Chapter 37

6.5K 311 15
                                    


Greg

"Ano?!" Umalingawngaw ang aking sigaw sa buong silid. Paano ba naman may binalita sa akin ang mga tauhan ko.

Hindi nila nakuha si Sam. Isang simpleng bagay na hindi pa nila nagawa. Sa dami nila ay madali lang para sa kanila na dukutin si Sam at dalhin dito. Kompleto sila ng kagamitan: sasakyan, baril at kung anu-ano pa tapos hindi pa nila magawa.

"Boss may nauna po kasing kumuha sa kanya. Pagdating namin sa harap ng bahay nila ay may isang sasakyan na nandon at nakita nalang namin si Sam your loves boss na walang malay na isinakay nila sa van kaya hindi namin nakuha ang Sam your loves boss." Paliwanag naman ni Bulldog.

Natahimik ako nang marinig ko yun. Nagtataka ako kung sino ang gumawa nun. Sino ang may pakana nun. At kung mayroon pa bang nagkakainteres kay Sam bukod sa akin at sa tatlong bugok na yun.

Sigurado naman ako na hindi si Sandra yun dahil ang Mommy ni Scian ang dudukutin niya. Alam ko naman na hindi siya susuway sa utos ko dahil may tiwala ako sa kanya at hindi niya rin kaya na mag-isa.

Sino? Sino ang kumuha kay Sam? Sh*t! Akala ko walang magiging aberya sa mga plano ko. Walang makikisawsaw na iba.

"Sino? Sino dumukot sa kanya? Natatandaan niyo ba? Isa ba siya sa mga karibal ko?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila.

"Hindi boss dahil gaya namin ay nakasuot sila ng isang maskara, mukhang vendetta. Marami silang kumuha boss at sa tingin ko ay wala sa kanila ang may pakana dahil inutusan lang sila. Para silang mga gangster o grupo ng sindikato." Si Pitbull ang sumagot.

Kinabahan ako nang marinig ko ang sinabi ni Pitbull. Gangster? Sindikato? Sh*t baka may gawin sila kay Sam. Hinding-hindi ko talaga sila mapapatawad.

Hahanapin ko sila kahit saan mang lupalop ng mundo sila nagtatago. Kapag may nangyari kay Sam ay hinding-hindi ko sila mapapatawad kung sino man ang may pakana nito.

Sa buhay kong ito ay si Sam nalang ang mayroon ako. Si Sam nalang ang nag-iisang bagay sa mundo na pinapahalagahan ko. Siya nalang ang iniingatan ko at hindi ko hahayaan na may manakit sa kanya. Si Sam nalang ang nagpaparamdam sa akin na tao pa ako na kaya ko pang magmahal. Mahal na mahal ko si Sam. Mahal na mahal.

"Pero boss huwag po kayong mag-alala nasundan po namin sila. Wala silang kamalay-malay na nasa likod lang nila kami kanina. Hanggang sa makarating kami sa isang abandonadong warehouse at doon nila ibinaba si Sam at pinasok." Saad naman ni Askal.

Sa aking narinig ay sumiklab ang aking galit sa mga tao na yun. Ngayon ay babawiin ko sa kanila ang taong dapat sa akin lang. Ang taong nagkamali nilang galawin. Babawiin kita Sam.

"Kung ganon ay ihanda na ninyo ang inyong sarili dahil susugod tayo don. Babawiin natin ang Sam my loves ko. Ihanda niyo na rin ang mga armas ninyo at magsimula na rin kayong mangumpisal dahil hindi natin alam ang mangyayari. Dadanak ang dugo mamaya." Ang turan ko sa aking mga tauhan.

Pagkatapos nilang marinig ang aking sinabi ay agad silang nagsitayuan at umalis sa silid.

Maghintay ka Sam, babawiin kita.




•••

Scian

Pagkababa ko mula sa hagdanan ay nakita ko si Lola sa sala na nagbabasa ng magazine habang kumakain ng cake.

"La, saan po si Mommy?" Tanong ko sa kanya dahilan para maagaw ko ang atensyon niya.

"Mommy mo ba? Nagpaalam siya sa akin kanina na pupunta raw siya sa bahay nila Sandra dahil inimbitahan siya nito at mukhang mag-uusap sila tungkol sa pagbali ng inyong kasal." Sagot naman ni Lola.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now