Chapter 17

8.8K 415 7
                                    

Enjoy.

Sam


"Ang dapat sayo ay sinusuntok gamit ang knuckles, pinapalo ng baseball bat at pinagkukurot gamit ng sipit ng sampayan." Ang nanggigigil kong sabi habang binunot ko isa-isa ang makapal na bermuda grass. Iniisip ko ngayon na ginagawa ko ang lahat ng sinasabi ko tungkol kay Sci.

Kumukulo ang dugo habang iniisip ko siya. Napakademonyo niya, anak siya ni Satanas. Siya yung taong may tatlong sungay sa ulo na itinadhana na gawin imperyo ang buhay ko.

"Aaaahhhhhh!!!" Sigaw ko dahil sa galit na hindi ko mapigilan. 

Umalingawngaw ang boses ko sa buong Green Park ng school. Sumabay pa ang ihip ng sariwang hangin na naging dahilan ng pagsayaw ng mga halaman at mga bulaklak dito sa park.

Pero kahit na gaano pa kasariwa ang hangin ay hindi nito mababawasan ang galit at inis na nararamdaman ko para kay Sci.

Kinamumuhian ko siya.

Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil sa aking nararamdaman. Iniisip ko rin ang scholarship ko na ngayon ay siguradong wala na. Sa hindi ko pagsunod sa gusto ni Sci ay siguradong binawi na niya ang scholarship ko.

Nasasayangan ako sa pagkakataon na libre ako makapag-aral ng kolehiyo at hindi na masyadong gagastos at kakayod si Papa. Hindi na siya mangungutang o babali kay Don Frollo para ipambayad sa tuition fee ko. Gusto ko mang magpart time job ay hindi nila ako papayagan.

At lahat ng ito ay kagagawan ng demonyong Sci na yun. Sa pagiging selfish niya na gusto niyang angkinin ako. Sa mga kagustuhan niya na siya lang ang makikinabang.

Ganito ba siya magmahal? Kung mahal niya ako, sana hindi niya ako pinapahirapan ng ganito. Kung mahal niya ako sana ay naging ilaw siya na tutulong sa akin sa pagtahak ko sa kadiliman ng buhay. Pero siya pa ang nagpatay ng ilaw at inaabuso ako sa gitna ng kawalan.

Pero dapat hindi ako magpatalo sa laro niya. Hindi dapat ako paghinaan ng loob. Si Sci ay dagok lang yan sa buhay ko at lilipas din ito. Ipapakita ko sa kanya na malakas ako at hindi ako basta-basta at kinakaya niya. Hindi ako papatalo.

"Nakikita na yung lupa o." Isang boses mula sa likod ko ang narinig ko. Hindi ako nagkakamali siya ito. Kilala ko ang boses niya. Ang taong matagal ko ng iniiwasan.

Si Greg.

Hindi ako lumingon. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Pinahid ko ang luha ko at tumayo. Aalis na sana ako nang bigla siya ulit nagsalita.

"Hanggang kailan mo ba ako iwasan Sam?" Tanong niya na siyang pumigil sa akin na umalis.

Naramdaman kong naglalakad siya ngayon papalapit sa akin at hindi naman ako nagkamali. Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa kanya.

"Bakit mo ba ako iniiwasan Sam? Akala ko ba kaibigan na tayo. Tinuring mo ba akong kaibigan? O naging feeling close lang ako sayo? Ganon ba yun? Kaya iniiwasan mo ko." Malungkot niyang sabi sa akin. Sa narinig ko ay bigla akong  naiyak na naman.

"Sorry Greg. Hindi ko napanindigan ang pagiging kaibigan mo. Tinuring kitang kaibigan Greg, maniwala ka. Kahit kaunting oras lang tayong nagkasama ay kinaibigan na kita. Sorry na iniiwasan kita, sorry." Umiiyak kong sabi sa kanya habang yakap ko siya.

Simula ngayon ay hindi ko na iiwasan si Greg. Wala na akong dahilan para iwasan siya lalo pa't wala na ako sa kamay ni Sci. Simula rin ngayon ay magiging kaibigan na ako sa kanya.

"Masaya akong marinig yan sayo Sam. Masaya ako. At kung anuman ang dahilan mo sa pag-iwas sa akin ay sana wala na yun. Pero huwag ka ng umiyak, ayaw kong umiiyak ka. Tahan na." Pagpapatahan niya sa akin habang hinahagod ang likod ko.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now