Chapter 40

6.3K 304 25
                                    

Scian

Hindi na ako nagpaalam sa magulang ni Sam nang umalis ako sa ospital. Dumiretso ako sa kotse at mabilis ko itong pinaharurot papunta sa presento.

Gigil na gigil na akong saktan ang demonyo kong pinsan na si Greg. Kapag walang pumigil sa akin ay siguradong mapapatay ko siya. Wala akong pakialam kong mapatay ko siya dahil simula ngayon ay hindi ko na siya tinuturing na pinsan.

Wala akong pinsan na mang-aagaw at mamamatay tao at sa lahat pa ng pwede niyang tangkaang patayin ay si Sam pa talaga. Kapag may mangyari talagang masama kay Sam ay maghanda siya dahil makakaharap niya si Satanas.

Ipalalasap ko sa kanya ang sakit at ang lasa ng galit na kahit kailan ay hindi pa niya natitikman. Mas gugustuhin pa niyang mamatay nalang dahil sa gagawin ko sa kanya. Dito pa lang sa lupa ay mararanasan na niya kung ano ang imperyo.

Naging mabilis ang aking pagpapatakbo at hindi ako alam kung bakit ako nakalusot sa mahabang trapik. Nakarating nalang ako sa sinsabing presento kung nasaan si Greg.

Kahit hindi pa ako nakakapasok sa presento ay rinig na rinig ko na ang ingay mula dito pero boses babae ang nangingibabaw sa lahat.

Nang makapasok ako ay natagpuan ko si Sandra na pilit kumukuwala sa pagkakahawak sa kanya ng mga pulis. Nandon rin ang kanyang Daddy.

"Get your hands off me!" Dinig kong sigaw niya sa mga pulis.

"Dad, do something. I don't wanna be here. It's embarrassing Dad. Please...I said get off me!" Sabi ni Sandra.

Bago pa makasagot ang Daddy niya ay nakapasok na ako sa loob at ako na mismo ang tumugon sa kanyang sinabi.

"Oh really? You fell embrass? I don't think so." Sabat ko sa usapan nila.

Lumaki ang mata niya ng makita niya ako at tila kinabahan dahil bigla nalang siyang nawalan ng balanse kahit nakatayo lang naman siya.

"Son." Dinig kong sigaw ni Mommy dahilan para mapatingin ako sa direksyon niya.

Tumakbo siya papunta sa akin at sinalubong ko naman siya ng yakap.

"Mom, are you okay?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Hindi ka ba nila sinaktan?" Dugtong ko pa.

"I'm okay son, just a bruise from the slap of that bitch." Sagot ni Mommy.

Napatingin naman ako pabalik kay Sandra bago humiwalay mula sa yakapan namin ni Mommy. Magsasalita pa sana siya nang mabilis akong lumapit sa kanya at walang kagatol-gatol ko siyang sinampal.

Mabilis naman akong hinawakan ng mga pulis at agad na lumapit kay Sandra ang Daddy niya at inalalayan siya dahil muntik na siyang tumilapon dahil sa sampal na yun.

"Bawi ko yan sa pagsampal mo sa Mommy ko but you know what? You're still lucky, dahil nandito tayo ngayon sa presento dahil kung hindi baka napatay na kita." Galit kong sabi.

Sapong-sapo pa rin niya ang kanyang isang pisngi  nang tumingin siya sa akin. Puno ng takot ang kanyang mata habang nakatitig sa akin. Yumakap siya sa kanyang Dad at isiniksik ang kanyang mukha sa dibdib nito.

"Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan kaya sulitin mo na ang paglanghap ng hangin habang nasa labas ka pa dahil siguradong kakaiba ang hangin sa loob." Ang saad ko sa kanya at mas lalo pa siyang umiyak.

"Scian, please let's talk about this. Anong gusto mo ibibigay namin, huwag mo lang ikulong ang anak ko." Pakiusap ng Daddy niya.

"No. I want to put her in jail and nothing can change my mind. She cause trouble to me, to our family. She must face the consequences." Matigas kong sabi. Hindi na magbabago ang isip ko kahit sino pa sa pamilya niya ang magmakaawa sa harap ko.

Submissive Much [(BxB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon