Chapter 6

12.2K 549 27
                                    

Sam

Enjoy.

(SPG)

"What the hell are you doing?!"

Malakas na sigaw ni Sci ang umalingawngaw sa bahay. Hindi ko alam kung umabot ba ang boses niya sa mansion.

"Who the hell are you? How dare you to touch what is mine!" Ang malakas na sabi niya sabay lapit dito at aakmang susuntukin si Marco.

Mabilis naman akong pumagitna at pinigilan si Sci na lumapit kay Marco. Buong lakas ko siyang pinipigilan para mapantayan ko ang lakas niya.

"Wala kaming ginagawa Sci kaya hu-huminahon ka." Sabi kong ganyan habang pinipigilan ko pa rin siya. Mukhang narinig niya ako dahil tumigil ito sa pagsugod kay Marco.

Tumingin ito sa akin na walang emosyon ang mukha. Mas nakakatakot siyang tingnan kapag ganito. At hindi nga ako nagkamali dahil isang suntok ang tumama sa mukha ko na mula sa kanya.

Mapaatras ako sa suntok niya at buti nalang nakahawak ako sa upuan kaya hindi ako bumagsak sa sahig. Dahil sa pagsuntok sa akin ni Sci ay mabilis na nilamon ng galit si Marco at agad siyang nagpakawala ng malakas na suntok na tumama sa mukha ni Sci.

Nagkagulo ang dalawa. Gumanti rin si Sci at nagpakawala rin ng malakas na suntok. Nagpalitan sila ng suntok hanggang sa umabot sila sa labas ng bahay ang kanilang suntukan. Nang mahimasmasan ako mula sa pagkakasuntok ay agad ko silang pinigilan. Pero hindi yun naging madali dahil walang isa sa kanila ang gustong magpaawat.

"T*ngina mo! Wala kang karapatang para saktan si Sam!" Sigaw ni Marco habang pinagsusuntok si Sci. Nakabawi rin naman si Sci at sya naman ngayon ang sumusuntok kay Marco.

"Akin sya! Pagmamay-ari ko sya at wala kang karapatan na hawakan siya!" Sigaw naman si Sci.

Hindi ko magawang pigilan ang dalawa dahil sa pareho silang kinakain ng galit. May naisip akong paraan para matigil sila at makaalis si Marco dito sa mansion bago may makakita sa amin na isang Lunchavez.

Naghahanap ako ng tyempo para gawin yun at nang tumilapon si Marco ay agad akong pumagitna sa kanila at hinarap si Sci. Natatakot man ako ay wala na akong maisip na paraan. Mabilis kong tinuhod ang pagkalalaki ni Sci dahilan para siya ay mapahiga sa lupa habang sapung-sapo ang kanyang junior at nagpagulong-gulong dito. Nakokonsensya man ay hindi ko nalang to pinansin at agad kong pinuntahan si Marco para paalis in.

"Umalis ka na Marco bago ka pa makita ng isa sa mga Lunchavez." Sabi ko sa kanya habang tinutulak siya papunta sa gate dito sa likod ng mansion.

"Pero paano ka Sam? Sigurado akong ikaw ang pagbubuntungan ng galit ni Senyorito Scian. Sumama ka nalang kaya sa akin." Sabi niyang ganyan.

"Hindi na, sige na, umalis ka na. Okay lang ako dito. Kaya ko na to. Tatawagan nalang kita."

"Oo na basta mag-iingat ka ha." Ang sabi ni Marco bago ito tumakbo paalis sa mansion.

Huminga ako nang matalim bago ako humarap kay Sci na ngayon ay wala pa ring tigil sa paggulong-gulong niya sa lupa.
Aaminin kong napalakas yung pagtuhod ko sa junior niya at baka nabasag ko yung mga balls nya.

Nakikita kong may mga mumunting luha sa gilid ng kanyang mga mata. Mas lalo akong nakonsensya pero yun lang kasi ang tanging paraan para matigil sila at makaalis si Marco.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now