Chapter 25

332 26 10
                                    


NOTE: This Chapter contains mamy grammatical errors dahil sa pag-pupumilit kong mag-english.

Warren's POV

"Aray----aray ko! Teka lang!"

"Ano ba naman yan? Ang arte mo naman! Kalalaking tao eh.."

"Dahan-dahan kasi, baka madulas na naman tayo!"

"Anong tayo? Ikaw lang naman ang laging nadudulas kanina pa diba? Hayys."

"Oo na po! Oo na. Dahan-dahan ka naman kasi. Baka may makarinig sa atin"

Disè oras na nang gabi pero nandito pa rin kami sa kalagitnaan nang kagubatan. Tila ba'y paikot-ikot lang ang mga dinadaanan namin.

"Namamaligno na yata tayo eh."- angil niya habang inaalalayan akong lumakad. Maka-ilang beses na rin kasi akong nadulas nang dahil sa mga basang dahon at mga muddy pool na madalas naming madaanan. Alangan namang iwasan, eh ang dilim-dilim na nga, wala kaming makita. Ni ang mukha nga nang isa't -isa ay hindi namin maaninag.

Pero ayos lang. Nawala lahat nang takot ko na naramdaman ko noong nakalipas na mga buwan, dahil lang sa isang araw, sa isang aksidente, sa isang babaeng akala ko ay hindi ko na makikita ulit. Nawala lahat nang pangamba ko. Pati ang depression dahil sa pag-kawala ni Ate Wency at ni Ate Giselle. Pariramdam ko ay malakas ako ngayon, yung tipong kaya kong harapin lahat nang kahit anong masalubong namin. She's like a fvcking ecstasy.

"Saan ba tayo pupunta?"- tanong ko. Hindi pa rin tumutigil ang malakas na ulan. Siguro nga ay may bagyo o baka dahil tag-ulan lang. siguro nga.., tag-ulan lang. wala naman kasing bagyo na may kulog at kidlat sa pilipinas. Kung meron man, baka ito na iyon.

Bahagya naman siyang natigilan sa tanong ko. Halos ilang oras na rin kaming palakad-lakad at painot-ikot dito sa madilim na kagubatan. Kung ibang tao siguro ang makakaranas nang ganito, siguro ay nawalan na iyon nang pag-asa at na-depress na sa kakahanap nang daan palabas nitong gubat.

Pero iba ako ngayon. Nararamdaman ko ring iba siya. Mag-katulad ang aming pakiramdam. Hindi namin ramdam ang pagod at wala man lang siyang angal na pagod na, gayundin naman ako. Hindi ko maramdaman ang pagod kahit halos abutin na kami nang disè oras nang gabi sa kakalakad. Walang epekto iyon. Pakiramdam ko ay ligtas ako kahit napaka-delikado nang sitwasyon namin ngayon.

"Saan nga ba tayo pupunta?"- pabalik na tanong niya.

"Kaya ko nga tinatanong sayo kasi hindi ko alam."- nakangiting wika ko. Alam ko namang hindi niya makikita iyon dahil sa sobrang dilim. Curious nga ko sa itsura niya ngayon.

Naramdaman kong hindi siya sumagot kaya't inaya ko siyang mag-pahinga muna kahit sandali.
Hindi naman siya umangal, instead, inalalayan niya akong umupo kung saan.

"Ikaw lang mag-isa?"- biglaang tanong niya nang maka-upo na kami kaya naman ay medyo natigilan ako.

"Hmm, actually, kasama ko sila Ate Giselle, sila Nathan, si Marjorie, Si Kris at si.....A-aaron."- i said, preventing my voice from stammering.

"Talaga? Kung ganon, nasaan na sila?"- halatang-halata ang kuryosidad sa kanyang boses. Napahinto ako at napaisip. Sasabihin ko pa ba sa kaniya ang tungkol sa mga nang-yaring weirdo habang mag-kakasama kami? Kung si Marjorie nga ay natakot, pano pa kaya siya?

But i think, i need to tell her. She owns me. She means everything to me. She deserves my loyalty and honesty, kaya't kahit na-uutal ako, pinilit ko pa ring ikwento ang mga nang-yari. Simula nang mag-kahiwa-hiwalay kami, Yung sa part na nakita namin ang kakaiba at Weirdong si Ate, Ang pag-kamatay ni ate Giselle, at tungkol sa lalaking atras-abante kung lumakad. Pero she keep on asking tungkol don sa babaeng akala namin ay si Ate--or should i say, kamukha at nag-papanggap na si ate.

Nakahalata ako sa bawat katanungan niya. Katulad nang 'totoo bang lagi siyang nakangiti?' At 'Hindi siya nag-sasalita, ano?". So i guess, may alam siya sa mga nang-yayari. Umpisa pa lang naman, alam ko nang siya ang mag gawa nang lahat nang ito. Sa mga eksperimento niya. Siya rin ang dahilan kung bakit nag-kakagulo ang buong bansa at buong daigdig sa nangyayari ngayon.

Pero hinding-hindi ko pag-sisisihan ang araw na nang-yari iyon. Kung sa iba ay iyon na ang pinaka-malala, para sa akin naman ay iyon ang pinaka-masaya. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na magalit sa kanya dahil sa ginawa niyang ito. Thank god for letting this day happen, for making it possible to exist. I thought, hindi ko siya makaka-usap sa buong buhay ko, but when that day came, well, masasabi kong biyaya na nag-karoon nang ganitong epidemya.

"Eh ikaw, sino-sino naman ang mga kasama mo?"- tanong ko para naman ay matigil na siya sanpag-tatanong. Baka kung sino pa ang itanong niya na mag-papabadrip sa akin. Wag ngayon. Wag ngayong masaya ako.

"Ahh yun.... ba? Sina Maelee, Daryll, si Ezekiel, at si..........Jamie."- medyo lumungkot at humina ang boses niya nang binanggit niya ang pangalan ni Jamie. Hmm, i knew it. Madali talagang basahin ang emosyon niya. Dalawa lang kasi ang dahilan, una, nag-kahiwalay sila ni Jamie ; well, it's impossible na mag-kaaway sila. Hindi ganoong tao si Jamie. Siya ang taong alam kong hinding-hindi kayang saktan ang kanyang matalik na kaibigan, lalong-lalo na kung si Nicole iyon. Pangalawa, maaaring.............wala na, ..... wala na si Jamie.

Hindi ko alam kung tama pa ang na mag-tanong ako pero tinapangan ko pa rin . Kailangan kong malaman ang nang-yari. Ayokong kimkimin niya iyon mag-isa dahil handa naman akong makinig kahit kailan niya gustuhin.

"Bakit? May nang-yari ba?"- tanong ko.

Mga ilang minuto rin ang lumipas pero nanatili siyang walang imik. Akala ko nga ay nakatulog na siya pero maya-maya rin ay nag-salita na siya pero hindi iyon ang gusto kong marinig.

I just heard a deep sigh from her. "Wala iyon. Nag kahiwa-hiwalay kasi kami nina Maelee pati ni Daryll, kasama nila si Ezekiel."- sabi lang niya.



Oh c'mon! Bakit ba ayaw niya sabihin?!

Survivor Where stories live. Discover now