Chapter 21

335 25 7
                                    


What? What does he mean? Na hindi tao si Wency? Pano naman niya nasabi? Pano mag-yayari yon ? Maiintindihan ko pa siguro kung sasabihin niyang nagka-trauma si Wency at nasiraan na nang bait.

"Basta! Ang mahalaga ngayon, makatakas tayo sa kanya. Kailangan ko nang plano at kailangan ko nang paryisipasyon nang bawat isa sa inyo."- Warren

"I-explain mo muna kung pano mo nasabing hindi siya tao! Alam mo kasi, hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano diyan sa joke mo eh,"- Nathan na medyo natatawa. Eh sa ako rin naman eh, kung hindi lang seryoso ang mukha ni Warren, edi sana kanina pa ako humagalpak nang tawa kahit alam kong hindi ngayon ang oras para sa humor. Bukod pa don, mga nakanga-nga ang mga kasama namin dito dahil sa naguguluhan din siguro sa sinabi ni Warren. Well, maliban nalang kay Nathan na parang naiiyak na kakapigil sa kanyang tawa.

Kung hindi ko lang talaga kilala tong si Warren, o kung hindi ko lang sana pinsan ito, baka ipinadala ko na to sa Mental. Pano ba naman kasi, kanina ang Creepy niya tapos ngayon ang setious niya na. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako matakot. Kung kay Warren ba o dun sa sinasabi niyang si Wency, na hindi naman daw pala tao.

Bumuntong hininga lamang si Warren sa sinabi ni Nathan. Seryoso itong tumingin sa amin. "Kanina, nang nasa may Veranda ako, iniisip ko ang tungkol kay ate at bakit parang wala man lang kayong pag-aalala nang nawala sya."- pauna niyang sabi.

"Ano ba naman yan! Ang Ikwento mo yung kung pano mo nasabing hindi tao si Wency! Ang layo naman kasi nang kwento ko. Parang ipinapakwento sa iyo kung pano ka ikinasal pero ang kinwento mo ay simula nung bata ka pa. ganoon kalayo ,pre"- angal ni Nathan. HEto pa isa.

"Teka lang kasi! Dun kasi nagsimula iyon!"- dipensa ni Warren. "Kanina kasi, nung umaga, may nakita akong parang pigura nang taong gumagalaw sa may halamanan. Pasilip-silip siya. Hindi rin nagtagal, lumabas na rin siya at nakita kong kamukhang-kamuka niya talaga ang ate ko kaya't nabigla ako"

"Sasalubungin ko sana siya nang bigla siyang ngumiti. Pero ibang ngiti. Mas nakakatakot pa sa ngiting ibinibigay niya sa inyo tuwing nag-kakatinginan kayo. Basta! She's fvcking creepy! And then kung napansin ninyo kanina, may mga bahid nang dugo sa kanyang damit, hindi ba? Napansin ko rin iyon."

"Ang totoo, nang ngumiti palang sita ay hindi na ako kumbinsido na siya nga ang kapatid ko, lalo na nang makita ko ang dugo na iyon na nasa kaniyang damit. Bukod pa doon sa dugo, may hawak pa siyang matulis na kumikinang nang palapit siya sa akin."- Warren

Lahat kami sa buong kwarto ay walang imik. Tila may nag babadyang kapahamakan sa kaniyang kwento na hindi namin mapaniwalaan kung totoo ba o ano. Basta ang alam lang namin, kailangan ay lagi kaming maging alisto sa lahat nang panahon maging sa lahat nang oras. Lalo na't hindi lang pala kami ang nakakapansin sa masamang hangin na dala nang fake na Wency.

"Hindi ko alam kung bakit ko siya napaniwala na snaniniwala akong siya ang ate ko. Bastang lumabas lang kasi iyon sa aking bibig dala nang Adrenaline. Buti nga't napapaniwala ko siya sa mga pinag-gagawa ko kanina at binitiwan niya ang dala niyang matulis. Akala ko nga isasaksak niya itos sakin eh. Pero......."

Hindi pa man tapos ang kaniyang paglalahad ay Nag-simula na ang bulong-bulungan. Nakakarinig pa ko na baka daw ay nasaniban na daw nang masamang espiritu ai Wency kaya daw ay ganoon na lamang ang ugali niya. Sino pa ba ang inaalala ninyong magsasabi non? Edi ang OA na si Marjorie.

"Pero..., hindi ako ganoon kata para malaman na totoong naniwala talaga siya sa lahat nang kasinunhalingan kong ginawa at pinag-sasabi kanina. Well, una sa lahat, oara iyon sa pag-protekta ko sa aking sarili. Pangalawa naman ay para sa inyo, baka kasi mawala siya sa wisyo at bigla na lamang mag-wala at pag-sasasaksakin tayong lahat. Mabuti na ang handa.. at kanina.... kanina ko lang napatunayang hindi siya tao. Isa siyang kakaibang nilalang na akala ko ay sa Telebiayon ko lang makikita."

Lahat kami ay nakanganga na. Paputo-putol kasi siya mag-salaysay eh. Parang abno. Yung kaninang adik na si Nathan na tatawa-tawa ay seryoso na ring nakikinig katulad namin at take note: nakangnga po siya.

"Kanina nong hinatid ko siya sa kwarto niya, hindi siya nagsalita, well hindi naman talaga siya nag-sasalita simula pa nong nagkita kami kaninang umaga. So ayun na nga, pumunta ako dito para patahimikin kayo dahil nararamdaman kong ayaw niya sa maiingay at masalita kaya't sinabi ko kay Giselle na tumahimik kayo. Hindi na rin ganoon ka tingkad ang ngiti niya kanina."

"Tila ba hindi na niya nagugustuhan na may taong nakatingin sa kaniya? Ganoon yung pakiramdam ko kanina. Pero nang bumalik ako para masigurado na nag-papahinga na siya, nagulat ako. Unti-unting natanggal ang balat na nakakapit sa kanya at tumambad ang naaagnas niyang katawan. Hindi ko ma-identify kung babae ba siya o lalaki dahil agnas na balat lang ang nakita ko. Kahit nasa malayo din ako non ay umabot ang nabubulok na amoy kaya't napasinghap ako. Alam kong nung una palang ay weirdo na ang mga nangyayari pero hindi ko naman inakalang ganoon pala siya. "

"Katunayan niyan, hindi pa sana ako aalis kung hindi lang niya nahalata na may nakatingin sa kaniya. Hindi ako ganoong katanga para isiping hindi niya alam ang ginawa ko. At alam kong magagalit siya dahil sa nga alam niyang alam natin na hindi talaga siya si Ate. Kaya ngayon palang, please, hinihingi ko na ang kooperasyon ninyo. Wala naman kasing masama kung hindi kayo maniniwala. Alam kong nagtataka kayo kanina sakin. Nahahalata ko iyon sa bawat tingin niyo pero hindi ko kayo pwedeng kausapin sa ganoong lagay dahil nararamdaman niya iyon."- Warren

Kahit hindi kami masyadong kumbinsido sa sinasabi ni Warren, nagdesisyon na rin kaming mag-plano, just in case na totoo man iyon, ay madali nalang samin na lumabas at makatakas sa misteryosong Wency.

Nang mga oras na ding iyon, bago palang kami makapag-desisyon tungkol sa aming pagtakas ay nagulat kami nang may sunod-sunod na kalabog nang pintuan ang aming narinig.

A/n:

GoodAfternoon! NCov or Novel Corona Virus ay kalat na po sa buong mundo. Only philippines lang ang may kakaunting kaso nito.

This is just a friendly reminder for everyone! Keep safe!

Survivor Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin