Chapter 24

325 22 10
                                    


Warren's POV

Mula sa kinatatayuan namin ang malinaw na makikita ang isang pigura nang babae. Sa kaniyang mukha ay mababakas ang galit at poot na para bang siya ay pinag-taksilan. Dama namin ang galit sa bawat hakbang niya. Halos na-estatwa kaming lahat sa kaniyang mala-demonyong awra. Nanginginig ito at tila gigil kaming mahawakan at magawan nang masama. Dahil sa itsura niya ngayon, mulhang hindi siya gagawa nang maganda.

"T-tatakbo na ba tayo...?"- Marjorie

Pero walang pumansin sa kaniya at tila ba'y lahat ay walang nakarinig. Naka-tulala lang ang lahat at parang nag-iintay na lapain kami nang isang maka-panindg balahibong nilalang na sa anumang oras ay handa na kaming pustahin.

Dahan-dahan itong lumapit sa amin ngunit nanatili pa rin akong nakatitig. Hindi na siya ang Wency na kanina ay nakangiti lang. Iba na ang awra niya ngayon. Hindi namin alam kung ano ang balak niya sa amin ngunit isa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon.

Hinding-hindi siya gagawa nang kahit na anong mabuti.

Nang tuluyan na siyang makalapit, adrenaline hits me. Tumakbo ako nang tumakbo sa abot nang aking makakaya. Isa lang ang naiiisip ko sa ngayon. Hinding-hindi ako mag-papahuli sa kanya nang buhay....

Tumakbo ako at pumasok sa madilim na kakahuyan. Tanging ang pag-patak lamang nang ulan ang maririnig. Dahil don, nadagdagan ang takot na aking nararamdaman. Mamalim na ang gabi. Hindi ko alam kung sinusundan niya pa ba ko o hindi. Hindi ko rin alam kung nasaan na ang mga kasamahan ko na kanina ay katabi ko lang. hindi ko alam kung gaano kalayo ang tinakbo ko. Basta kailangan..., kailangan kong mabuhay.

Nag-simula akong mag-lakad nang dahan-dahan para maiwasan ang anumang disgrasya na maaari kong matamo dahil sa madilim na kagubatan. Mula sa aking kinatatayuan, May narinig akong kaluskos. Tila ba isang hayop na inaambangan ang kanyang pagkain.

Hindi ako gumalaw, ni huminga man lang. Maya-maya pa'y nawala na rin ang ingay at napag-pasyahan ko nang tumuloy sa pag-papalakad,. Binalot nang takot ang buong sistema ko nang may naramdaman akong kaluskos sa likuran ko mismo. Haharap na sana ako but it was too late.

Naramdaman ko ang malamig at matulis na bagay sa aking leeg kaya't tuluyan na akong na-estatwa.




******************

Nicole's POV

Madilim ang paligid. Hindi kayang paliwanagin nang kakarampot na ilawan ang buong kakahuyan. Kanina lang ay natag-puan ko ang sarili kong nakaratay sa malawak na damuhan , Awakened by the sound of rain drops accompanied by rattling rip roaring thunder and lightning. Hindi naman ako ganoon ka-shunga para hindi malaman kung ano ang nang-yari bago ako magka-ganoon. Ang hindi ko lang maintindihan ay sino ang matandang babae ang humila sa akin at anong pakay niya? Hindi naman niya ako pinatay, hindi rin naman tinorture? So anong gusto nya at anong kailangan niya sa akin?

Natigil ang pag-iisip ko tungkol sa walang kabuluhang bagay nang may narinig akong kaluskos. My Senses came back when i heard a cracking sound of woods. Hindi ko ito kayang aninagin dahil sa sobrang dilim. Sumakto namang namatay ang maliit kong ilawan at lalo akong kinabahan.

The cold air made me shiver. Hindi ko alam kung malamig lang ba o sadyang natatakot na talaga ako. Gayunpaman, mabilis kong tinanggal ang piraso nang ilawan at mahigpit iyong hinawakan. Sh*t! Dito pa yata ako mamamatay!

Unti-unti akong lumapit ngunit nawala agad ang kaluskos. Ayokong subukang hanapin pa iyon pero piinilit kong pakiramdaman. Kung maaari ay hindi ko hinayaang makagawa nang kahit anong uri nang ingay na maaaaring mag-pabunyang sa akin.

Nang napanatag na ang loob ko at akmang aalis na, narinig ko ang kaluskos, nasa likuran ko ito.

Dahan-dahan akong umikot, making sure that i will not make any noise. I grab the small piece of lampshade that i has and pointed it directly on his throat. I knew it. He was stunned.

Nanatili kami sa ganong posisyon. Walang nag-sasalita sa amin dahil sa labis na tension. Wala pa akong plano na mamatay nang hindi nakakagawa nang antidote para magamot ang sakit na ginawa ko. Ako ang nagsimula kaya't ako rin dapat ang tumapos. Hindi ko hahayaang mamatay lahat nang taong normal na naka-survive at nananatiling Survivor hanggang ngayon. Pati na rin ang mga taong nadamay dahil sa pagiging tanga at pagiging makasarili ko.

Kasalanan ko ang lahat. Kung sana ay nakuntento nalang ako sa buhay na meron ako at hindi ko na sana sinubukang idamay ang mga taong wala namang kinalaman sa kalokohan ko. Alam ko.

Kaya desperado na ko. Wala na akong iniisip kundi ang gawin ang antidote na matagal ko na fapat na ginawa. Ang maayos nilang buhay ay naging misirable dahil sa akin. Dahil sa gusto ko na alam ko ay mali na sa lahat, sa una palang.

Nanginginig ang kamay ko sa pinag-halong lamig at takot. Lamig dahil sa malakas na buhos nang ulan at malakas na simoy nang hangin na aakalain mong mayroong bagyo, at takot naman dahil kung kelan ako nag-sisisi, saka pa yata ako mamamatay. Isa pa, natatakot din akong hindi na maibalik ang dating mundong kinagisnan ko. Ang mundong kinalakihan at kinasanayan ko. Ang mundo nang pag-mamahalan, pag-kakaibigan, pag kakakaisa at pag tutulungan. Hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang ako lang mag-isa. Akala ko..... Akala ko talaga......

Lalong humigpit ang hawak ko sa piraso nang lampara dahil sa paggalaw nang nilalang na nasa harapan ko. Dahan-dahan siyang lumingon. This time, wala akong nagawa. Hindi ko namalayang nakaharap na siya sakin. Wala naman akong paki. Ang mahalaga lang ay mabuhay ako dahil kailangan. Wala akong pakialam kung sino man siya. At wala rin akong balak alamin iyon.

"Sino ka?"- tanging nasabi ko nalang. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Ano bang alam ko kung zombie na rin to? O yung matandang weirdong creature na humila sa akin kanina.

"Sino ka rin ba? Parang kilala kita? Ikaw ba yan, Nicole?"- sunod-sunod na tanong nang isang pamilyar na boses na matagal ko nang gustong marinig muli.




Author's NoTe:

Tenkyuuu nga pala sa mga silent readers diyan. Kaso nga lang ang creepy 😑, paramdam naman kayo kahit konti!

Btw, may mahalaga nga pala akong sasabihin. This story ay kailangan nang matapos ngayong Feb.25.2020. Kaso, Feb.21.2020 na ngayon kaya ayun, todo tipa ako sa cellphone 😑.

Pasensya na rin pala tuwing nawawala ako. Gumawa kasi kami survey about sa Online Selling or Direct Marketing.

Kung kayo papipiliin? Direct Marketing Or Online Selling? Then Why?

Survivor Where stories live. Discover now