Chapter 2

709 102 80
                                    

KRIXTIA NICOLE's POV

Habang papalapit-nang papalapit samin ang mga taong naaagnas na--mga infected, ay nadaragdagan ang kaba sa dibdib ko. Ganito ba talaga pag alam mong mamamatay ka na?

'Kainis! Balewala din pala lahat nang pinag-paguran namin sa lab?...Pero sandali nga...'

Muli kong sinulyapan ang mga infected na tumatakbong papalapit.

'Kung ito nga ay ang kumakalat na sakit ilang buwan na nakakaraan na akala namin ay nalunasan na, how come that it became like this? Unable to walk, unable to talk and you wouldnt feel anything except pain until you die. That's what they reported to us about the virus. Pero bakit mga ito'y nakaka takbo...'

"Sa library!" Sigaw ng isa sa mga estudyante malapit sa hagdan.

Lahat kami ay Nabaling ang tingin sa Lokasyon kung saan naroroon ang library na naka-konekta sa katapat na building na aming kinaroroonan. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at mabilis na hinila si Maelee at patakbo kaming tumakbo sa corridor. Isa iyong malaking sugal dahil kailangan namin ng mabilis na kilos kung hindi ay may posibilidad na makagat kami sa kadahilanan na salubong ang landas namin at ng mga infected.

Hindi nga ko nag-kamali sahil nang makatapat namin ang mga infected na ito ay agad kaming susunggaban.

Laking pasasalamat ko na lang talaga nang iwinasiwas ni Maelee ang napaka-laki niyang bag dahilan para tumilapon ang mga ito. We took advantage on the situation and immediately run towards the libray.

Nang makarating kami sa library ay hinihingal na kinalampag ko ang pinaka-malapit na pinto. Paulit-ulit ko ring pinihit ang doorknob ngunit mukang naka-lock.

Hindi ko na maiwasang hindi mag-panic at nilingon ko si Maelee. "Mae! Naka-lock, pano na?"

Ngunit agad ding napahinto ng mapag-tanto kong hindi ko sya katabi. Nasa kabila syang pintuan at pilit itinutulak iyon pabukas. Bakas sa mukha nya ang hirap at humihingal na din sya. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya at tinulungan syang itulak ang pintuan na noon ay pilit isinasara ng mga tao sa loob.

"Wag kayo dito!"

"Marami na kami!"

"Baka nahawa na sila, mag-hahawa pa yan dito!"

"Itulak nyo pa, wag nyo silang papasukin!"

Ilan lang yan sa mga maririnig mula sa mga estuyante't guro na nasa loob. Sa lahat ng room ay ang library lang ang may matibay na purong kahoy na pinto maliban sa back gate ng eskwelahan na bakal. Kaya ang kapirasong siwang sa pinto na dulot ng pag-tutulakan namin ang natatanging dahilan upang mag-kasilipan at mag-karinigan kami kahit papaano.

Kaya naman nakita namin mula dito na karamihan sa mga loob ay mga guro. Masasama ang tingin nito samin na parang sinasabing ipapahamak lang namin sila. I totally underdtand them, yes. Nag-iingat lang sila pero hindi ko pa ring maiwasang sumama ang loob dahil dito.

'Parang gusto ko nalang maging infected tapos kakagatin ko sila isa isa."

"Gago!" Rinig kong sigaw ni Maelee sa kanila habang buong pwersa naming itinutulak ang pintuan.

Ang kanina namang mga infected na tumilapon ay unti-unting bumangon at tumakbong muli papunta sa direksyon namin

'Putek. Akala ko pa naman maliligtas kami, pinatagal lang pala kamatayan namin.'

Hindi ko na alam kung ano pang itsura namin pero aware akong iring iri na kami kakatulak. Mauubos na rin ang enerhiya namin, lalo na sakin dahil sa kaba. Nag-simula ng manginig ang mga tuhod ko habang papalapit ng papalapit samin ang mga infected.

Survivor Where stories live. Discover now