Chapter 28

317 18 13
                                    





"Nandito na tayo."





Maelee's POV

Inihinto ni Daryll ang Sasakyan sa isang malawak na damuhan, kung saan maraming mga nag-tataasang damo na halatang napabayaan na. Malawak at puro nag-tataasang damo lamang ang tanging matatanaw mo. Kung susumahin ay pwede kang mag-tago sa mga nag-tataasang damo sa paligid. Napag-hahalataan ding matagal na panahon na nang hindi ito natatabas dahil sa lumago na rin ang iba pang mga halaman at mukhang gubat na ang dati nilang tinatawag na Watercreek mill farm.

Sabi ni Daryll, Kaya daw ito tinawag na watercreek mill ay sa dulong parte daw nang malawak na damuhan ay may masaganang batis at ang tubig na nandoon ay may kakaibang lasa. Pang-karaniwan daw iyong iniinom nang mga tao dito sa bayan nang Albay at iyon din ang iniinom nang mga trabahador sa kanilang Hacienda.

Lumabas na si Daryll sa sasakyan at umikot para pag-buksan ako nang pintuan. Nang makalabas na ko ay kinarga niya naman si Ezekiel at nanunang mag-lakad. Sinundan ko lamang siya dahil hindi ko naman gamay ang Lugar na ito at mahirap na, baka may biglang sumulpot na kung anong nilalang ay baka kung ano pang magawa ko.

Hmm, speaking sa mga kakaibang nilalang, kamusta na kaya si Nicole? Hindi naman ako kinakabahan kaya't panatag ang loob kong ligtas siya.

Tiningnan ko si Ezekiel habang nakapikit ang mata na karga ni Daryl at humugot ako nang isang malalim na buntong hininga.


Sana nga't buhay siya.....



*******************

Kris's POV

"Ano kaya kung mag-pahinga muna tayo? Kanina pa tayo nag-lalakad eh, pagod na ko!"- nag-dadabog na sigaw ni Marjorie.

Kanina pa siya angal nang angal sa amin na pagod na daw siya. Para namang may paki kami. Halos mas marami pa ang pinahinga namin kaysa sa nilakad dahil sa pag-iinarte ni Marjorie. Baka dito na naman kami sa gubat abutin nang dilim. Mahirap na't baka dito pa kami matodas.

Simula nang ma-hiwalay kami kay warren ay nag-lalakbay na kami dito sa kagubatan. Hindi namin alam kung saan kami papunta dahil tuwing nag-iisip kami----

"Ackk! Ayoko na! Huminto muna tayo!"- Sigaw ni Marjorie at nag-papapadyak pa na parang bata.

Tsk. Ayan. Tuwing nag-iisip kami ay bigla nalang magugulo ang plano namin dahil sa pag-rereklamo ni Marjorie. Kung tutuusin, ayoko naman talagang kasama yang baba na yan kung hindi lang sa tropa kong si Aaron. Ramdam ko rin na dati pa ay nayayamot na itong si Nathan kay Marjorie pero mas pinipili niya nalang na manahimik para sa ikakabuti.

Ayan ang dahilan kung bakit ayoko sa mga babaeng maaarte. Wala namang pakinabang ang mga ganoon eh. Mas mabuti pa yung babaeng hindi madiriin, yung kayang sabayan lahat nang kaya nang lalaki, yung astig. Hindi katulad nang isa dyan----

"Nangangati na yung skin ko! Nasan na ba kasi tayo?! Ayoko na ditooo!!!"- Marjorie. Tsk.

"Ano ba Marjorie?! Pwede bang manahimim ka muna? Nag-papahinga na nga tayo putak ka pa nang putak diyan!"- Angil naman ni Aaron.

Bigla namang na-shock itong si Marjorie sa sinabi ni Aaron at parang... iiyak na yata? Hayy. Mga babae nga naman.

"B-bakit ganyan ka maka-sigaw!!!? "- Marjorie.

Napa-'tsk' nalang si Aaron sa kanya. Sinabihan na kasi namin siyang kay Nicole nalang siya. Mas astig pa iyon sa kuya ko eh. Matalino pa at higit sa lahat, hindi pabebe. Badtrip. Kung ako jowa niyan ni Marjorie eh, baka naihagis ko na iyan. Kulang nalang mag-pabuhat eh. Feeling reyna.

