." At dahil si Senyora ang nag-utos ay hindi na ako nakatanggi. Ngayon ko lang din napansin na wala nga si Sci.

Naglakad na ako paakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ni Sci. Naging mabigat ang naging hakbang ko dahil sa kinakabahan ako.

Hindi dapat ako kabahan dahil tatawagin ko lang naman siya. Nang nasa harap na ako ng kwarto niya ay kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Kumatok ulit ako pero nanatiling wala.

Pinihit ko yung doorknob ng kwarto niya at bukas ito. Pumasok ako dito .

Pagpasok ko ay wala akong nakita dahil sa kadiliman, walang ilaw. Ang tanging ilaw na nakikita ko ay ang ilaw na nagmumula sa buwan na pumapasok sa may bintana.

Naglalakad ako ng marahan at kumakapa-kapa pa dahil sa kadiliman ng kwarto ni Sci. Nagpatuloy ako hanggang sa nabangga ko ang isang maliit at kahoy na drawer. Kinapa ko ito at may nahawakan ako na isang picture frame. Hindi ko matignan kung sino ang nasa picture frame dahil nga sa madilim.

Inilapag ko nalang ito at nagpatuloy sa paglalakad sa kadiliman ng kwarto ni Sci. Nakakadalawang hakbang palang ako ng may nakapa ako na isang nakatayong bagay. Matigas ito pero hindi ko masasabi na isang kahoy ito dahil sa makinis ito.

Nagpatuloy sa paglalakbay ang kamay ko para malaman ko kung anong bagay ito. Hanggang sa may nakapa akong labi. Labi? Ginalaw ko pa yung kamay ko hanggang sa may tenga akong nahawakan. At huli na nang napagtanto ko na si Sci yun nang balibagin niya ako sa kama niya.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now