Chapter 20

339 24 10
                                    


"Ate..?"- halos pabulong kong sambit nang maaninag ko nang tuluyan ang silhouhette nang isang babaeng kanina pa nagtatago sa tabi nang halamanan.

Hindi ito nagsalita. Ngumiti lang ito nang naka-pangingilabot. May mga bahid nang dugo ang kaniyang damit at may hawak syang kumikinang sa kaniyang kanang kamay. Titig na titig ito sakin nang may halong pagbabadya, pananabik, at Galit.

' I need to make a plan...'


Giselle's POV

"Meron talagang hindi magandang nang-yayari."- Aaron

"Oo nga. Parang may kakaiba sa mga ikini-kilos ni Wency.."- Kris

"She's fvckiń creepy! Paalisin na natin kaya sya?"- Marjorie

"Hindi ba napapansin ni Warren yon? Halos lahat kasi tayo nakakaramdam na eh, parang sya lang ang hindi..."- Nathan

Medyo takip-silim na ngayon at Nandito kaming lahat sa kwarto ko at nag-titipon. Halos lahat kasi kami ay pare-pareho nang konklusyon sa mga nang-yayari. Tanging si Warren nalang talaga ang walang pakialam. Mukha ngang hindi nya napapansin eh. Ano yon? Nabaliw na kaya si Warren?

Si Warren nga dapat ang lubos na nakaka-unawa sa kalagayan ngayon ni Wendy. Lalo na't siya talaga ang kapatid nito. Pero bilang pinsan at kaibigan, alam kong malaki ang responsibilidad ko hindi lang para kay Wency kundi para rin kay Warren.

"Ano kayang magagawa natin?" -ayan ang katagang paulit-ulit na tinatanong samin ni Nathan kanina pa. Eh kung kami nga ay hindi din ang alam ang gagawin eh.

Lahat kami ay nakatungo at nag-iisip kung panong gagawin namin kay Wency? O ano bang nangyari sa kanya noong mga panahong hindi namin sya kasama? Na-trauma kaya sita? O nagka-phobia?

Lahat kami ay natigilan nang biglang kumalabog ang aming pintuan. Agad silang nag-tago sa ilalim nang kama, sa CR, at ang iba naman ay sa cabinet. At sino pa bang natira? Edi ako -___-
Lahat halos kasi sila natatakot na don sa mag-kapatid. Well, pati naman ako.

Dahil sa no choice ako, lumapit na ko sa pinto. Huminga muna ako nang malalim bago hinawakan ang doorknob at inikot.

"Ate. Anong meron? Naririnig ko kasi yung boses nila Nathan kanina pa. "- Bumungad sakin ang naka-ngiting mukha ni Warren. Tsk. Creepy

"Ahh-ehh,---"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla mamang nag-sisulputan ang nga hunghang na nilalang na nag-tatago sa bawat sulok nang aking silid.

"B-bakit?"- nanginginig na boses ni Marjorie. Sa aming lahat, siya talaga ang pinaka-matatakutin. Kaya nga minsan ayokong isasama yan tuwing kukuha kami nang mga supplies. Sagabal kasi.

"Heheheh..?"- Kris. Pfft. Medyo natawa ako sa expression nya. Ngiwing-ngiwi eh.

"Bakit?"- Nathan. Ayun! Eto ang isa sa pinaka-matino sa lahat. Nakakatakot nga lang pag-seryoso sya. Parang kaya ka nyang patayin anumang oras nya gustuhin. May pagka-mysterious pa...

Nag 'shh' sign lang si Warren. Hudyat na manahimik daw kami. Nasa kabila lang kasi ang kwarto ni Wency. "Natutulog na si ate. Baka magising nyo..."- Warren.

Pagkasabi nya non, agad syang umalis sa harap namin at pumasok na rin sa kanyang silid. (Which is sa kabilang side nang kwarto ko, sa kabila kasi, kwarto ni Wency.) so napapaligiran nila kami.

