Chapter 15

11K 412 11
                                    

Enjoy.

Sam

Lutang akong nakasakay sa kotse ni Jacob. Tinitignan ko ang mga puno, mga tao at mga building na nadadaanan namin. May ilaw rin ng poste na nakasindi na dahil sa gumagabi na rin.

Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ang muli naming pagkikita ni Sci kanina sa library, ang nangyaring pambubugbog ni Jacob kay Sci at ang pagkahuli namin kanina sa clinic na hinahalikan ako ni Sci. Lahat ay tungkol kay Sci.

Ang mga iniisip ko noon sa pwedeng mangyari sa akin sa palipat namin dito sa Maynila ay nagsisimula nang mangyari. Hindi ko rin masasabi na baka mas malala pa ng mangyayari sa akin dito kaysa nasa isip ko.

Tinadhana ba talaga si Sci na guluhin ang aking buhay? Bakit sa lahat pa na pwedeng isulat sa mangyayari sa akin dito ay kasama si Sci. Pwede bang burahin si Sci sa buhay ko? Hindi ko sinasabing patayin siya kundi matauhan lang siya na walang saysay yung pinaggagawa niya at wala itong maidudulot na maganda.

"Sam ok ka lang ba?"

Ang hiling ko lang ngayon ay sana tumigil na si Sci at lubayan na niya ako. Sana mabagok siya at makalimutan na niya ako. Hindi kaya, magising siya isang umaga na burado na ako sa utak niya at sa puso niya. Mawalan siya ng interest sa akin at maghanap siya ng ibang guguluhin niya.

"Sam ko may problema ba?" Tanong ni Jacob na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Ha?...Ahh...Oo, Oo, okay lang ako." Bigla kong naging sagot.

Mukha namang hindi kombensido si Sci sa naging sagot ko dahil sa kanyang paglingo. Napabuntong hininga naman ako dahil sa hindi talaga ako marunong magsinungaling.

"Sorry Jacob may iniisip lang talaga ako." Pag-amin ko sa kanya.

"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kanina?" Tanong ni Jacob. Hindi naman ako nakasagot.

"Iwaksi mo na yan nasa utak mo Sam ko. Nangyari na ang nangyari at sisiguraduhin ko na hindi na yun mauulit pa. Babakuran na kita simula ngayon. Sa ayaw o gusto mo." Desperado siyang bantayan ako mula kay Sci. Mabuti ba ito o hindi?

"Huwag na Jacob. Hindi mo naman ako kailangan bantayan kay Sci eh, kaya ko na ang sarili ko." Pagtanggi ko sa sinabi niya.

"Diba sabi ko sa ayaw o sa gusto mo. Wala ka nang magagawa Sam ko, babantayan kita sa Sci na yun. Ano ba kasi ang relasyon niyo ng Sci na yun at parang hinahabol ka nun? Ex- boyfriend mo ba yun? At gusto kang balikan." Ang sabi niya.

"Hindi. Wala. Wala kaming relasyon, hindi ko rin siya ex- boyfriend o anuman kahit nga kaibigan hindi ko siya tinuturing eh. Apo lang siya ng amo ng nanay ko nung nasa hacienda palang nila kami nakatira. Mabait yung lola niya pero siya, hindi ko masabi. May panahon na nakakausap ko siya ng maayos pero madalas ang hirap niyang intindihin. Palagi niya akong binabastos, hindi ko alam kung may gusto ba siya sa akin o hindi. Umalis kami sa hacienda dahil sa kagagawan niya. Kita mo yung kahihilom lang na malaking sugat ni Mama? Siya may gawa nun. Sinabuyan niya si Mama ng kumukulong mantika kaya naospital ito at dinala dito sa Maynila. Sa kagustuhan ng lola niya na bayaran ang kasalanan ng apo niyang si Sci ay siya na ang gumastos lahat ng gastusin namin at pinatira sa bahay nila na tinitirhan namin ngayon. Dahil sa kapos kami ay tinanggap namin yun. Hindi na namin pinakulong si Sci at hinayaan na lamang kapalit ng mga bagay na binigay ni Senyora Mathilde. At ngayon ay hinahabol niya ako na hindi ko alam ang dahilan." Mahabang pagkukwento ko sa kanya. Pagkatapos kong magkwento ay bigla niyang hininto ang sasakyan.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now