"May problema ba?, Pre?"- tanong ni Nathan at tinapik ang balikat ko. Natawa lang ako sa ginawa niya at tumawa lang din siya. Alam niya ring hindi ako payag na maging sila Marjorie at Aaron pero may magagawa ba ko? Eh si Aaron naman mamomroblema diyan eh, kaya ayos lang.

Sa totoo lang, si Nicole dapat ang liligawan ni Aaron kaso mukha daw itong masungit. Ewan ko ba, sabi ko sa kanya na minsan, kung sino pa ang mukhang masungit ay siya pa ang mabait at loyal. Sabi naman ni Aaron ay oo daw pero gagamitin niya nalang daw si Marjorie para pag-selosin si Nicole dahil may pakiramdam daw siya na may pag-tingin din si Nicole sa kanya.

Tumutol kaming dalawa ni Nathan pero hindi siya nakinig. Madali niya lang nabingwit iyang si Marjorie eh , wala pa yatang isang oras. Tapos ayon, nung nag-sisisi na siya at gusto niya nang ligawan si Nicole, nakipag-break siya kay Marjorie, at eto namang Marjorie, hindi pumayag at nag-wala pa. Parang nasaniban nang masamang espiritu at may balak pang mag-pakamatay.

Hindi ko naman sinasabing OA siya pero parang ganoon na nga. Eto namang si Aaron, sinuyo si Marjorie kahit labag sa loob niya. Nakokonsensya daw siya at baka mag-pakamatay nga. Psh. Sayang tuloy, edi wala na sanang pabigat sa amin ngayon. Biro lang. Parang kawawa rin naman si Marjorie eh. Kulang sa pansin.

Lumipas ang halos isang oras ay naka-upo pa rin si Marjorie habang kaming tatlo ay naka-tayo na at siya nalang ang hinihintay. Hindi ba siya marunong maka-halata sa nang-yayari sa paligid niya? Lalo tuloy nadagdagan ang pag-kairita kong nararamdaman aa kaniya!

"Marjorie, tara na."- mababakas na seryoso ang boses ni Nathan. Oo nga't lagi itong seryoso pero ibang-iba ito ngayon. Tila ba'y nag-titimpi ito nang galit at parang alam ko na kung kanino. Konting sagot lang nang mali ni Marjorie ay baka malintikan siya kay Nathan.

"Anong tara na? Kita mo namang nag-papahinga pa ko dito diba? Bulag ka ba?! Tas. Kainis!!"- galit na sigaw Marjorie.

Nag-salita na ko bago pa tuluyang sumabog sa galit si Nathan. "Marjorie, hindi mo ba alam na nanganganib ang buhay natin ngayon kaya kailangan nating kumilos?"- saad ko nang malaman niya namang hindi na kami nag-bibiro.

"Anong akala mo sakin? Tanga?! Syempre alam ko! Saka , wag ka nalang maingay, pwede? Kung ayaw mo ko pag-pahingahin, edi mauna ka na!! Bwisit!"- sigaw niya.
Hindi pa rin siya natinag sa mga pinag-sasabi namin.

Nang mag-sasalita na sana si Aaron ay may narinig kaming kaluskos mula sa mga damuhan at sa mga puno. May narinig din kaming mga tila tuyong dahon na nag-kakrack dahil may tumatapak.
Sh*t! Nawala sa isip naming huwag gumawa nang ingay!!!

Biglang napatayo si Marjorie at sumigaw nang malakas kaya't agad na tinakpan ni Aaron ang kanyang bibig. Pero huli na. Narinig nalang namin ang isang boses nang babae na humahalakhak na tila demonyo. Palakas ito nang palakas at palakas na rin nang palakas ang kaba sa dibdib ko. Malapit lang dito ang taong gumagawa non at mayroon akong pakiramdam na mukhang may hindi magandang maang-yayari sa amin.

@Ms_Aquaphobia

- TANONG:

-Bakit hindi pa gumagawa nang gamot o solusyon si Nicole gayong nalaman nyo na na siya ang gumawa nang virus? Sa tingin nyo, bakit?

Survivor Where stories live. Discover now