" Ano nangyari? "- si Aaron na nga-ngayon lang lumabas nang CR.

Wala namang pumansin sa kanya maliban sa kanyang girlfriend na si Marjorie, na hindi nya naman pinapansin. Ewan ko nga ba sa dalawang iyan. Dati pa yan ganyan. Kung ako jan kay Jorie, nakipag-break na ko dyan.

So back to the topic, nakakahawa ba ang kaweirdohan? At parang ang kalahati nang kaweirdohan ni Wency kanina ay napunta na lahat kay Warren?

"Nakakatakot na talaga yung magkapatid na iyon, ano? Kung mag choice lang ako, baka umalis na ko nang bahay na ito."- Mayabang na saad ni Kris. Sinamaan ko lang siya nang tingin.

"Tingin nyo guys? Pano kaya kung tumakas tayo?"- Marjorie

No way. Hindi pwede. Kahit pag-balibaliktarin pa ang mundo, kadugo ko pa rin yung dalawang iyon at wala akong balak iwan sila sa ere.

Naglakad ako papuntang kama ngunit napahinto rin nang may kumatok nang mahina. Again, yung mga kasama ko, kanya-kanyang tago ulit. Ako na naman mag-isa ang natira. Na ang ibig sabihin ay ako na naman ang mag bubukas.

Tamad akong lumakad papunta sa pinto ngunit hindi ko pa man hinahawakan ang doorknob ay pumihit na ito at pumasok ang hinihingal na si Warren. Agad nyang isinara ang pinto at naupo sa lapag. I think mayroon siyang gustong sabihin ngunit hindi pa siya makapag-salita gawa nang hingal.

"Ateh! ....! ..."- hinihingal nyang sabi.

Lumabas naman si Kris mula sa ilalim nang aking kama at nagtatakang tumingin kay Warren.
"Anong nangyari?"- tanong pa nya kay Warren.

"Palabasin nyo na sila. Alam kong nandito kayo lahat."- hinihingal paring sabi ni Warren

Huh? Pano nya nalaman?

"Whoah! Pano mo naman nalaman pre na nandito kami lahat?"- Kris

Nag-bikit balikat naman si Warren. "I just know." Tumayo sya at luminga-linga.

"Bakit?"- tanong ko. Medyo ang creepy kasi nang ginagawa nya. Para syang may hinahanap na hindi namin nakikita.

"Nasan na sila?"- tanong nya habang nakatingin samin ni Kris.

"Huh? Sinong sila?"- balik na tanong naman ni Kris

"Hayy nako. Sinabi ko naman na sa inyo na alam kong nandito kayong lahat diba?"- Warren. "Nasan na sila?"

Bumuntong hininga naman si Kris at pagkayao'y ngumuso. "Guys, wag na kayong mag-tago. Alam na niya na nandito tayo."- Kris

Isa-isa naman silang naglabasan sa kanilang mga pinag-tataguan. Yung iba ay nagtataka kung pano nalaman ni Warren, lalong-lalo na si Aaron na nasa CR, ang layo kasi nang pinag-taguan niya, hindi niya tuloy narinig ang mga pinag-usapan namin.

"Bakit ka nga pala naparito? "- tanong ni Aaron kay Warren na ngayo'y nag-uunat.

Biglang sumeryoso ang muka ni Warren. , na kanina pa ay seryoso naman talaga. Ah basta! Mas lalong sumeryoso yung mukha niya. Nakakatakot tuloy mag-salita eh. Baka mapatay kami nito.

"Si ate......, hindi talaga sita si ate."- malungkot niyang saad at siya'y bumuntong hininga bago yumuko. Tila ba'y dissapointed sa nangyari kanina.

"Huh? Di ko gets? Care to Explain?"- Marjorie

Tumingin samin si Warren. "Hindi siya tao."- simpleng sagot nito na nag-pabuhol nang aming pag-iisip.






Survivor Où les histoires vivent. Découvrez maintenant