Chapter 3

14.6K 576 40
                                    

The theme song of SM is Don't Blame Me by Taylor Swift.

Enjoy.

Sam

Simula nang magising ako sa aking bangungot ay hindi na ako nakatulog. Lumabas nalang  ako ng bahay para magpahangin. Alas kwarto na ng madaling araw kaya nung lumabas ako ay naramdaman ko agad ang malambing na simoy ng hangin. Hindi ko alam kung bakit ganito kalamig ang hangin na Abril pa naman dahil siguro ito sa lugar namin na napupuno ng mga puno.

Napagpasyahan ko na lumabas nalang ng mansion at maglakad-lakad sa labas. Mas lalong nanuot ang lamig kaya napayakap ako sa aking sarili. Naglalakad ako ngayon sa pagitan ng dalawang sakahan. Napakapayapa ng paligid na gustong gusto ko. Nakarating ako sa ilalim ng mangga at mula dito ay tanaw na tanaw ko ang malawak na palayan ng pamilya Lunchavez.

Nakakarelax ang tanawin, nakakawala ng stress. Umihip ang hangin na mas nagpalala sa lamig na aking nararamdaman. Napayakap ako lalo sa aking sarili dahil sa ginaw. Sana nagdala ako ng jacket bilang panangga sa lamig.  

"Sisipunin ka nyan sa ginagawa mo." Isang boses ang bumasag sa katahimikan. Paglingon ko ay isang bulto ng lalaki ang aking nakita.

Hindi ko sya kilala pero sigurado ako na isa sya sa mga apo ni Senyora Mathilde. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?

"Kakagising ko lang nang makita kita na naglalakad dito sa labas. Sinundan kita dahil sa akala ko na magpapakamatay ka. Ano bang ginagawa mo dito" Sabi nya. Nabasa nya yata ang iniisip ko.

"Wala lang. Nagmumuni-muni lang ako dahil sa hindi na ako makatulog at tsaka madaling araw na rin wala nang oras para bumalik sa pagtulog." Ang sagot ko.

Tumingin ako sa kanya at hindi ko akalain na nakatingin din pala siya sa akin. Nginitian ko sya at ngumiti rin siya sa akin pabalik.

"By the way, I'm Greg Lunchavez. Nice to meet you." Masiglang pagpapakilala nito.

"Ako naman si Samuel Villatá, Sam nalang." Tugon ko naman.

"Kaibigan na tayo simula ngayon ha." Nakangiti nitong sabi sa akin. Tumango lang ako bilang tugon.

Dahil sa kaibigan ko sya at ngayon lang rin siya nakarating dito ay pinasyal ko siya sa haciendang kanilang pagmamay-ari.

Sa malawak nilang tubuhan, sa taniman nila ng pinya, sa hindi mabilang na sakahan at sa marami nilang tanim na niyog. Nakikita ko na namangha sya sa lawak ng kanilang lupain at kung ano ang meron dito.

Hindi niya akalain na ganon kalawak ang kanilang nasasakupan.

"Salamat sa pagsama sa akin Sam. Na-enjoy ko ang pagpasyal natin. Kung alam ko lang na ganito kaginhawa at kaganda ang hacienda ni Lola ay sana palagi akong dumadalaw dito." Masaya niyang sabi.

Ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa mansion. May araw na rin kaya siguradong hinahanap na ako ni Mama ngayon.

"So sa susunod ay babalik ka na dito?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman at siguradong mapapadalas ang pagdalaw ko dito basta'y nandyan ka para ipasyal ulit ako."

"Oo naman." Sagot ko sa kanya. Mas lalong lumaki ang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang sagot ko.

Submissive Much [(BxB)]Where stories live. Discover now