Chapter 32

8K 370 49
                                    



Sam

Nagising ako mula sa isang napakasamang panaginip. Pagkadilat ng aking mga mata ay tumambad sa akin si Jacob na labis ang pag-aalala sa kanyang mukha. Mabilis ko siyang niyakap at umiyak sa kanyang dibdib.

"Hush. It's okay, pananginip lang yun." Pag-aalo sa akin ni Jacob. Hindi ako tumigil sa pag-iyak dahil sa paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang panaginip na yun.

Hindi rin mawala sa isip ko kung isa lang ba yung panaginip o isang pangitain na mangyayari sa hinaharap. Natatakot ako na mangyari yun. Natatakot ako na malagay sa mga kamay ko ang buhay ng mga taong mahalaga sa akin.

"Tahan na. Panaginip lang yun. Kung ano man yun ay hindi mangyayari yun. Okay lang yun, tahan na." Naramdaman ko na hinalikan ni Jacob ang aking ulo habang hinahagod ang aking likod.

"Paano kung mangyari yun? Paano kung magkakatotoo ang panaginip ko na yun? Ano ang gagawin ko?" Tanong ko kay Jacob kahit wala siyang alam sa aking pinaniginipan.

"Wala akong ideya kung ano ang laman ng panaginip mo pero kung sakaling mangyari man yun ay lagi mong susundin ang puso mo. Pairalin mo kung ano ang sa tingin mo ang tama, tsaka isa pa, nandito lang ako para samahan ka. Hindi kita iiwan." Tugon naman ni Jacob.

"Paano kung mapahamak ka dahil sa akin? Paano kung nasa kamay ko ang kaligtasan mo? Paano kung ako ang maging dahilan ng kapahamakan mo?" Hindi ko maiwasan na itanong sa kanya ang ganong bagay dahil baka sakaling magkatotoo ang panaginip ko.

"Kung magkaganoon man ay sigurado naman ako na dahil yun sayo. Kung mapapahamak man ako ay dahil yun sa ipinaglaban kita. Kung ang buhay ko ay nasa kamay mo ay hindi ko pipilitin na buhayin mo ko basta ay ipangako mo lang sa akin na magiging masaya ka kapag wala na ako. Okay lang sa akin na magbuwis ng buhay kung ikabubuti mo rin naman yun dahil sa mahal na mahal kita Sam." Hindi ko mapigilan na umiyak pa lalo at yakapin si Jacob.

Napakabuti niya. Hindi ko siya deserve, hind niya deserve na hindi mahalin. Kung pwede lang na siya nalang ang mahalin ko ay gagawin ko pero ayaw ng puso ko. Ayaw nitong bitawan si Sci kahit na napaka-hopeless ng sitwasyon namin.

"Tahan na. Matulog ka nalang ulit. Maaga pa o, madaling araw pa. Huwag kang mag-alala, hindi ka na mananaginip ng ganon. Nandito lang ako, babantayan kita." Dahan-dahan kaming dalawa na humiga habang yakap-yakap namin ang isa't isa.

Nanatili kami sa ganong posisyon hanggang sa makatulog ako. Nakatulog ako dahil sa mahihina niyang tapik sa likod ko at ang paghihili niya sa akin. Ramdam ko pa ang tibok ng puso niya na kaysarap pakinggan. Matiwasay akong nahimbing at hindi na muling binangungot.

•••

Donya Mathilde

Habang tumatakbo ang kotse na lulan ako ay hindi ko maiwasan na mag-alala sa apo ko na si Scian. Papunta ako ngayon sa mansion namin dito sa Maynila para puntahan siya at kamustahin.

Nung tumawag sa akin si Frollo at ipinaalam sa akin ang naging kalagayan ni Scian ay nilukob ako ng kaba lalo na nung sinabi sa akin ng aking asawa ang pagtatangka nitong pagkitil sa kanyang buhay.

Naging saksi ako sa paglaki ni Scian mula pagkabata hanggang sa ngayon. Mabait siya, maalaga, sweet at malambing pero hindi ko maitatanggi na may kagaspangan siya ng ugali. Mainipin, arogante at kung ano ang gusto niya ay gusto niyang makuha agad. Inaamin ko na ini-ispoil ko siya hanggang sa mga bagay na kaya kung ibigay sa kanya.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now