Chapter 28

7.8K 392 44
                                    

Enjoy.

Sam

Nandito ako ngayon sa isang bench dito lang sa labas ng prisento. Nasa loob si Mama habang kinakausap ang mga pulis.

Nagpapahangin lang ako dito. Iniisip ko rin ang mga solusyon sa mga problemang kinakaharap ko ngayon na siyang nagpapagulo sa isip ko.

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam kung ano ang una kong sosolusyunan, wala rin naman akong naiisip na solusyon sa mga ito. Naguguluhan ako kung alin sa kanila ang uunahin ko.

Una, kung saan kami titira ni Mama. Wala na kaming bahay na matutuluyan at wala rin kaming kamag-anak na pwedeng hingan ng tulong dito. Ayaw ko namang humingi ng tulong sa mga kaibigan ko dahil ayaw kong makaabala sa kanila at sa mga magulang nila. Siguro, sa ngayon ay magpapalipas muna kami ng gabi ni Mama dito sa prisento.

Pangalawa, kung paano namin maiaalis si Tatay sa loob ng selda. Wala naman kaming pera para magpiyansa para mabilisang makalabas si Tatay dyan. Mas malala pa dahil wala kaming salapi para makakuha ng abogado para maipaglaban si tatay at mapawalang sala. Masyadong malaki ang halaga na kakailanganin namin para kay tatay.

Panghuli. Si Sci. Hindi alam kung paano ko ilalayo ang sarili ko sa kanya kung siya mismo ang humahabol at lumalapit sa akin. Nadadamay na ang mga magulang namin lalo na ang magulang ko dahil sa nararamdaman niya para sa akin. Walang magandang maidudulot ang kanyang pinagagawa. Hindi ko rin alam kung paano ko siya idi-discourage na mahalin ako. Masyadong magulo ang isip ngayon.

Dumagdag pa ang banta sa amin ni Valerie. Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang hakbang para pahirapan ako. Ang tanging alam ko ay ang paglayo kay Sci ang tanging paraan para mapigilang ang kanyang mga plano na siyang pinakamahirap sa lahat.

Huminga ako nang malalim at dinama ang malamig na hangin. Sana mapayapa ng hangin ng aking isip nang sa ganon ay makapag-isip ako nang maayos.

Kahit malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako dinadapuanng antok marahil ayaw nitong dumapo para hindi ko makalimutan kahit sandali ang aking mga problema pati ang aming sitwasyon. Pati ang antok pinagkakait ang pagtulog sa akin.

Napangiti ako ng mapait. Napaisip tuloy ako kung paano kaya kung tapusin ko nalang ang buhay ko nang sa ganon ay matakasan ko ang mga pasakit na ito. Pero sumagi sa isip ko si Mama at Papa kung iiwan ko sila. Hindi ko sila kayang iwan o makitang miserable at umiiyak. Masyado ko silang mahal at sila lang ang pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob para lumaban. Hindi ko sila iiwan.

Bigla naman akong napatayo nang may malalim na boses ang tumawag sa akin mula sa di kalayuan. Paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaking tumatakbo patungo sa akin. Nang makalapit ito ay agad akong kinulong sa kanyang bisig.

"Ok ka lang ba? Nandito na ako." Ang may pag-aalala nitong sabi sa akin. Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng kaligtasan sa bisig niya. Na parang may kakampi at kasama pa rin ako kahit papano sa laban ko.

Hindi ko namalayan ay umiiyak na pala ako. Mas lalo kong hinigpitan ang aking yakap sa kanya at sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Okay lang yan, umiyak ka lang. Huwag kang mag-alala nandito na ako, hind kita iiwan." Ang pag-aalo nito sa akin.

Iniyak ko ang lahat ng nararamdaman ko para kahit papano ay gumaan tong dinadala ko at para makapag-isip ang aking utak.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon